Heartaches.

796 19 0
                                    

Warson

Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at paswabeng naglakad papunta sa room namin. Kay aga aga eh nabubulabog na ang kagwapuhan ko ng mga fan girls namin.

Nakipag apir ako kina Sandrex at Rosas na parehong prenteng nakaupo sa chair nila. Sinalo ko agad ang susi na ibinigay nila sa akin. Napangiti ako.

"Happy 1st Monthsarry sa inyo. Tss. Akala ko di ka tatagal sa relasyon niyo ng ex mo." Umiiling na wika ni Sandrex.

"Alagaan mo yang sasakyan ko huh. Tss. Nakakaasar. Tss." Wika ni Rosas. Halata sa mukha nila ang pagkadisgusto. Wala namang reaksyon si Harold at tahimik lang na nagbabasa ng libro niya.

"Sabi ko naman kasi sa inyo guys eh. Iba naman kasi ang kamandag ng mga Rodriguez. Haha!" Wika ko. Ipiniling nila ang kanilang ulo at dumiretso ng upo. Badtrip ba silang lahat?

Minabuti kong umalis muna para hanapin si Sam. Kailangan niyang makuha ang isang susi na siyang ipinangako ko noon.

"Guys! Hahanapin ko lang si Sam!" Paalam ko saka dinala ang bag. Dumiretso ako sa Nursing Department at doon hinanap si Sam. Nakita ko ang nakakunot kong pinsan na nakatutok sa libro na hawak niya.

"Pandak! Nasaan si Sam?" Nakasalubong ang kilay na humarap siya sa akin.

"Di ba uso ang cellphone sa inyo at ako ang ginagawa niyong lost and found corner?" Nakangiti akong lumapit sa kanya at itinaas ang baba niya.

"Hehe. Oo. Nasaan ba kasi siya?" Umayos ako ng upo at tiningnan ang binabasa niya. Fifty Shades of Grey? "Hoy! Bakit ka nagbabasa nito huh!"

Namumula ang mukhang kinuha niya ito sa akin at tinago agad sa likod niya. Para sa mga matured na tao lang dapat ang babasahin na yun ah!

"Hoy! Hindi ka pa naman 18 ah? Bakit binabasa mo yan? At paano ka nagkaroon ng libro na yan?" Bago pa siya makasagot ay agad na pumasok ang babaeng kanina ko pa hinahanap.

"Irish? Hinahanap na pala ni Maam Sanchez yung libro ng FSOG ba yun? Kukunin niya na daw."

"Sam! Nagbabasa ka rin ba niyan?!" Sigaw ko sabay yugyog ng balikat niya. Natatawang napailing nalang siya at kinuha ang kamay ko na nasa balikat niya.

"Haha. Of course not. Alam ko na naman ang nilalaman niyan. Bakit ka nga pala nandito?" Nagtatakang tanong niya. Tumingin ako sa nakangiting si Irish at hinila ang kinuha ang kamay ni Sam paalis ng department nila.

"Teka? Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya habang hila hila ko ang kamay niya.

"May ibibigay ako sayo." Mabuti na nga lang at hindi na siya nagsalita ulit. Nakarating kami sa mini park ng school. Mabuti na nga lang at wala ring masyadong tao dito. Hinubad ko ang polo ko at inilatag sa damuhan para upuan niya.

"Umupo ka." Utos ko. Mabuti na nga lang at hindi na siya umangal pa at sinunod nalang ako. Kinuha ko ang panyo ko at inilagay sa legs niyang na exposed. Tss. Sino ba naman kasing nagimbento ng palda na yan. Dapat pinapapalitan na yan eh. Tss.

"Ano ba yung ibibigay mo at kailangan pang lumayo tayo dun sa office namin?" Nakangiti niyang tanong. Umupo ako katabi niya. Mabuti nalang at hindi gaanong mainit sa parteng ito. Humiga ako gamit ang dalawang braso ko. Inihagis ko sa kanya ang susi ng Lamborghini.

"Teka? Ano to?"

"Susi ng kotse yan malamang."

"Alam ko pero ano naman gagawin ko diyan?"

"Kainin mo baka malunok mo."

"Aish. Warson!"

"Susi yan ng Lamborghini na napalanunan ko sa bet namin. Diba nasa usapan natin na kapag umabot tayo ng 1 month ay ibibigay ko sayo ang isang premyo? Ayan na."

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now