Chapter 17

187 10 0
                                    

Chapter 17

Kalawakan


Madiin ang pagkakakagat ko sa aking ibabang labi ng maramdaman ang mainit na mga halik na pinapaulan ni Matteo sa aking panga pababa sa leeg. Suminghap ako pagkatapos ay sumabunot sa isang pulgadang damo na hinihigaan ko ngayon.


"Are you okay?" Nagaalalang tanung nya sa ibabaw ko. Ngumiti ako at tumungo-tungo. Isang beses pa at hinalikan nya ako muli. Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay sinubukang gantihan ang mga halik nya noong una pero kinalaunan ay tumigil din ako dahil wala akong ibang maisip kundi ibang tao. Bumabaha ng imahe ni Gio sa isip ko at sa tuwing hinahalikan ako ni Matt ay wala akong ibang maisip kundi sya.


Hinanap ni Matt ang labi ko at muli akong hinalikan. Nang subukan nyang ipasok ang dila nya sa loob ay kaagad akong napasinghap at napaiwas. Nanlalaki ang mga mata ko at ganun din sya. Kinalaunan ay narinig ko ang buntong-hininga nya at pag-iling.


"Why did you stop?" tanung ko.

Tumayo sya pagkatapos ay kinuha ang kamay ko at itinayo din ako. Pinagpagan nya ako pagkatapos ay kinuha 'yung tuwalya na nasa ibabaw ng bato at inilagay sa likuran ko.

"Halatang takot ka. I don't know why you are forcing yourself, though. It's so not like you." Aniya.

Hindi ako umimik at tinignan lang si Matteo na nakakunot ang noong nakatingin sa akin. "May problema ba?" tanung nya.

Kaagad akong umiling-iling.

"I.. don't know. You seem different. Hindi ka naman dating ganito, Ana. May nangyari ba dito sa Central na dapat kong malaman?"

Lumunok ako at masyadong kinabahan sa klase ng tingin na ibinibigay nya sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay kinuha ang kamay nya at buong-pusong umiling-iling.

"W-wala.. wala naman talaga, Matteo. Sorry kung feeling mo nagiba ako. Uh, iba lang kasi dito sa probinsya. Iba lang din na hindi kita nakita ng isang buwan. Sa manila kasi palagi tayong magkasama. Kaya.. naisip ko, ngayong andito ka ay kailangan nating bumawi sa isa't-isa."

Naningkit ang mga mata nya. "Really? Wala talagang problema?"

Umiling-iling ako. "Wala."

Mukhang duda pa sya noong una pero di kalaunan ay ngumiti din sya sa akin. Matamis ang mga ngiti nya at mas lalo lang bumigat ang loob ko.

"Okay. I love you. "Aniya.


Naginit ang gilid ng mata ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin o kung may dapat pa ba akong gawin. Naiinis ako at gusto kong sumigaw sa galit. Hindi galit sa kanya kundi galit sa sarili ko. Dahil kasama ko si Matteo ngayon pero walang ibang laman ang utak at isip ko kundi si Gio. Walang ibang sinisigaw ang systema ko kung hindi sya.


"I love you. I'm sorry." Yumuko ako.

Nakita ko ang paa nyang palapit sa akin. Binalot nya ako sa bisig nya at kaagad kong naramdaman ang halik nya sa aking buhok.

"No need to be sorry, babe." Bulong nya sa akin.


Ilang segundo din kaming nanatiling magkayakap doon bago namin napag desisyunang umuwi na. Nagbihis kaming dalawa pagkatapos ay tinahak ang daan papunta sa bahay namin. Nang makarating kami ay muling nakipaglaro si Matteo kay Miggy ng games sa cellphone nya. Ako naman ay nakaupo lang dito sa sofa at pinapanuod sila. Nang mainip ako ay tumayo din ako at kinuha ang aking cellphone. Lumabas ako pagkatapos ay umupo doon sa ilalim ng puno. Binalingan ko kaagad ng tingin kung paano bumaha ang mga messages at notifications sa cellphone ko dahil nagkaroon ako ng signal. Isa-isa kong tinignan 'yun at kaagad na natigilan ng mabasa ang isang mensahe doon.

I know what you did last SummerWhere stories live. Discover now