CHAPTER 16

13 6 0
                                    

Sev's POV:

Kpop store?

Seriously?

Pagpasok namin dun, ang daming tao, pero hindi naman siksikan dahil malaki ang space sa loob.

Wow

"wahhhhhh! OMG! Kim Taehyung! alabyuuuuu~" nabalik ang tingin ko kay Rome na may hawak-hawak na poster nung Kim Taehyung daw.

"OMG! eto! eto! eto! Sev! meet my husbandsssss~" ipinakita niya sakin yung isang poster na may 7 lalaki.

"Ito si Kim Namjoon, Kim Seokjin, Min Yoongi, Jeong Hoseok, Park Jimin, my Kim Taehyung, and baby Jeon Jungkook! Wahhh ang popogi talaga nila~"

I know them.

Nasayaw na namin ang ilan sa mga songs nila.

At isa pa, fan nila si Allain, kaya lagi kong naririnig ang mga kanta nila tuwing magkasama kami sa studio.

"hmm, akala ko ba gamit sa kwarto ang bibilhin mo?"

"oo nga! para sila sa kwarto ko, yieeee!"

-_-

K.

Kumuha siya ng isang group poster at maliliit na individual posters.

"*gasp! O.M.G! meron na silang SEVENTEEN posters! Woooohhh! ang fofogee, diba? diba?" iniharap niya ulit sa akin yung isang poster na may 13 na members naman.

Oh? SEVENTEEN ang group name pero 13 members lang?

"*sigh, awwww HAHA ang cute ni Seungkwan dito oh! awww hottie Kim Mingyu! fafa S.coups! Woozi ang cute! Honey Jeonghaaaan! Oh my my Jun and The8! Wahhhhh Wonwoo! Joshua bebs! OMG Dino! Hoshi labs! My Vernonie~! Oh my Dokyeoooom! my goodness, ang gugwapo nilang lahaaat~" kumuha ulit siya ng ilang posters ng mga asawa niya saka kami pumunta ng counter.

"469 pesos Ma'am," sabi nung cashier.

"here,"

"I receive 500 pesos. Here's your change Ma'am, 31 pesos. Kamsahamnida~"

"yieeee! gamsahamnida~" pagkakuha niya ng binili niya at ng sukli hinila niya ulit ako palabas.

"haaayy! napagod ako," bulong niya.

Psh, pano ba namang hindi? kanina pa siya ikot ng ikot sa loob, tas nakikipag-kiligan sa mga babaeng fan din.

FC

"yeah, yeah, tara kain tayo," yaya ko.

"libre mo? oh tara!"

"psh,"  hinila niya ako papuntang food court after magpaload sa isang cellphone stall. Naghanap ako ng upuan, tas siya naman ang umorder ng makakain namin.

I texted her kung saan ako banda nakakuha ng pwesto after getting her number a while ago.

I opened my data saka nanood sa YT habang hinihintay si Rome.

After a while...

"oh?"

I stared at my screen.

They uploaded a new video.

"OH?! nanonoood ka din ng videos nila?" napaangat ang tingin ko kay Rome na nakadungaw sa phone ko habang hawak yung tray ng orders namin.

wait...din??

"hmm, why? do you watch...them? too?" I asked her as she took her sit in front of me.

"Oo! fan nga nila ako eh! grabe! ang galing kasi nilang sumayaw! iba yung dating! tas ang unique kasi ng concept nila, yung lagi silang naka-sumbrero sa lahat ng vids, nakakadagdag ng charisma nila girl, ang astig sis!"

Napangiti naman ako sa kumento niya.

Nakaka-overwhelm naman.

"talaga?"

"OO! lodi ko silang lahat, lalo na yung pinaka-maliit sa kanila? waaahh, pinatunayan niya ang kasabihang small but terrible,"

Psh...

Ouch?

Yey?

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa sinabi niya, o magsasaya sa papuri niya.

"sayang nga lang kasi hindi na mapapadalas ang pag-upload nila ng vids, sabi kasi nila sa description box chuchu last time na magiging super busy na nila dahil start na ng college journey nila, tas ang sabi hindi na sila kumpleto kasi may umalis," nakangusong sabi niya habang inilalagay yung mga pagkain sa mesa.

"hm yeah...," mahinang sabi ko.

"...so...you're a fan ah?" in-download offline ko yung dance video after leaving a like saka tumingin muli sa kaniya.

"paulit-ulit? paulit-ulit? oo nga diba?...ikaw ba?" tanong niya.

I didn't answer her. I just give her a meaningful smile bago sinimulang kumain.

"Luhhh, ngiti ngiti na lang ganun?" tinawanan ko lang siya saka nag-open ng ibang topic.

Hmm, I'm happy that they decided to continue uploading videos...

...kahit hindi na kumpleto.

***

At 3:30pm nag-decide kami na it's time para umuwi after watching movie, window shopping, and arcading.

At 4:00pm, naihatid ko na si Rome sa kanila. Malapit lang naman sa bahay, hindi out of way kaya mabilis din akong nakauwi.

0_0

Naku po...

Iiaatras ko na ba si Kookie? O ipaparada na?

Kapapasok ko lang ng gate, at mula dito tanaw ko na nakaharang sa entrance ng garahe si Kuya Sam habang naka-cross arms at nakakunot ang noo.

Lagot.

So imbes na dumiretso sa garage, sa harap ako ng front door nag-park saka dali-daling lumabas dala ang gamit papasok ng bahay.

I'm The Flash for a moment.

OMG--

Oh gosh!

"ahhhh!! kuyaaa! put me down!" naabutan ako ni Kuya Sam bago pa makatakbo pataas sa kwarto. He carried me like a sack of potatoes or whatever on his shoulder.

"sa tingin mo makakatakas ka ahhh," I continuously punched him sa likod.

"kuya! oh my goodness! nahihilo na ako anuba! hindi ko ibibigay pasalubong ko sayo!"

And as if I said a magic word. He hurriedly sat me down on the single sofa saka tumayo sa harap ko.

"madali lang naman akong kausap, oh akin na," inilahad niya ang kanang kamay niya sa harap ko habang nasa bewang naman ang isa.

"psh...oh," iniabot ko sa kaniya yung dalawang mangga book.

"yes nemeeeeeeen, I love you talaga kapatid, thank you dito ah, bye~" tumakbo siya pataas sa kwarto niya, malamang sisimulan na niyang basahin yung ibinigay ko.

I massaged my head dahil nahilo ako sa ginawa ni Kuya bago pumunta sa taas sa kwarto ko. I put down my bag sa study table sa tabi ng aking bed, saka pabagsak na humilata.

Pumikit ako saka hinayaang magpadala sa comfort ng higaan ko. Yinakap ko yung unan ko saka naghanap ng mas komportableng posisyon.

Hmmmm

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.

Hindi ko ma-reach ang energy ni Rome.

Mas nakakapagod pa kesa sa pagsasayaw.

Haaaaaayyyy


***

please do support this story.

thank you.

Godbless po.

Dancing Beats of HeartsWhere stories live. Discover now