Boracay Escapade 1.2

853 26 0
                                    

Warson

Nagising ako kinabukasan sa sobrang ingay. Ng magmulat ako ng mga mata ko ay nakita ko sila Rosas at Sandrex na sumasayaw sa harap ng laptop. Mga naka topless pa at isinasayaw ang wiggle wiggle na music. Binato ko sila ng unan para tumahimik pero binuhat nila ako at inilagay sa harap ng laptop. Putik. Video pala.

Sumayaw rin ako. Syempre, magpapahuli ba ako! Sayang ang exposure namin noh. Minsan kalang makakita ng gwapong magaling sumayaw.

Natigil ang sayawan namin ng bumukas ang pinto at iluwa nito ang nanlalaking mata nila Irish. Ikaw ba naman makakita ng halos hubad ng katawan namin habang sumasayaw.

"Waaaah!! My innocent eyes!" Tss. Ito naman. Makasigaw naman 'to akala mo hindi pa nakikita ang katawan kong macho. Pero syemore, dahil nahihiya ako ay nagsuot na agad ako ng damit.

"Bitin tuloy. Ano bang ginagawa niyo dito?" Pasigaw na wika ni Rosas. Halata ngang nabitin siya sa dance number namin.

"Kakain na kaya tayo! Sumunod nalang kayo! Gross!" Hinatak naman niya agad si Harold na nasa likod niya. Napansin ko naman agad ang pagtahimik ni Rosas. Tinapik ko ang balikat niya at agad na nagbihis. Nakakagutom ang ginawa namin eh.

--------

Kakatapos lang namin kumain lahat ng mapagpasyahan namin na tumambay at umupo muna sa dalampasigan. Ang ganda kaya ng view na nakikita namin. May mga babaeng swak na swak ang laman ng dibdib at saktong sakto ang vital statistics.

"Wowwww!" Narinig kong wika ni Rosas ng may mapadaan sa aming babaeng nakabikini lang. Kumindat ito sa akin at nagulat ako ng lumapit ito sa akin. Sheyte. Ang hot!

"Hi! I'm Marie. And you are ?.." Tanong niya sa akin sabay lahad ng palad. Iba na talaga kapag gwapo.

"Warson.. But you can call me by my nickname. 'I'm Yours'." Wika ko na nagpahagikhik sa kanya. Inipit ko ang buhok niya na tinangay ng hangin. Lumapit pa siya ng upo sa akin. Sobrang hangin naman pero bakit napaka init na dito?

Lumingon ako sa direksyon nila Rosas. Ganun rin sila, may mga babaeng lumapit rin. Kasama siguro ni Marie.

"Hihi. Kayo lang ba ng mga kaibigan niyo dito?" Tanong niya. Napatingin ako sa legs niya ng nag cross legs siya sa inuupuan ko. Napalunok ako ng malalim. Yung parang pati dila ko kailangan ko ng lunukin.

"Ah.. O-oo. Kami lang dito. Hehe". Wika ko. Inilibot ko ang paningin ko. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Nakita ko kasi si Sam at Irish na masama ang tingin sa akin. Agad kong naitulak ang babae.

"Ouch! Ano ba!" Hiyaw niya. Pero hindi ko na pinansin dahil nakita kong tumakbo na rin si Sam palayo. Tss. Agad ko siyang sinundan. Pero agad ring natigilan ng sumigaw sila Rosas.

"Son! Diba mag i-island hopping pa tayo?" Wika niya. Wala na rin ang babaeng kinakausap nila. Si Irish? Sinundan din si Sam ng tumakbo. Napaisip ako. Baka kasi kung ano na ang iniisip ni Sam ngayon sa nakita niya. Tss! Bakit ba kasi sobrang gwapo ako ng inilabas ni Mama eh. Yan tuloy habulin ng mga chicks!

"Wag mo sabihing di ka sasama?" Tanong ni Sandrex. Isinuot nito ang shades nito at nagsimula ng kausapin ang head ng bangka na gagamitin namin.

Tss. Kakausapin ka nalang mamaya si Sam. Makakapaghintay naman sila eh. Bumalik ako kina Sandrex at kinausap na sila. Napansin ko na lingon ng lingon si Harold. Ano naman kaya ang hinahanap nito?

"Irish." Bulong ni Sandrex sa akin ng mapansin na nakatingin ako kay Harold. Nagtatakang nabaling ang mata ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Mr. Chickboy (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu