CHAPTER 8

18 6 0
                                    

Sev's POV:

I woke up dahil sa ingay na naririnig ko sa magkabilang gilid ko.

>_<

Aish

When I opened my eyes. I saw my 2 snoring brothers, both laying on my sides.

Ba't nga ba nandito 'tong mga ito sa kwarto ko?

Ahh, nag-movie marathon nga pala kami.

"argh...shems, ang bigat~" ungot ko habang dahan-dahang tinatanggal ang binti ni Kuya Sam na nakapatong sa akin.

Ng nakaupo na ako ng maayos. Tumingin ako sa wall clock sa taas ng TV sa harap ng bed ko.

"hey, brothers, gising na po, it's 6am already," I shook their shoulders.

Eto na ang gawain ko tuwing umaga sa loob ng 2 weeks na pag-stay ko dito sa bahay, ang gisingin ang dalawang asungot kong kapatid dahil sa may mga pasok sila.

Si Sim na isang Grade 9 student, at si kuya na 3rd year civil engineering student. Supposedly, bakasyon dapat ni kuya ngayon, pero may mga subjects siyang kailangang kunin at hindi ko alam kung bakit o para saan.

"gising na sabi eh," niyugyog ko pa sila lalo. Gumapang ako paalis sa higaan saka kinuha yung kumot.

"aish...5 more minutes Sev~" nagkakamot ng tiyan na sabi ni Kuya.

Tss

I opened my curtains. Isinarado ko yung bintana ko saka muling isinarado ang kurtina, stopping the sun rays from coming in. After that, I turned on my aircon. Yung pinakamalakas.

Psh, tingnan ko lang kung di pa kayo bumangon.

Dala yung kumot. Pumasok ako sa banyo ko saka naghilamos at nagtoothbrush.

Paglabas ko, nakita kong nakabaluktot na yung dalawa. Si Sim, pilit na hinahap yung kumot habang nakapikit. Si kuya naman, pilit na sumisiksik sa mga unan.

Itinupi ko yung kumot ko saka inilagay muna sa sofa na nasa gilid bago ako lumabas sa lumalamig kong kwarto. Bumaba ako papuntang kusina.

"Goodmorning ma, pa," humalik ako sa kanila. Tumabi ako kay papa na may binabasang papers.

"Goodmorning 'nak, hindi pa gising yung dalawa?" tanong ni Mama habang inihahain yung mga niluto niya.

"pabangon na po yung mga yon," makahulugang ngiting sabi ko.

Humigop ako sa kape ni papa. Tiningnan niya ako sandali saka inilayo yung baso niya sa akin bago itinuloy ang pagbabasa.

Ang damot naman ng tatay ko.

"bat ano nanamang ginawa mo sa dalawang yun?" natatawang tanong ni Mama na umupo na sa harap ko.

I gave her a sheepish smile before answering her.

"well, ahmm...nothing unexpected?"

Sinumulan ko ng kumain.

"anong nangyari sa inyo?" nagtatakang tanong ni papa.

Pag-angat ng tingin ko. Nakabalot ng kumot at nakasumbrerong bumaba yung dalawa.

"wala Pa, may asungot lang na babaeng na nag-on ng aircon to the highest level sa kwarto na alam na nga lang niyang may mga payapang natutulog na wala man lang kumot o tshirt panangga man lang ng lamig," Kuya said while glaring at me.

"Ma~ I'm freezing," sumiksik naman si Sim kay mama na nakatayo na ulit at nagtitimpla ng mainit na maiinom namin.

"'yan kasi, pag ginising na kayo ni Sev, bangon na agad kung ayaw niyong mapagtripan," saway ni Mama.

Itinuloy ko lang ang pagkain ko habang tinatanggap ang matatalim na tingin ng mga kapatid ko.

"The 2 of you, kumain na kayo para hindi kayo ma-late," sabi ni Papa sa dalawa habang inililigpit ang mga gamit niya.

"Hon, I need to go na, Mr Suarez is asking for me," paalam ni papa kay mama.

"okay, take care," humalik si Mama sa pisngi niya saka nagyakap.

"ewwww~ PDA," bulong ni Sim. Natatawa namang mahinang binatukan siya ni papa.

"bye kids, boys, aral ng mabuti ah, Sev," papa kissed us on our heads before going out of our house.

Papa is working in a car company on the accounting department. He has to do lots of work kasi naka-leave yung isang kasamahan niya. Sa kaniya tuloy ang bagsak.

"Ma, makiki-overnight nga po pala ako sa classmate ko this Friday. We have to work on our group project," paalam ni Kuya Sam.

"okay, just asked permission to your papa pa ah,"

"I will," he answered.

"ate, ano namang balak mong gawin buong maghapon?" tanong ni Sim.

"I'll be helping Mama sa restau," I said as I sipped on my milk.

"what kind of helping? messing?" natatawang naghigh-five yung dalawa.

psh

"Ma oh~" sumbong ko kunwari.

***

thank you for reading!

Dancing Beats of HeartsWhere stories live. Discover now