Last Wish

710 17 4
                                    

Warson.

Labis ang tuwa ko ng makita ang masiglang mukha ni Samantha. Niyakap ko siya at napaluha ng naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin. Sa wakas, nagising na rin siya.

"S-son..." Nahihirapang wika nito. Inilagay ko ang hintuturo ko sa namamalat niyang labi.

"Wag ka munang magsasalita Babe. Alam ko excited kang sabihin kung gaano ako kagwapo pero dahan dahanin muna natin. Alam mo na masyado ka pang napagod kakatulog." Nakangiti kong wika. Ngumiti ito at walang pagsidlan ang puso ko sa saya. Ako na ata ang pinakamasayang tao ngayon sa mundo. Nagulat ako ng marahan nitong pinunasan ang luha ko sa mga mata. Siya nga si Samantha. Ang tunay kong Sam.

Lumikot ang mata nito at ngumiti kina Rosas at Sandrex.

"Kuya.." Naluluhang wika nito pagkakita kay Harold. Lumapit naman ang isa at hinalikan sa noo si Sam.

"Gising ka na nga." Nakangiting wika ni Harold. Makikita sa mata nito ang galak at kaunting luhang pumatak marahil ay dahil sa kasihayang makita ang kapatid niyang nagising na muli.

"W-where's Ate Maegan?" Tila na freeze ako sa kinauupuan ko ng hinanap niya ang taong yun. Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung saan siya nagtungo.

"She went outside." Simpleng tugon ni Harold.

Tumango naman siya at agad na ibinalik ang tingin sa akin. Masaya ako't gising na siya. Maitutuloy na rin namin ang naudlot naming forever.

-------------

Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo akong naging masaya. Gising na si Samantha pero hindi pa rin siya pinapayagan na lumabas ng hospital. Pagkatapos kong makapasok ay agad akong dumidiretso dito. Para maalagaan at maasikaso siya.

Meron namang mga nurse dito pero iba pa rin kapag ikaw ang nagbabantay sa mahal mo. Nakilala ko na rin ang parents niya at pasalamat ako't hindi ito kapareho ng mga matapobreng mayayaman. Approve nila ang relasyon namin ni Sam ngayon at binabalak kong pagkatapos naming mag aral ay papakasalan ko na siya agad.

"Son? Anong iniisip mo?" Tanong niya habang pinapakain ko siya ng ubas. Paborito niya kasi ito at laging hinahanap hanap ngayon. Ngumiti ako sa kanya at nagsalita.

"Yung kasal natin pagkatapos nating mag aral." Nakita ko kung paano siya namula at yumuko. H-hindi niya ba gusto ang ideya na ikakasal kami? Imbes na mag isip ay pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng ubas. Ayaw niya daw kasi ng may balat.

"What do you think of Ate Maegan?" Agad kong nabitawan ang ubas na binabalatan ko at nagtatakang napalingon sa kanya. She's wearing her smile.. A weaker smile.

"Just answer it Babe." Pagpipilit niya. Nagpakawala ako ng mahabang pag buntong hininga. Hindi ko alam kung anong ipinupunto niya ngayon.

"Well, your Ate M-maegan is pretty but you're lot prettier compare to her. She's sexy but you're sexier than her." Wika ko. Nakita ko ang pagngiti niya.

"Ano ba yan. Bias ka kasi ako ang kaharap mo. Yung honest kasi." Wika nito. Bakit kumukulit ata ang mahal ko ngayon?

"But that was the truth Babe. Ano ba kasing ipinupunto mo?" Tanong ko sa malumanay na tinig. Ngumuso ito at humalikipkip.

"Wala lang. Pag namatay na kasi ako ay sa kanya kita ihahabilin. Mas panatag pa ang loob ko." Bigla akong natigilan at dahan dahan na napaangat ng tingin.

"Hindi ka mamamatay Sam okay?" Mariin kong wika. Naninikip ang dibdib ko sa kaisipang mawawala na naman siya sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at ngumiti.

"Son.. We need to accept it. I don't want to deny it from myself kasi the more I denied it the more na nasasaktan ko ang sarili ko. It's okay na naman sa akin. It's god will for me. And I know Ate Maegan will take good care of you Babe." Wika nito habang titig na titig sa mata ko.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now