Long Wednesday √

2.8K 40 4
                                    

Warson.

I am preparing my things for today. I need to prepare for our longest line game planned by Harold.

Napangiti ako ng makita ang suot ko.

Nagsuot ako ng patong patong na damit. Nagsuot rin ako ng maraming sinturon at bling bling. Kinuha ko ang mahabang medyas ni Alexia Andrea at isinuot ito. Nagsuot rin ako ng maraming boxer na patong patong rin. Mabigat siya sa katawan pero okay lang, para sa pagka panalo ko ito!

Coding kami pag Tuesday kaya wala kaming pakulo tuwing araw na yan. Every Monday, Wednesday at Friday lang yung mga trip namin na ito. Seryoso kaming tao kapag walang trip. Hindi lang halata.

"Kuya! Ano po yang suot mo? Ang pangit!" Reklamo ng bunso namin. Pero ang laki pa rin ng ngiti nito habang pinipicturan ako. Umayos ako ng post para gwapo pa rin kahit papano.

"Saan mo ba dinadala yung mga photos ko Alexia?" Tanong ko pero imbes na sagutin ako ay tumakbo lang ito pababa ng sala namin. I rolled my eyes heavenwards. Gay? Nah! Bakit ko ba siya paulit ulit na tinatanong? Eh walang matinong sagot na ibibigay sa akin ito?

Bumaba ako at hinalikan si Mama sa pisngi. Napasimangot ako ng makita kung sino ang kausap nito.

"Hoy Warson! Ano yang suot mo?" Sigaw ni Ate. Sumimangot ako. Iba na talaga kapag gwapo. Lagi ako ang nakikita.

"Fashion 'to ate." Tinatamad na sagot ko. Pumasok ako sa kusina at naghanap ng makakain. Pakiramdam ko ay kuminang ang mata ko ng makita ang lunch box na may puno ng cookies.

"Waaaaah! Kuya! Why did you eat those cookies?! I'll be giving it to my crush! Waaah!" Sigaw ni Mai. Dinilaan ko ang hintuturo ko ng maubos ang laman nito. Napangisi ako. Sa crush pala huh, buti maaga ako nagising at nakapagbihis.

"Oh? Di ko sinasadya ah. Hehe! Okay lang yan, ang pangit kaya ng lasa. Tara na pasok na tayo!" Yaya ko sa kanya. Padabog nitong tinanggal ang kamay ko na nakaakbay sa kanya at galit na lumabas ng bahay.

"Ma! Alis na po kami! Alexia! Tara na!" Tumatakbong lumabas ng bahay si bunso at sumakay sa kotse. Himala ata at hindi lumabas pinsan ko ngayon. Mas gaganda sana ang araw niya kapag nasilayan ng mas maaga ang gwapo kong mukha.

Pinagbuksan ko ng pinto ang dalawa at sumakay sa Van katabi ni Kuya Rey.

"Kuya Rey! Ang pogi natin ngayon ah!" Bati ko sa kanya. Tumawa lang ito at nagsimula ng mag drive.

"Irish! Ang tahimik mo ngayon?" Puna ko kay Irish. Nakatulala lang kasi ito at tila wala sa sarili.

Umirap ito sa akin. "Mind your own business pangit."

Kumunot ang noo ko. Ngumisi ako ng maalala ang rason ng pagiging moody ng babae. "Meron kang regla ngayon?" Nanlaki ang mata nito at biglang namula ang mukha.

"You pervert!" Binato niya sa akin ang bag niya na agad ko nasalo.

"Oh! Mamaya matamaan ang gwapo kong mukha at mawawalan ka ng gwapong pinsan." Pang aasar ko. Nilabas niya ang dila niya at agad akong inirapan. Narinig ko ang hagikhik ng bunso namin na nakatingin lang sa amin.

"Mai! Okay kalang ba?" Concern na tanong ko sa nakasimangot na si Mai.

"Do I look okay? You ate my cookies!" Nakasimangot na sagot nito.

Tumawa ako at bumulong kay Kuya Rey na dumaan sa favorite bakery shop namin magbabarkada.

"Kuya. Baka po malate ako." Lumingon ako kay Alexia. Narinig niya yun? Mana talaga siya sa gwapo niyang Kuya.

"Wait lang bunso. May bibilhin lang si Kuya." Sagot ko ng iparada ni Kuya Rey sa gilid ang kotse.

Pumasok ako at sumalubong sa akin ang mabangong tinapay ni Aling Nena.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now