SC : Rosas' Gumamela

491 11 0
                                    

Rosas.

Rosas

Natatawa pa rin ako habang iniisip ang naging reaksyon ng Gumamela na yun. Ilang linggo na rin ng magkita kami sa dinner date na yun. Well, her true name is Sophiya Rose Gumamela Sarmiento. Pero mas maganda raw na tawagin siyang Gumamela kasi bagay daw sa Rosas. Pfft. Pauso talaga si mommy.

"Ang gago ni Rosas. Kanina pa tawa ng tawa yan." Pagpapansin ni Sandrex.

"Dalhin na kaya natin sa mental yan?" Wika ni Warson.

Tinapunan ko sila ng masamang tingin pero tinawanan lang nila ako. Hindi rin kasi nila alam na naka arrange marriage na naman ako. Nag decide na sila Mommy ng araw kung kailan kami ikakasal. Inaasume nila na may relasyon kami dahil hinalikan ko siya sa pisngi nun. At hindi na naging masungit sa akin si Mom. Hehe.

Pero baluktot ang naging itsura ni Gumamela nun. Mukhang ayaw niya base sa naging reaksyon niya. Ang sarap niya ngang inisin eh.

"Nakakatakot talaga ang paraan ng pagtawa mo Rosas." Tumingin ako kay Harold na ngayon ay ngingiti ngiti. Iba talaga ang nagagawa ng inlove. Tss. Kailan ko kaya mararanasan ang saya ng pagiging inlove? Yung ngingiti ka nalang dahil naiisip mo siya. Yung tatawa ka dahil sa mga funny scenes niyo.

"Rosas!" Napalingon ako sa nakangising itsura ng tatlo.

Tumaas ang kilay ko. "oh?"

"Gago! Yung phone mo! Kanina pa ring ng ring!" Sigaw ni Warson. Tss. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag ng hindi manlang tinitingnan kung sino ang caller.

"Hell-"

Nailayo ko ang tenga dahil sa malakas ng sigaw. "Hoy Rosas Santino! Nasaan ka na ba?! Kanina pa ako naghihintay dito sa restaurant mo! Nasaan ka na ba?!" Si Gumamela lang pala.

"Hey baby. Calm your tits." Narinig ko ang pagtawa ng tatlong ugok.

"ANONG CALM YOUR TITS! NAIINTINDIHAN MO BA YANG PINAGSASABI MO! GAGO KA TALAGA!"

"Of course baby. On the way na ako, bye!" Wika ko at pinindot agad ang end button. Sigurado akong nagpupuyos na ito sa galit. Tumayo ako at akmang aalis na ng harangin ako ng tatlo.

"Hoy! Ang dami mo pang trabaho dito ah!" Nangaasar na wika ni Sandrex.

"Oo nga. Aalis rin kami mamaya kasi may problema rin sa office ni Dad." Wika ni Warson. Sumang ayon naman si Harold. Susss! Mga palusot nila. Kaya hindi ako nagkakalove life eh. Lagi nila akong pinapaiwan dito sa office namin. Kapag ako tumandang matandang pogi.. Pero okay lang pala. At least, forever may chicks.

"Maghahanda pa ako sa kasal ko. Hehe." Naiwan silang nakanganga sa akin. Oh diba? Minsan lang bumitaw ng mga magagandang banat ang isang Rosas Santino pero malupit. Boom panis!

Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho patungo sa restaurant namin. Naisip ko lang huh, lagi nalang dun yung tagpuan namin. Plano niya bang lugiin ang negosyo ko?

Dumiretso agad ako sa opisina ko dahil dun ako tinuro ng guard namin. Nakita ko ang secretary ko na namumutla. Tinarayan ba siya ni Gumamela? Pfft.

"Jasmine? Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko.

"O-opo sir. Nandiyan na po pala si Ms. Sarmiento." Nauutal na wika nito. Tumango ako at dahan dahang binuksan ang pinto.

Napangiti ako ng makita siyang namumula sa galit. "Hi baby." Bati ko sa kanya. Hahalik pa sana ako sa kanya kaso iniwas niya agad ang mukha niya.

"Bakit ba ang tagal mo? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito?" Pulang pula ang pisngi nito dahil sa galit. Amuse na nakatitig lang ako sa kanya. Maganda naman pala ang mapapangasawa ko. I mean, kaya nga natipuhan ko siya noon sa bar diba? Akalain mo nga naman, ang gwapong si Rosas biniyayaan ng napaka gandang fiancée.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now