"Oo wala nga akong yaman kagaya mo pero kaya kong iparamdam kay Lance na mahal ko siya. At kaya kung protektahan siya. Hinding hindi ko din hahayaan na saktan at makitang nasasaktan siya ng dahil sakin. Hindi ko gagawin yung katulad ng ginawa mo sa kanyang pananakit noon"

"Wala ka ng pakialam sa nakaraan namin ni Lance! Samin nalang yun!" sigaw niya. Ngumiti lang ako bilang sagot sa sinabi nito at para na din matapos ang paguusap namin.

"Alam mo hindi matatapos to, kaya naisip ko na mag one on one nalang tayo sa basketball"

"Para saan naman?" tanong ko.

"Kapag nanalo ka hahayaan ko nalang kayong maging masaya ni Lance, pero kapag ako naman ang nanalo layuan mo na siya. Wag na wag ka ng lalapit sa kanya"

"Sige pumapayag ako sa naisip mo at sisiguraduhin kong hindi ako magpapatalo sayo"

"Nice. Bukas ng hapon magkita tayo sa gilid ng activity center may tagong court dun. Doon tayo magtutuos" sabi niya at umalis sa harapan ko.

Pagkatapos naglakad na ako para puntahan si Lance. Maraming studyante ang nasa labas ng kani kanilang room dahil bukas na matatapos ang foundation week kaya busy ang buong campus sa mga activities.

Malapit na sana ako sa pupuntahan ko kaso may tumawag ng pangalan ko.

"ALLEN!" kaya tumingin ako sa taong papalapit sakin.

"Nadia? Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong sa kanya.

"Dito na ako magaaral sa unibersidad nato!"

"Totoo?" pagtataka ko.

"Oo bakit parang gulat na gulat ka. Ayaw mo bang nandito ako?"

"Hindi naman sa ganon. Kailan ka ba magsisimulang pumasok dito?"

"Sa pagkakaalam ko di pa naman ako makakapag umpisang makapasok agad. Dahil may mga inaasekaso pa ko para matransfer nako dito. Baka mga 2 weeks pa bago ko tuluyang makatransfer dito pero di ko sure. Basta mamadaliin kong ayusin ang mga kailangan para makapagstart na ko dito" paliwanag niya.

"Ganun ba" maikling sagot ko.

"Oo excited na nga ako pumasok at mukhang mas maganda dito. Di kagaya dun sa probinsya natin. Ang lakas lang makayaman ng unibersidad nato" sabi niya. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.

"Allen, maiwan na kita. Aayusin ko pa kasi yung dorm na tutuluyan ko once na makatransfer nako dito"

"Teka lang Nadia" pigil ko sa kanya.

"Kamusta na nga pala yung kapatid ko" tanong ko.

"Ayos naman siya, pinapakamusta ka din nga pala niya sakin Allen"

"Mabuti naman kung ganon"

"Sige na alis na ko. Magkita nalang tayo ulit. Bye" paalam niya.

Tinitingnan ko si Nadia habang papalayo ito at may tanong sa isip ko. Ano kayang nasa isip niya at lumipat siya dito.

Alam kong matagal na panahon niyang inintay si Abdul na makauwi sa probinsya namin pero bakit ngayon siya naman ang nandito.

Hindi kaya....

"Hoy! Sinong tinitignan mo dyan ha!" gulat sakin ni Dennis katabi si Lance.

"Wala inaantay ko lang kayo"

"Kaming dalawa ba ang inaantay mo o itong si Lance lang. Kinikilig naman ako"

"Tumigil ka nga Dennis" saway ni Lance sa kanya.

"Paano kung sabihin kung kaya nga ako nandito dahil kay Lance"

"Wahhh! edi inamin mo din. Sige na mauna nako baka makasama pa ako sa inyong langgamin dito" tumingin siya kay Lance "Ayieeeee sige na"

Ang Lihim Ni LanceWhere stories live. Discover now