SC : Sandrex Girl

616 11 0
  • Αφιερωμένο στον/ην dkeoksz
                                    

Sandrex.

I am just an ordinary man. An ordinary man who loves to mingle with others, most especially in girls. Hindi naman ako babaero katulad nila Warson at Rosas. Mag kasing bait kami ni Harold pero ako ang pinaka pogi sa aming apat. Self proclaim lang sila ako naman totoong totoo.

Nung nagpasabog kasi si Lord ng kagwapuhan ay nasalo ko lahat at naambunan lang ang tatlong yun kaya naging gwapo rin.

Hinahabol ako ng mga babae pero hindi ko sila pinapansin. Natural lang naman na mamangha ka sa kagandahan na taglay ng isang babae diba?

Ikikwento ko sa inyo ang kwento ng buhay pag ibig ko. Hindi naman ata pwede na sila Warson lang ang may lovelife. Syempre, pumapag ibig rin ako. Mabuti nga at solve na silang lahat. Pwera lang pala kay Rosas. Pfft!

Naaalala niyo ba ang time nung nakita ako ni Warson na may kasamang babae? Well, that was my girlfriend. Pa on and off ang relasyon naming dalawa. Para sa kanya yun. Pero para sa akin. Kami pa rin.

Nakilala ko siya noong papauwi na ako galing school. High school palang ako nun. I am buying a root beer sa 7/11 ng may nakabunggo sa aking isang babae. Tiningnan niya lang ako at hindi manlang nag sorry.

Pinabayaan ko nalang siya dahil maganda siya. Karapatan rin daw kasi ng mga magaganda ang magsungit. Nagkibit balikat ko at dinagdagan ng curls ang dala ko. Nakapila sa counter yung magandang babae at mukhang tulala. Naiinis na nga sa kanya ang cashier kasi kanina pa siya kinakausap pero lagi ata lumilipad sa Pluto ang utak nun. Nakita kong root beer rin pala ang binibili niya.

Ng lumabas siya ay nagreklamo pa ang cashier. Naiwan niya rin kasi ang wallet at binili niya. May saltik siguro yung babaeng yun.

Agad kong binayaran ang binili ko at binuksan ang root beer na hawak ko. Ng papalabas na ako ay hinablot ng babae ang root beer na hawak ko at diretsong ininom iyon. Fvck! Inubos niya yung root beer ko!

Nandiri ako ng ibinigay niya sa akin ang bote gamit ang nanlilisik na mga mata. Dumighay pa ito sa harap ko't itinulak ako palabas. Naiinis na lumabas ako ng convenience store. Badtrip! Nauuhaw na kaya ako!

Imbes na umuwi agad ay dumiretso ako sa park. Nauna kasing umuwi sila Warson kanina. May inihatid na chicks. Sam ata ang pangalan nun.

Kinuha ko ang isa pang root beer at ininom iyon. Kahit maggagabi na ay marami pa ring mga tao sa park. Mga nagdidate at halos teenager katulad ko. May nakikita akong naga away at naglalambingan.

Puro katulong rin naman ang maabutan ko dun sa bahay pag umuwi ako. Busy kasi sila Mama at Papa. Only son ako dahil ayaw na rin ni Mama na manganak noon. Ewan ko kung hindi nabuntis si Mama noon ni Papa. Malayong magka anak ito. Masyado kasing career woman.

Inubos ko agad ang root beer na iniinom ko. Ng makita kong wala ng laman ang last kong ininom ay naiinis kong binato ito sa basurahan. Pambihira kasi yung babaeng yun eh. Inagaw.

Minabuti kong maglakad nalang pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin dito. Ng pauwi na ako ay nakita ko yung babaeng nakatulala lang habang binubully ng mga powerpuff girls namin dito sa village. Triplets ito at sobrang sama ng mga ugali.

Hindi ko na sana papansinin pa sila kasi hindi ko ugali na makialam sa away pero hindi ko napigil ang sarili ko ng makitang pinagsasampal na ng naka red na ribbon at red na damit ang babaeng umagaw sa akin ng root beer. Tss.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanila. Ng makita nila ako ay nagniningning ang kanilang mga mata. Pogi kasi ako at sikat pa dito sa village namin.

"Hi Prince Sandrex!" Sabay na sabay na wika nilang tatlo. Dumiretso ako ng tingin sa babae at nilapitan ito.

Mr. Chickboy (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα