Nauna ng maglakad samin si Dennis habang nasa likod niya kami.

"Sorry Lance" panimula ko.

"Hindi mo kailangan mag sorry sakin Allen, ako ang dapat na magsabi sayo niyan" tumingin siya sa 'kin "Hindi ka na ba galit sakin?" tanong niya.

"Hindi naman talaga ako galit sayo. Nagseselos lang ako" mas lumapit siya sa mukha ko.

"Talaga nagseselos ka parang hindi naman kasi halata sayo. Ang gwapo mo pa din kasi" sabi niya.

"Di nga halata kasi masaya ako. Sa sobrang saya ko nga ngayon parang gusto kitang buntisin" nagulat siya sa sinabi ko.

"Naku! Nagseselos ka nga, pero kung masama pa din ang loob mo sakin. Pwede mo naman akong parusahan magdamag sa kama" napangiti ako sa sinabi niya.

"Oh! Ayan napangiti na kita, bati na tayo ha. No more pagseselos na" dugtong niya.

"Oo na batihin mo na ko" sabay dakma ng alaga ko.

"Wag kang maingay baka may makarinig sayo" hinawakan ko siya sa bewang at nilapit sakin.

"Allen ang daming studyante oh" mukhang nahihiya siya.

"Ano naman, ayos lang yan para makita nila na pagaari na kita. Akin ka lang diba"

"Opo sige na. Ikaw talaga" sabay pisil niya ng pisngi ko. "Ikaw naman. You're now Lance's property" sabi pa niya.

"Ngayon lang? Hindi ba matagal na" ngumiti ako.

"Ayy! oo nga pala no" sabay kaming tumawa ng taong mahal ko.

LANCE POV

Masaya ako dahil hindi naman pala siya galit sakin nagseselos lang. At mas lalong ayokong makitang masaktan siya ng dahil sakin. Dahil mahal ko na talaga si Allen.

"May sasabihin ako sayo"

"Ano yun? Buntis ka at ako ang ama!" tapos ngumiti siya ng nakakaloko kaya napangiti din ako dahil din sa sinabi nito.

"Hindi yun, diba last day na ng foundation natin bukas. Balak ko sanang ayain ka kung pwede sayo"

"Oo naman pwedeng pwede. Kahit di mo pa sinasabi sakin payag na ko. Saan ba?"

"Gusto ko sana panoorin mo kami magperform na buong Music Club sa stage mga bandang tanghali"

"Sige ba manunuod ako susuportahan kita. Makakaasa ka pupunta ako" sabi niya habang nakangiti.

"Okay. Pero wala ka bang laro sa Sports Club?" tanong ko.

"Wala naman sa tanghali kaya makakapunta ako. Baka mga bandang hapon pa" sagot niya.

"Mabuti naman kung ganon"

Paakyat na kami sa hagdan ng tinawag ako ni Dennis.

"Bes, bilisan mo umakyat ka na! May nagiintay sayo. DALIAN MO!" sigaw nito mula sa taas kaya binilisan kong umakyat.

Naabutan namin si Bright na naghihintay sa labas malapit sa pinto ng room namin. Napansin ko ding may dala siyang milktea. Lumapit siya sakin at inabot ang hawak nito.

"Alam kong napagod ka galing sa Music Club kaya binilhan kita nito, uminom ka muna" sabi niya.

Hihigop na sana ako pero inagaw sakin ni Allen ang hawak kong milktea.

"Teka lang. Wala akong tiwala dyan kaya titikman ko muna baka may gayumang nilagay yan dito" at humigop siya. Huminto siya saglit at ninamnam yung milktea.

"Ito inumin muna safe naman" sabi niya at binigay sakin.

Humigop naman ako gamit ang straw na ginamit ni Allen. Wala akong paki kahit na may laway pa niya. Inisip ko nalang na indirect kiss niya yun sakin.

Ang Lihim Ni LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon