Locating Samantha.

756 18 5
                                    

Warson

"Oh em! I can't believe na hindi mo pa namimeet ang parents ni Sam! Kaya pala hindi mo naisip na hanapin sa kanila si Sam. Tss. Too bad." Kanina pang ganyan ang sinasabi ni Irish. Maaga palang ay bumyahe na kami papuntang Batangas kung saan makikita daw ang lugar ng Lola ni Sam sa mother side. Kilala ni Irish yun dahil nakapunta na sila dun once.

"Bakit ikaw nakilala mo na ba?" Balik tanong ko. Bigla itong nagiwas ng tingin at saka umiling. Pambihira, kung makapangaral naman akala mo kilala niya nga. Adik talaga.

"Haha! Astig!" Komento ni Sandrex. Naka upo ito sa likuran magisa dahil ayaw hiwalayan ng dalawa ang pinsan ko na naupo sa gitna ni Harold at Rosas. Naka upo naman ako sa harapan kasama si Kuya Rey. Buti nga available ito ngayon eh.

"Tss. Pinapahiya mo lang si Irish my loves ko Buhangin!" Sigaw ni Rosas.

"Tigilan mo nga ako Bulaklak! Gagawin kitang chicharon diyan!" Sigaw naman ni Sandrex.

"Tss! Ang ingay niyo. Tumahimik nga kayo." Wika ni Harold.

"Tss. Yan na naman si Matigas." Sabay na wika nilang dalawa at tumawa. Natawa ako ng pagak. Mga adik kasi.

"Nakikitawa rin si Gulo oh. Haha!" Pangaasar ni Sandrex. Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin ko sa daan.

Mga adik eh. Ang lalakas ng topak.

------------

"Lola Mildred!" Sigaw na tawag ni Irish sabay katok sa pawid na bahay. Malapit lang ito sa dagat kaya nararamdaman ko ang init na dumadampi sa mukha ko. Parang ang sarap tuloy maligo.

"Sino ba yan? Aba! Irish! Bumalik ka! Hala pumasok ka muna." Pinagbuksan niya kami at pinapasok sa loob ng bahay. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay, simple lang pero elegante. Masasabing mayaman ang may ari nito. Hindi kataka taka sa kilos ng matandang tinawag niyang Lola Mildred.

"Nakuu... Pasensya na't wala akong maiihain sa inyo hane? Ano bang maipaglilingkod ko? At sino ba ang mga ito Irish? Ito na ba ang boyfriend mo?" Turo niya kay Harold na katabi nito.Nililibot rin ang paningin sa buong kabahayan. Namula ito ng marinig ang sinabi ng matanda.

"Nakuu. H-hindi pa p-po L-lola." Namumulang pagtangi ni Irish. Napataas ang kilay ko sa sagot niya. Showbizzzz!

"Ako po yung boyfriend niya Lola Mildred! Bless po!" Sigaw naman ni Rosas saka nagmano sa kamay nito. Natawa ang matanda sa inasal nito at ginulo ang buhok.

"Naku. Kay gwapong bata." Ginulo gulo nito ang buhok ni Rosas na ngayo'y ngiting ngiti.

"Mas lalong hindi po yan ang boyfriend ko Lola. Siya nga po pala, ito nga po pala si Warson, pinsan ko. Si Harold, Rosas at Sandrex naman po'y kaibigan namin." Pagpapakilala niya sa amin. Nagbless na rin kami't humalik sa noo ni Lola. Yan daw ang hilig nito simula pa noon.

"Warson ba kamo? Ikaw ba ang boyfriend ng apo kong si Samantha?" Tila nabuhayan ako ng dugo ng marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ba nito'y pinapakilala niya ako sa Lola niya?

"Ako nga po Lola." Nahihiyang wika ko. Putik. Nakakakaba pala to.

"Tama nga ang sinabi niya, payat ka daw pero gwapo. Tama siya nung sinabi na gwapo ka." Tss, sa dami ng mga nagsasabing gwapo ako. Kay Lola Mildred lang ako tinablan ng hiya. Wew.

"Whoaaa! Nagba blush si Mr. Chickboy! Hahaha!" Agad kong binato si Rosas ng sapatos ko ng asarin niya ako. Putik. Nakakabakla tuloy.

"Hanep pre. Bago yan ah! Hahaha!" Pangaasar rin ni Sandrex. Humanda sakin ang dalawang yan mamaya.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now