Ligaw: Day 1 √

1.1K 24 0
                                    

Sam.

"Irish? Saan ba tayo pupunta?" Pag uulit ko na tanong sa kanya. Pero ngumiti lang ito sa akin kaya napasimangot ako. Bumuntong hininga ako at humarap siya sa akin.

"Basta. Kumalma ka lang." Wika nito kaya napangiti ako. May usapan kami ni Warson ngayon kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na manliligaw ulit si Warson sa akin. Minus the fact na hindi totoo ang lahat.

I sighed. Nagpahila lang ako sa kanya at hinintay na makarating sa paroroonan namin. Maya maya ay nakarating kami sa Auditorium ng University.

Nagulat ako ng itinulak ako ni Irish sa gitna. Nagtataka na napalingon sa akin ang lahat. Lahat sila ay naka upo habang ako ay mag isa na nakatayo sa gitna. Balak ba akong ipahiya ni Irish? At bakit ba ako nandito?

Pinilit kong ngumiti sa kanilang lahat pero mas lalong nadagdagan ang nagtataka nila na tingin sa akin. Dahil sa hiya ay hinanap ko agad si Irish, sumenyas siya na maglakad ako patungo sa stage. Kahit medyo naiilang ay sinunod ko siya.

Kinilabutan ako ng biglang namatay ang ilaw. Nataranta ako at nasilaw sa pagtutok sa akin ng spotlight.

Pero mas nagulat ako ng marinig na boses na kumakanta.

"Hindi ko maintindihan ang nilalaman ng puso..
Tuwing magkahawak ang ating kamay,
Pinapanalangin lagi tayong magkasama,
Hinihiling bawat oras kapiling ka.."

Tumapat ang isang spotlight sa isang malaking white screen. Isa isa dito na ipinakita ang picture namin ni Warson. Panahon na mahal niya pa ako at masaya pa kami. Panahon na hindi ko na yata maibabalik pa.

"Sa lahat..
Ng aking ginagawa..
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta..
Sana'y di na tayo magkahiwalay
kahit kailan pa man.."

Pinigilan ko ang pag labas ng luha ko ng magpakita siya. Tinapatan siya ng isang spotlight at dalawa na kaming agaw pansin dito. May hawak itong microphone pero alam kong hindi siya ang kumakanta.

Pero kahit ganun ay hindi ko napigilanang pagbuhos ng luha ko. Isa lang ang alam ko, namiss ko siya ng totoo.

"Ikaw lamang ang aking minamahal.
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam..
Makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinta..
Wala na kong hihingin pa, wala na."

Sa kanta na ito ko naisip na sana ako lang talaga ang minamahal niya. Sana ako pa rin ang pinaka tatangi niya na inaasam. Na ako ang gusto niyang makapiling pang habang buhay. Na wala ng iba at ako lang.

Hindi ko mapigilan ang pag ragasa ng mga luha ng bigyan niya ako ng rosas. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Kapareho ng ginagawa niya noong kami pa.

"Ayoko ng maulit pa ang nakaraang ayokong maalala.
Bawat oras na wala ka parang mabigat na parusa.
Huwag mong kakalimutan na kahit mag iba.
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta."

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now