CHAPTER 23

12 6 0
                                    

Sev's POV:

"tsk, gwapo ni Sir Hans no?" I turned my gaze at Rome and raised my brows towards her while we're walking papuntang canteen.

"crush mo?" I asked, she looked at me with wide eyes.

"oh?...hindi! hindi no!" she said while shaking her head aggressively.

"sure ka?"

"HINDI ka nagkakamali! 'nu ba!" she said sabay hampas sa braso ko.

Pfft...

"loko," tawa ko sa kaniya.

"ihhh! kasi diba? ang charismaticsss niya, yung kahit na ang sungit-sungit ng dating niya, meron siyang appeal na makapag-susurrender ka agad sa kaniya! para siyang leading man ng isang wattpad story na nagkatawang-tao! those cold eyes, poker face, aura, my goodness! artistahin sis! alam kong hindi lang ako ang naka-feel nun kasi kita ko sa mga fes ng mga girls nating classmate na ganun din ang feel nila,"

-_-

"ewan ko sa'yo,"

"HAHAHAHAHA I know rights? ganda ko talaga," she flipped her hair then cling her arm into mine.

Eh?

Pumasok na kami sa medyo crowded na canteen. Humanap muna kami ng mauupuan bago iniwan ang bag saka pumila para umorder.

Wala naman sigurong mawawala dun, sa higpit ba naman ng security nitong school, bawat sulok ata may CCTV.

We ordered rice and different ulam, bago muling bumalik sa table namin.

"alam mo Sev? syempre hindi pa..." she started nung makaupo na kami.

baliw

"ano kasi...kwan, binayaran ko na yung utang ko kay Darts," sabi niya sabay subo.

"oh? you mean...yung date?"

She nodded at me before she continue eating.

"anyare?" I asked as I eat.

"Tsk! Yun! may hidden agenda nga ang loko bes. Nalaman kong may karumaldumal na dahilan kung bakit niya ako gustong maka-date. Gusto niya lang palang ipakita dun sa isa naming kapit-bahay na deds na deds daw sa kaniya na hindi na siya available para tigilan na siya. At tutal matagal na kaming magkakilala, epek daw na ako ang dapat niyang i-date kuno kesa sa ibang babae. My goodness, gawin ba naman akong excuse?! kaloka! buti na lang dinala niya ako dun sa karinderya nung babaeng type siya, kaya sinulit-sulit ko ng kumain ng kahit ano kasi sagot naman niya, edi go go na!" mahabang sabi niya bago sumubo ulit.

"oh tapos?"

"ayun! buti na lang ulit hindi siya umangal na ang dami kong inorder, tas hindi ko pa inubos lahat kasi baka nilagyan nung bruhang may gusto sa kaniya yung mga pagkain ko ng kung ano mang makapagpapabawas ng beauty ko,"

Psh

Meron ba? char

"at least, problem solve ka na sa kaniya,"

"Naku! kung knows mo lang gurl! Sev! humirit pa ng one more time! labas daw ulit kami this weekend! kulang pa daw yung first date namin kasi nagpaparamdam pa rin yung isa! tsk! kung ako dun sa babae, hahanap na agad ako ng iba! bat ba kasi nagkagusto siya dun? hindi naman yun kagustu-gusto! kuko lang siya ng hinlilit sa paa ni Dokyeom bebelabs,"

Sows

"at sino naman yun?"

"basta! isa sa mga asawa ko sa SEVENTEEN~"

Ahhhh

Haaayy

"eh ikaw?"

"bat ako?" I said before taking my last bite of my meal.

"wala bang add-friend sa fb o paramdam man lang si Kuyang-poging-papable-Kriston?" she finished her food before wiggling her brows on me.

"what?"

0_o

"Hay nakooo! wag mo nga akong ma-what-what Sev! Sa tagal ba naman niyang tinitigan ang papel mo nung nagpasa tayo ng papers nung exam, imposibleng hindi niya pa alam pangalan mo,"

Eh?

"at pano mo naman nasabi yan aber?" I asked as I drink from my bottled water.

"well, I am an observation person," she said leaning her head on her hands that has been propped up on the table.

"observant," I corrected. She glared at me before sticking out her tongue.

"ay naku pwede ba! siya din yun! so...ano nga?"

"wala po, kaya pwede ba, tigilan mo ako dun kay Kuya Kriston, hayaan mo na yung tao dahil hindi naman natin siya personal na kilala,"

"wushuuuuuuuu~ etchosera ka! crush mo siguro siya no?"

-_-

"tss...sa pagkakaalala ko ikaw ang may crush sa kaniya 'di ba?" I looked at her and found her glaring at me.

"eh bakit ba! sa range na 1-10, crush ko lang siya ng mga 4 or 8," she said crossing her arms.

Wow ahh

4 or 8?

"tsaka I can share-share my crushes naman," she winked at me as I rolled my eyes at her.

"tsh, tara na nga!" yaya ko sa kaniya para bumalik sa classroom.

"aish! 'tu naman!" iniwan ko na siya dun saka nagdire-diretso palabas ng canteen.

"Sev! wait lang! my goodness! bat ba ang bilis mo?! magkaka-appendicitis ka niyan eh! kaliit-liit na tao kabilis-bilis maglakad! WOI!!"

Excuse me?! maliit ako OO pero hindi naman nalalayo height namin ahh! Mas mataas lang siya ng mga 2 inches! Saka sadyang matatangkad lang ang mga tao sa paligid!!!

0_o

I stopped and turned around to wait and scold at her, pero...

"aish...Rom---argh!"

Paglingon ko, may bumunggo sa aking poste ata ng meralco.

Matangkad, matatag...

nakakakuryente.

Henu daw?

As a reflex, bago ko pa maramdamang babagsak ako sa sahig, hinawakan ko ang kung ano man na makakapagtigil sa pagbagsak ko.

'lam niyo yun?

Buti na lang, matatag ang poste ng meralcong lumipad ata sa likod ko kanina kaya kami nagkabunggo.

Hinawakan ako nito sa bewang saka agad-agad na tumuwid ng tayo kasama ako.

And when I looked up, my eyes widen as I stare at him.

.

.

.

"Sige, titig pa more, bibigyan na ba kita ulit ng card ko para alam mo kung saan mo ako ipa-follow? Just tell me, o kaya pwede ka namang magpa-picture kasama ako para mas masaya diba?...Miss babaeng naka-maroon na naka-faded jeans na naka-lugay ang buhok na hanggang midback na naka-bag pack na parang sling bag sa likod na ang taas-taas at trip na gawing tambayan ang parking lot?"

O_O

Shemay naman oh

***

Salamat ;)

Dancing Beats of HeartsWhere stories live. Discover now