Beg.

628 15 0
                                    

Warson.

"Hey Man. Kamusta ang date niyo ni Sam?" Tanong sa akin ni Sandrex. Umakbay ito sa akin at hinila ako paupo. Binati ko sila Rosas at Harold.

"Masarap." Nangingiting sagot ko. Mapagtripan nga sila.

"MASARAP!!!!" Sigawan nilang dalawa. Si Harold naman ay nakatitig lang sa akin.

"Masarap ang mga pagkain na kinain namin." Paliwanag ko.

"Aaaaaaah!" Tila nakahingang wika nila. Mga baliw talaga. Haha. Mapagtripan nga sila.

"Mainit rin." Wika ko.

"MAINITTTTT!!!!!" Sigaw nila.

"Mainit yung sabaw na kinain namin." Nagpipigil ako sa tawa ng makitang nakahinga na naman sila ng maluwag.

"Tama na nga yan, Baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan niyo. Tss." Wika ni Harold. Umayos ako ng upo at tumingin kay Sandrex.

"Nakita ko si Sandrex nung kumakain kami ni Sam sa Pizza house, girlfriend mo Brad?" Tanong ko na ikinamula ng mukha niya. Tumango ito at agad na sumigaw si Rosas.

"Whaaaat! Ako nalang ba ang single dito? Ang lupit! Ang romantic ng pangalan ko pero wala pa akong girlfriend? Pusanggala naman oh!" Reklamo niya.

"Bakit? Sila Irish na ba't si Harold para umatungal ka diyan?" Tanong ko. Umiling si Harold ng mapatingin ako sa kanya.

"Tss. Hindi pa! Pero dun din ang punta nun. Tapos ikaw, alam ko namang babalik rin si Sam sayo soon. Waaah! Kawawa ang poging si Rosas! Walang chikababe!". Binato ko siya ng stapler na nakita ko para tumigil.

"Haha! Kahit wala kang girlfriend, hindi ka namin pababayaan." Wika ni Sandrex ng umakbay sa kanya. Natatawang napasimangot nalang ito.

"Son? Balita sa campus ang pagshi-shift ng course ni Sam ah? Akala ko ba gusto niyang maging nurse? Bakit nagshift siya ng Journalism?" Tanong ni Rosas matapos naming mag asaran. Bakit hindi ko alam yun?

"Totoo ba yan?" Paninigurado ko. Wala naman kasing binanggit si Sam sa akin tungkol doon.

"Yeah. Kaya nga nagulat ako ng iba na ang kasama niya kanina. Yun pala eh, nagshift na nga talaga." Wika niya.

"You better ask Irish about that Bro." Sandrex suggested.

"Ano yun?" Tanong ni Irish ng pumasok ito ng office namin. Ang lakas talaga ng radar nito. Tss.

"My loves, ganito kasi yun." Umakbay si Rosas sa kanya at inihatid ng upo. "May napapansin ka bang kakaiba kay Sam?" Tanong nito. Napaungol ito sa sakit ng may lumipad na stapler sa ulo niya.

"Tangna! Sabihin niyo kasi sakin kung gusto ninyong makipagpalit ng kagwapuhan sa akin! Hindi yung binabato niyo ako ng ganyang katigas na bagay!" Reklamong wika nito.

"Gago! Tingnan mo nga oh! Baka mamaya niyan manlisik na ang mata ng isa dito. Di ka ba nakakaramdam ng kuryente?" Natatawang wika ni Sandrex. Umiwas lang ng tingin si Harold itinuro siya nito.

"Tss. Palibhasa kasi mas gwapo ako sa kanya. Nag give way na nga ako sa nararamdaman ko para sa kanya tapos ipagkakait niyo pa ang pagiging friends namin. Ang saklap." Nagpout pa ito at nagpacute. Fvck! Mukha na siyang bakla.

"Tss. Friends ba yang 'my loves' ang tawag mo? Sinong pinagloloko mo? Tss." Sabat ni Harold. Nagseselos na nga ata. Exciting 'to.

"Tss. Manahimik na nga kayo." Sagot ng nagmamaganda kong pinsan. Isa rin 'to eh, feel na feel na pinagaagawan siya ng mga lalaki. Sabagay, hindi sa pagiging bias pero maganda naman talaga siya. Ayoko lang sabihin sa kanya dahil lalaki na lahat ng pwedeng lumaki sa kanya kapag nagkataon.

Mr. Chickboy (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα