Epilogue

1.8K 24 3
                                    

Warson.

Natatawa talaga ako kapag naiisip ko ang mga nangyari noon. I was a big jerk. No, let me correct it. A handsome jerk. Tinagurian pa nga akong Mr. Chickboy ng Lee University.

As I reminisce the past, hindi ko makalimutan ang mga sakit at sayang naramdaman ko. The pain of being broken, the sorrow of being left behind, the happiness I felt when I'm with the three, the love I felt for Samantha, Maegan, and my family.

Malaro man at maharot man ako sa babae ay isang babae lang naman ang minahal ko nuon. Hindi pala isa, dalawa. First, si Samantha. Na akala ko noon ay siya na ang magiging huli. But Maegan came out of the picture, she captured my heart, laminated it and kept it from her heart. Ang swerte ko nga eh.

No hurt feelings na rin ako ngayon ah. Bumait na nga ata ako eh. Plus ang pagdagdag ng kapogian ko pa kahit nagkakaedad na. Nasa middle twenties palang ako huh! Young looking and very handsome pa.

Hindi rin maiiwasan ang naging pagtatalo namin ng mga tinuring kong partner in crime at best friend na sila Rosas, Sandrex at Harold. Kahit hindi naman ganun katiwa tiwala ang itsura nila.

Masaya ako't naging bahagi sila ng buhay ko.

"Hey 'Bro! Anong tinutunga tunganga mo diyan? Let's go!" Yaya sa akin ni Sandrex. Dumaan kasi ito sa bahay ngayon. Nakihingi ng wax ko para sa buhok.

Ngumiti ako sa kanya. "Sige. May hinihintay pa ako. Sandali nalang." Tumawa lang ito at sumakay na sa kotse nito.

Sandrex Manalo.

Ikinuwento na niya sa amin ang ginagawa niyang paghahanap sa babaeng nagngangalang Sandra. Yung girlfriend niya ng halos 12 years. Imagine that guy, mukha lang yan loko loko pero seryoso pala sa babae.

Halos natawa kami sa kanya ng malaman na siya pala ang maagang lumandi sa amin. 14 years old palang ay nagka syota na, nakita ko na once ang girlfriend niyang iyon. Ng nagdidate pa kami ni Maegan nun. Remember? Nung nakita namin siya nuon na may kasamang babae?

Mabuti nga't natiis niyang maghintay sa pagbabalik ng mga alaala ng nakalipas na nakaraan ni Sandra. Bilib rin ako sa patience niya sa paghihintay para dito. Sana nga ay makita na rin niya ito ulit.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang pagbaba ng kapatid ko. Si Alexia at Mitch. Pareho ng dalaga at mukhang may babantayan na naman akong mga lalaki na magtatangkang umaligid sa kanila. Kakagraduate lang naman kasi ni Mai at kasalukuyang nagtatrabaho sa Restaurant nila Rosas.

Habang si Alexia naman ay nag aaral pa rin.

"Let's go Kuya. Baka mahuli pa tayo." Maarteng wika ni Mai. Inikot pa nito ang mata nito bago mabilis na binuksan ang back seat ng kotse ko.

Humalik naman sa pisngi ko si Alexia at umabrisete sa braso ko.

"Tara na Kuya?" Natawa ako ng hinila nito ang kamay ko.

Nauna na ang parents ko kasama si Ate at si Venus. Masaya naman si Ate kahit silang dalawa lang ni Venus. Busy rin siya bilang COO ng company namin.

Tahimik lang ang buong byahe namin. Suot ni Mai ang earphone niya at nakikinig lang sa music habang si Alexia naman ay tahimik lang na nakatingin sa bintana.

Nagkibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Sinalubong kami ng maingay na musika pagdating namin. Humiwalay na rin sa akin ang dalawa at pinuntahan sila Mama. Dumiretso naman ako sa table kung nasaan ang buong tropa.

"Hey! Akala ko tatakas ka na sa engagement party niyo eh." Natatawang biro ni Rosas sa akin.

Oo. Engagement Party namin ito ni Maegan. Sila Mama naman ang nagplano nito kasama ang parents ni Maegan. Hinalikan ko sa pisngi si Maegan ng makita ko. Umupo ako sa tabi niya at umakbay sa kanya.

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now