Irish's Help.

722 17 0
                                    

Warson

Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog. Tss. Ginabi na kami ng uwi kahapon. Noong sabado pa kami bumabyahe ng byahe kakahanap kay Sam pero wala. Hindi naman si Sam na hinahanap namin yung nagpapakilalang Sam sa amin. Tss. Nakakapagod pero pinagpapatuloy pa rin namin.

Tumingin ako sa tatlo na nakapangalumbaba rin. Halata sa kanila ang pagod at puyat sa ginawa namin. Lalong lalo na si Harold na siyang ginawa naming driver. Buti pa nga kami nakakatulog pa. Hindi na nila siguro nakayanan ang antok kaya napayuko na sila sa armchair at natulog. Nakisali na rin ako dahil pipikit na talaga ang mata ko. Promise.

"Mr. Rodriguez and Friends!" Napatingin kaming apat sa terror naming teacher. Leche. Para tuloy kaming si Barney and Friends. Worst, ako pa ata si Barney. Tss. Ipapamurder ko ang picture nito sa aso namin.

"Yes ma'am?" Sabay naming wikang apat.

"Ano na namang ginawa niyong apat? Mukha kayong mga adik sa lalim ng eyebags niyo. Hindi rin tama na tinutulugan niyo ako sa oras ng klase ko!". Galit na wika nito. Nangalumbaba ako at tinatamad na tumango sa kanya. Narinig ko ang hagikhikan ng mga classmate kong babae. Leche. Matutulog talaga ako agad pagdating ko sa bahay.

"Rodriguez! Santino! Cruz at Manalo! To the president's office now!" Naginat akong tumayo at kinuha ang bag ko. Tss. Hindi na kami pinapadiretso sa guidance kasi alam naman nila na hindi kami pupunta dun. At utos rin to ni Tita Suzette eh. Hayss. Magkikita na naman kami ng paborito kong Tita. Edi wow.

Parang zombie kaming naglakad na apat papunta sa office ni Tita. Hindi na ako kumatok at binuksan agad ng diretso ang office niya. Nagaagawan kami sa sofa at isa isang umupo nalang doon dahil hindi naman kami kasya kung hihiga ang isa.

"Wow. Anong ginagawa niyong apat dito?" Idinilat ko ang mata ko at nakita ko ang nakapamewang na si Irish. Tss. My freaking cousin.

"Hi my loves. What a lovely day. Buo na agad ang araw ko." Napadiretso ako ng upo ng bumanat na naman si Rosas sa pinsan ko. Ang gago, hindi pa ata nadala sa paghahabol ng armalite noong sabado. Tss.

"Tss. Warson? Ano na namang ginawa niyo? Bakit parang wala pa kayong tulog?" Wika niya. Hinawakan niya ako sa leeg at parang nakahinga ng maluwag matapos akong icheck.

"Nag road trip kami." Sagot ni Harold. Nakita ko ang pagirap na ginawa ni Irish sa kanya. Akala ko ba nagkakamabutihan na ang dalawang 'to?

"Whatt! Road trip? Alam ba ni Tita yan? At ano na namang naisip niyo at nagroadtrip kayo? Naka drugs ba kayo?!" Tinakpan ko ng bag ang mukha ko. Nakakabanas pa naman kapag naririnig ko ang sigaw nitong pandak na 'to.

Tinanggal niya ang bag sa mukha ko at naghilahan kami. Tss. Kahit babae yan pantay naman ang lakas niyan sa mga lalaki. Amazona kaya yan, kung hindi ko nga kilala yan iisipin kong kaya niyang sumali sa programa ng Showtime na puro mga tomboy.

"Makinig ka nga!" Sigaw niya.

"Akin na yung bag ko!" Sigaw ko pabalik. Pambihira! Parang nawala ang antok ko dahil sa kanya. Hindi manlang ako tinulungan ng mga ugok. Nawala rin siguro ang antok ng mga yun ng makitang nagkakagulo kami nitong pandak na 'to.

Natahimik kaming lahat ng makarinig ng punit. Punit. As in napunit na bag. Leche! Papagalitan ako ni Mama nito! Tiningnan ko siya ng masama.

"Hehe. Sorry. Peace". Wika niya sa namumulang mukha. "Waaah! Papalitan ko yan! Ikaw naman kasi eh! Ang kulit mo! Teka ano to?!" Tanong niya. Kinuha niya ang mapang ginagamit namin nila Harold sa paghahanap kay Sam. Nagkatinginan kaming apat at akmang kukunin iyon sa kanya ng iharang niya ang kamay niya sa amin. Tss! Malalaman niya ang ginagawa namin!

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon