CHAPTER 39

8 3 0
                                    



Sev's POV:

-_-

"yan na yun?" poker face na tanong ni Rome na nakapwesto sa harap ko.

She's wearing her simple knee length blue dress, nakaayos na din siya with her simple make-up and naka-clip na buhok sa harap.

"oo," tipid na sagot ko.

"sure ka?"

"oo,"

"ayaw mo ng dress?"

"oo,"

"as in?!"

"oo nga,"

"wala ka bang mas feminine na formal suit?!"

"wala,"

Bakit? ano bang problema sa suot ko?

I am wearing a simple pair of formal blazer and pants, plain t-shirt lang sa loob tas 1 inched closed shoes.

I am wearing a simple pair of formal blazer and pants, plain t-shirt lang sa loob tas 1 inched closed shoes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(her outfit ^: wag niyo na lamang pong pansinin yung accessories ni ate girl pati yung sandals niya)

"masyadong pormal!"

"pormal naman dapat ah," sabi ko habang inaayos yung blazer.

"oo nga pero para kang dadalo ng meeting at hindi oath taking! hindi ko feel!"

"aish! okay na'to! hindi naman ganung ka-pormal eh!" I get my Mochi (you know, my favorite bag), susuotin ko na sana ito pero pinigilan ako ni Rome.

"nigagawa mo? hindi yan bagay sa outfit mo! tsaka pwede ba! hindi pa kita naayusan nu'ba!"

Tinulak niya ako paupo sa harap ng salamin.

"OMG! naku po, magtu-2:45 na! ikaw kasi eh! ahmp!"

"aray ah!" pinalo niya ako sa braso saka sinimulang suklayin yung buhok ko.

Well, supposedly...kanina pa sana kami nakaayos at nakaalis ng maaga kung hindi lang ako pinudpod ng tanong at exclamations nitong si Rome. Natigil nga lang siya nung tinawag na kami ni mama for lunch.

So, kanina nga noong itinuro niya yung empty space ng kwarto ko, unti-unting rumehistro sa mukha niya ang pagkaalala. Tanda ko nga yung mabilisan niyang pagbitaw sa hawak na remote at plato ng cookies para kunin yung phone niya sa bag. And seconds later...narinig ko na lang yung tugtog ng latest video namin. Kinumpara niya yung background dun sa video at dito sa space ko. Hindi naman sana ito mahahalata na iyon yun ang kaso meron kasing painting na nandun na very colorful kaya hindi na ako magtataka kung kapansin-pansin yun sa video. And isa nga iyon sa nagpalakas ng hunch niya na meron akong hindi sinasabi sa kaniya.

Itinapat niya pa nga sa akin yung phone niya para ipagkumpara yung figure na nandun sa figure ko.

"Sev...? assuming lang ba talaga ako? o sobrang linaw lang ba ng mata't observation skill ko? o sadyang nagkataon lang na soooobrang kapareho nito yung background sa video? o...tama lang ang hinala ko?" tanda kong tanong niya.

Dancing Beats of HeartsWhere stories live. Discover now