Chapter 1

1.9K 46 7
  • Αφιερωμένο στον/ην Mr_Arujii
                                    

CHAPTER 1

FRIENDLY, timid, introvert. My name is Azer Zarften. A simple college student studying in Monport University. And I used to wear a mask on my face everyday. This is me, yet fake.

Mula pa noong makapasok ako sa school na ito, hindi na ako naging matino sa paningin ng iba. I'm just a weak little lamb. Uto-uto at walang paki-alam sa mga bagay; minsan cool, minsan baliw. Pero ang hindi alam ng marami, I'm a lonely person. Parating gustong solohin ang problema, parating mag-isa.

Isa lang ang nakaka-kilala sa 'kin: si Sephiel Montelvana—ang best friend ko. Ngunit hindi pa niya 'ko lubusang kilala from the inside even though she's been my best friend for almost four years. Sephiel is a cheerful girl. Napapasaya niya ang mga tao sa paligid niya nang walang kahirap-hirap. Nakakainggit nga kasi may talent siyang gano'n. Ako? Wala.

Siya lang yung taong natatawa sa mga corny jokes ko. At siya yung tipo ng babae na malambing at maalaga. Maybe because I'm her best friend. But one day, biglang nagbago ang lahat sa pagitan namin ng best friend ko.

May nalaman ako. Tungkol iyon sa kaniya at sa mundong kinagagalawan niya. That happened when I attended my aunt's wedding. Ang isang simple at masayang okasyon ay mapapalitan pala ng pighati sa bawat isa sa 'min.

"Hey!" Lumapit sa 'kin ang pinsan kong si Lockie. Well, siya lang ang ka-close kong pinsan.

"Ikaw pala. So, how was the party?"

"Dude, ako dapat ang nagtatanong n'yan," baling n'ya sa 'kin. "Bakit nananahimik ka rito sa sulok?" Sabay inom niya ng wine.

"Hoy! Masobrahan ka ng wine," saway ko sa kaniya. Hindi kasi siya pwedeng masobrahan sa alak. Bawal sa kaniya.

"Tsk! KJ!" sabi niya sabay tawa. "Teka—Iniiba mo ang usapan, e! So, bakit ka nga nandito?"

"Wala lang," simpleng sagot ko tapos ay tiningnan ko sina Aunti at Uncle na masayang sumasayaw sa stage. Nagwo-waltz sila.

"Don't worry, Ace, magkakaroon ka rin ng ganyan. In the future!" Sinabayan na naman niya ng tawa. Napailing-iling na lang ako. Lasing na nga siya.

Nilingon ko ulit sina uncle at bigla akong napatingin sa isang babae na pamilyar ang mukha. "Sephiel?" Napatayo ako bigla. At nakita niya 'ko. Siya nga! Naka-long gown siya na kulay blue. Bakit siya nandito?

Agad ko siyang sinundan. Tumakbo siya papunta sa garden. "Sephiel, sandali!" Halos mapagod ako kakasiksik sa mga tao para lang masundan si Sephiel.

Huminto naman siya. Humarap siya sa 'kin. "Hi, Ace." She smiled. I smiled back.

"What're you doing here? Ang alam ko, nasa bahay ka ngayon at nanonood ng anime?" biro ko sa kaniya.

"W-well... Uhmm... Invited ako rito," she said with an unexpected look. "Friend pala ng aunt mo ang tito ko."

"Oh? I see... Kaya pala naka-gown ka."

"Oh!" Para siyang bata na nagulat. Marahil ay hindi niya napansing naka-gown siya. "How do I look, Ace?" Umikot pa siya sa harapan ko. She's totally a childish chick.

"Hmmm..." Kunwari nag-isip pa 'ko. But honestly, she's pretty with that blue gown.

"'Di mo type?" She pouted at nag-blush pa na nagbigay sa kanya ng cute looks.

Lumapit ako sa kanya and I held her hands. "You look great, Sephiel," I answered her sincerely then she smiled.

"Ayiiieee... Kinilig naman ako ro'n, best friend!" Tapos tumawa siya nang malakas. "Gusto mo bang makilala ang parents ko? Nandoon lang sila."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Sephiel. I don't know why but it bothered me a lot. "Tara! Samahan mo na muna ko ro'n!" Hinigit niya 'ko papunta sa may pool side. She removed her sandals and sat down.

Blade X (Completed) 2016 VersionΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα