Two

630 16 0
                                    

Warson

Napahawak ako sa ulo ko ng makabangon ako. Shemay. Ang sakit ng ulo ko. Sumilip ako sa orasan na nasa bedside table. 5:30am palang pala. Imbes na matulog ulit ay minabuti kong bumangon at maligo nalang. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito sa kwarto ko. At anong nangyari kay Sam.

Teka? Si Sam! Minadali ko ang pagligo at mabilis na bumaba ng sala. Sinilip ko sa kusina si Mama at nakita ko siyang nagiinit ng tubig.

"Ma! Si Sam po?" Agad na tanong ko sa kanya. Napahawak ito sa dibdib nito at huminga ng malalim bago ako sagutin. Nagulat ko ata.

"Anak.. Hinaan mo nga minsan yang pagsigaw mo. Nakakabulabog ka ng mga taong tulog". Saway ni Mama. Tss. Kaya nga tinawag na sigaw eh, kasi malakas ang boses at sumisigaw. May sumisigaw bang bumubulong?

"Tss. Nasaan nga po si Samantha Ma?" Paguulit ko ng tanong. Sinundan ko siya ng galaw ng ilipat niya ang mainit na tubig sa thermos.

"Pinatulog ko sa kwarto ng Ate mo kasama si Irish. Ang mga kaibigan mo naman ay dun sa isang guest room." Paliwanag ni Mama. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa narinig. Ligtas naman pala sila. Nagpasalamat ako kay Mama ng nilagyan niya ako ng kape sa harap. Ang swerte ko talaga't nandito si Mama para magasikaso sa amin.

"Nakakadiri ka anak, alam mo ba yun." Napalingon ako kay Mama. Naka poker face ito habang humihigop ng gatas niyang Anlene. Pampatibay ng buto ng mga matatandang babae.

"Pogi naman Ma. Hehe. Bakit naman?" Tanong ko. Kumuha ako ng slice ng cake sa ref at kinain yun. Sosyal ako ngayon kasi nandito pa pala si Sam. Hehe.

"Sinukahan mo ang damit na suot ng girlfriend mo kagabi. Nakakadiri ka talaga." Wika niya.

"Okay lang yun -- W-WHAATTTT?!" Napatayong sigaw ko. Napatakip naman ito ng tenga at inilagay ang index finger sa labi. Nagsorry ako at umupo ulit. "Seryoso Ma?!" Gulat na wika ko.

"Ano bang magagawa ko kapag nagsinungaling ako sayo anak?" Boom barado. Ang taray ni Mama ngayon ah. Tss. Pinili kong hindi nalang sumagot at itinuon ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Anak.. Alam mo ba, ibang iba na si Sam ngayon." Napatingin ako kay Mama na ngayon ay diretsong nakatingin sa mga mata ko. Kumunot ang noo ko at ipinagpatuloy niya ang pagsasalita. "I mean, yung dating Sam eh mahiyain, palangiti at masayahin. Parang walang problemang dinadala." Dagdag niya.

"Ganun pa rin naman siya ngayon Ma ah?" Wika ko sa kanya.

"No.. I mean, dati kasi kapag nakikita ko siyang nakatingin sa mata mo ay puno ng pagmamahal. Ngayon, hindi ko mabasa kung ano. Parang panghihinayang, sakit at may halong pagmamahal ang tingin niya sayo." Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong gustong sabihin ni Mama?

"What do you mean Ma?" I asked.

"Maybe.. She's not Samantha." Di makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Naka drugs ba si Mama?!

"You're funny Ma. Haha." Wika ko. "It can't be happen. I know my Samantha very well." Dagdag ko pa.

"I'm just joking anak. Nahahaluan na ako ng kadramahan sa mga pinagbabasa ko sa wattpad. Damang dama ko pa kasi ang emotion ni Yvo at ni Ash sa "When a princess falls into a star" na gawa ni Redbons." Wika niya at nagpunas punas pa kunwari ng luha niya sa mata.

"Waaaah! Oo nga Mama! Nabibitin nga ako kasi hindi pa tapos! Huhu! Ang lalim ng tagalog niya at grabe ang mga sakripisyo nila sa isa't isa. Labanan ng puso at utak. Waaaah!" Napatakip ako ng tenga ko ng biglang sumingit sa usapan si Mai. Tss. Mga adik sa wattpad. Sino ba kasi ang redbons na yan at napapabaliw niya sila Mama ng ganyan? Tss. Redbons? Mapulang buto? Fvcking name.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now