Ligaw: Day 2 √

1K 25 0
                                    

Sam

Napansin ko ang kakaibang ngiti ng mga ka block ko habang paakyat kami ni Irish ng hagdan. Ngumiti ako pabalik ng ngumiti sila sa akin.

Mas na wirduhan pa ako ng magsigawan ang mga kaklase ko pagpasok namin ng room. Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung dumating si Warson pero nadismaya lang ako ng walang makita.

Nagmadali akong umupo sa upuan ko. Inayos ang gamit ko at nag suot ng headset. Ngunit natigilan ako ng may makita na nakasulat sa blackboard.

Sam,

Nobody told the fishes to swim, the dogs to bark, they just did.
Just like me, nobody told me to love you but I just did.

Love,
Warson.

Namula ako ng husto ng mabasa ito. Ngayon alam ko na kung bakit sila nagsisigawan. Lumapit sa akin si Irish at inalis ang headset sa tenga ko.

"Ewww.. Kaya pala humingi sa akin ng quotes si Warson." Wika nito at sinundot ang tagiliran ko.

Ngumiti ako at yumuko. Saka ko lang napansin ang isang papel na nakapatong sa desk ko. Kunot noo ko itong kinuha.

Picture ito ni Warson na nahulog ang paa sa tulay. Nagtataka na binasa ko ang caption dito.

"Ang lampa ko talaga, tatawid na nga lang ako sa isip mo nahulog pa ako sa puso mo."

Napangiti ako dahilan para magsigawan sila. Naramdaman ko ang pagpula ng buo kong mukha.

"Ang swerte ni Sam."

"Oo nga, ngayon lang nanligaw yan si Warson."

"Kaya nga, imagine siya palang ang kauna-unahang babae na binigyan niya ng surprise."

"Kyaaa! Sana sakin nalang na inlove si Mr. Chickboy!"

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa iba't ibang comment na naririnig sa mga classmate ko.

Pati na rin sa kaalaman na walang niligawan na iba si Warson kundi ako lang. Sinabi ito ni Irish sa akin. Alam ko rin na nakikipag date siya sa mga babae pero hanggang fling lang talaga.

Kaya naisip ko na posibleng mahal pa rin ako ni Warson kahit ilang taon na rin ang nagdaan.

Pero nawala ang ngiti ko ng bigla kong maalala ang naging agreement namin. Tila sinasampal ako nito sa katotohanan na hindi na ako mahal ni Warson.

Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga. Kung sana ay maibabalik ko lang ang dati.

Napaayos ako ng upo ng biglang pumasok ang Biology Professor namin na kilala bilang strict. Tumikim ito para makuha ang atensyon namin na lahat.

"Class. Take your seat now." Utos nito. Yumuko ako para kunin ang G-Tech ko ng magsalita ulit ito.

"Bago ko nga pala umpisahan ang klase ay may gusto lang akong basahin sa inyo." Napuno ng pagtataka ang lahat sa amin.

"Sam, huwag mo sana na isipin na walang nagmamahal sayo. Naiinsulto lang ako.

Nagmamahal,
Poging Warson."

Namula ako ng husto at hindi agad nakakilos. Muli kong narinig ang pagsisigawan ng lahat at panunudyo nila sa akin.

Pero mas nagulat kami ng biglang may sumilip sa room at sumigaw.

"Ma'am! Maraming salamat po! I love you Sam! See you later!"

Napa buntong hininga ako. Parte rin ba ng agreement namin 'to? Bakit feeling ko totoo na ang lahat?

O ako lang talaga itong umaasa ng umaasa.

-------

Warson

"Hey, Let's go?" Natigilan ako at napatingin kay Sam. Nandito na pala siya? Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako.

Pinagbuksan ko siya ng pinto bago pumasok sa kabila. Sinundo ko siya dahil alam na ng lahat na nililigawan ko siya. Nakakahiya kung hindi ko ito gagawin. Baka hindi maniwala ang lahat sa ginagawa namin.

Napalingon ako kay Sam ng makita na nakakunot ang noo nito. Pagkatapos ay tumingin ito kay Irish sa likod.

Napangisi ako ng makita ang galit na mukha ni Irish. "Bakit ba sinama mo pa ako dito Son! Alam mo naman na magdidate pa kayo diba?"

Natatawang umiwas ako ng tingin sa kanila. Sinadya ko na isama si Irish para hindi kami maiwan na magisa lang ni Sam. Naiilang ako at para makita ni Irish ang lahat pinaggagawa ko.

Magaling mag report yan kay Ate kaya for sure na iri report niya agad ang lahat ng ito dito.

"Masama ba na isama kita? Pinsan kita kaya okay lang kay Sam. Diba Sam?" Pinisil ko ang kamay ni Sam para sumagot. Alam ko naman na hindi niya rin gusto na napag iisa kami.

"Oo naman." Ngumiti ito at nagpawala ng galit ni Irish.

"Hay naku. Hahanap nga ako ng boyfriend para meron rin akong maka holding hands." Biro nito. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya ng malakas.

"Okay nga yun para magamit ko na rin ang kamao ko." Wika ko. Umirap ito at hindi na umimik ulit sa akin.

Akala nila papayag ako na magka boyfriend agad sila? Huwag na.

Ng makarating kami sa bahay nila Sam ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa pisngi bago pumasok sa loob ng bahay nila.

Natigilan ako. Yun din palagi ang ginagawa niya kada magpapaalam sa akin kapag hinahatid ko siya pauwi o aalis siya sa tabi ko noong kami pa. Namiss ko yun. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba 'tong iniisip ko?

"Hoy! Tara na't baka gabihin pa tayo!" Nagulat ako ng bigla na sumigaw si Irish. Natatawa na umiling ako bago pumasok sa loob ng kotse at pinaandar.

Hindi ko alam pero nakangiti ako buong byaheng pauwi. Napansin ito ni Irish at buong gabi akong inasar. Sabi niya senyales daw yun ng mga taong inlove. Tinawanan ko lang siya dahil napaka imposibleng mangyari ulit nito. Hindi na ulit ako magpapaloko sa kanya.

Muli ay naisip ko ang kiss niya sa pisngi ko. Napangiti ako at kinapa ang pisngi na nahalikan niya.

Pero nasampal ko ang sarili ko ng maalala ang naiisip ko. Ayoko na masanay sa mga bagay na hindi nagiging permanente. Ayoko sa panandalian na kaligayahan na maihahatid niya sa akin. Ayoko ulit na mahalin siya.

Kailangan kong maging matalino ngayon. Syempre, kailangan yan ng mga gwapong katulad ko.

Kahit kami na mga lalaki rin ay nasasaktan. At katulad niyo na mga babae ay nahihirapan rin kaming mag move on.

Masakit magtiwala. Pero mas masakit na iwanan ka ng walang dahilan.

--------

√ Edited.

Vote. Comment.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now