CHAPTER 51

3 3 0
                                    



Sev's POV:

"oh Se-...ano yang suot mo?!" he looked at me up and down with his unamused and contorted face.

0_o

"damit, ano pa ba?" I said with a straight look.

I heard some snickers from the people near us.

"magpalit ka!" bulyaw niya.

"why?" I asked innocently.

"anong why ka dyan?! kailangan pa bang tanungin yan?!"

"yes," mabilis na sagot ko.

He face palmed.

"hindi yan yung pinakita mong damit na susuotin mo nung nasa mall tayo! B-bakit naka-bra ka na lang?!?!"

O_O

Pfft!!

I stared at him as we listen to his classmates around us laugh at his exaggeration.

"sira! crop top ang tawag dyan!" natatawang sabi at batok sa kaniya ni Kuya Jun na sumulpot lang bigla mula sa kung saan.

"crop top?! tsk! bsta magpalit ka!" bulyaw niya ulit as he push me back.

"wala na akong ibang dalang damit pang-sayaw, k?!"

"tsk! bakit kasi hindi ka nagdala?!"

"eh pake mo ba?!"

"sira! natural may pake ako! sino ba namang matutuwa kung yung kapatid mo eh naka-bra lang sa harap ng maraming tao?!"

"huh! crop top nga to eh! crop top!"

Kaloka!

Bilang dancer, hindi na bago sa akin ang magsuot ng mga ganito dahil natural na lang sa amin ang outfits na ganto ang styles. Makapagreklamo naman tong manong na to, parang hindi pa ako nakitang naka-crop top sa mga dance videos namin...eh yun sa social media pa, mas maraming taong nakakakita kesa sa ganitong live events!

"Sam! yu—oh," natigil kami ni kuya sa mini-bangayan namin nung biglang sumulpot sa likod ni Kuya Jun si Kuya Kriston. He looked at me with slightly wide eyes saka dagling nag-iwas ng tingin.

Luhh siya...

Ano bang problema sa suot ko? safe naman ah, konting tiyan at kilikili ko lang naman ang expose.

Hehehe

"OI KRISTON!"

Hala siya...

Kuya walked in front of Kuya Kriston.

"wag mong tingnan ng ganyan ang kapatid ko!"

0_0

"nakatingin ba ko? hindi naman ah," sabi naman niya saka tumitig ng diretso sa mga mata ni kuya.

Luhhhhhhhh~

Sa kabila ng ingay mula sa labas, may narinig akong ingay mula sa grupo ng mga kalalakihan na palapit samin. Nung sinilip ko ito, it's the SVT group, except walang Sir Hans at Sir Jiho, sila Gyu lang at ang iba.

I immediately wear my black bucket hat na kanina ko pa hawak. I fix it saka pasimpleng nagtago sa likod ni kuya na kausap pa rin ni Kuya Kriston.

Ayokong makita ako nila Hosh eh, malamang sa malamang magtatanong ang mga yun kung bakit nandito ako, saka isa pa, ayokong makarinig ng panglalait na sigurado akong maririnig ko mula sa pasmadong bibig ni Gyu.

Dancing Beats of HeartsWhere stories live. Discover now