CHAPTER 6

18 6 0
                                    

Sev's POV:

Woooohhhh

*knock *knock

"come in!" I shouted.

Kuya Samuel peeked his head on my opened door.

"ready?" he asked as he strolled inside my room, taking a seat beside me on top of the bed.

"yep aha," I replied.

"hmmmm... we still have 4 hours before our flight pero we need to go na, baka maipit tayo sa traffic," he said getting up while putting down my luggage on the floor before pulling me up to my feet.

"wait kuys, mauna ka na sa baba, sunod ako,"

"okay," he nodded saka lumabas ng kwarto hila ang maleta ko.

I looked around my room again, making sure na maayos ito bago ako umalis.

Once na naayos ko na ang dapat ayusin, at nakuha na ang dapat dalhin, I looked at myself in front of my body length mirror.

*sigh

Mukha naman akong tao, okay na yan.

I wore my gray legging pants, white big loose shirt, and sneakers. I put on my gray beanie and picked up my one shouldered back pack and cellphone on my bed before storming out of my room and out from the house.

Naghihintay na sila kuya and Auntie Luz sa garahe paglabas ko.

"tagal mo," reklamo ni kuya.

"ganun talaga, maganda ako eh," sabi ko.

Tinawanan nila akong dalawa.

Hala, hindi naman joke yun eh!

"oh siya, magiingat kayo sa biyahe ah," bilin ni Auntie Luz. Maiiwan siya dito, pero hindi naman siya magiisa. Malapit lang dito sa bahay ang bahay ng anak niya, kaya anytime pwede niyang bisitahin na lang itong bahay para linisin o anuman. Ewan ko ba dito kay auntie, hindi naman na niya kailangan pang magtrabaho pero sige pa rin siya. Sabi naman niya, pasasalamat niya daw iyon sa amin dahil tinulungan nila Papa yung pamilya niya sa Pinas at ang anak niya na makahanap ng trabaho dito sa US, at the same time na din, sa pagbibigay nila Papa ng tulong para makakuha sila ng matitirhan dito. Pero kahit pa ganun, nagbibigay pa rin sa kaniya ng tulong pinansyal sila papa kahit ano pang gawing pagtanggi ni auntie.

"opo auntie, ingat din po kayo dito," ngiting sabi ko saka yumakap sa kaniya.

She's been with me since I was a kid. Since nung nagkaroon kami ng bahay dito, siya na ang nangalaga at nagbantay nito. At simula nung dito ako nag-aral, siya na ang tumayong ikalawang nanay ko. She always prepare me my breakfast early morning before going to school, she prepares my lunch, my every meal of the day for how many years, she takes care of the house, of me. Basta! She's a nanay to me. Minsan pa nga isinasama niya ako sa bahay ng anak niya para mamasyal.

Haaayyysss.

"Salamat, pakamusta na lang ako kila Ma'am at Sir," hinaplos niya ang buhok ko saka humiwalay sa akin.

"Sige po, alis na po kami," paalam ni Kuya Sam. Yumakap din siya sa kaniya saka nagmano.

I hugged her again and whispered my thanks before slipping into the passenger seat. I watched Kuya Sam securing our luggage's inside the trunk before walking around the car saka pumasok sa drivers' seat.

"let's go?" tanong niya as he start the engine.

"pwedeng bukas na lang?" biro ko.

"hahaha, sorry baby sis, let's just go,"

Psh. Para namang may choice pa ako.

***

Argh....shems...

haaaaaaaaaaayyyyssss

"hmmmm! finaly, nakauwi na din," pag-iinat ko habang naglalakad kami ni Kuya palabas ng airport.

"oi Sev, ikaw dapat magdala nitong bagahe mo ui!" ungot ni kuya habang hila niya yung maleta ko.

"kaya mo na 'yan brother," tinakbuhan ko siya papunta dun sa sasakyang nakaparada sa harap.

"Hi Kuya Jun!" pagbati ko sa batang family driver namin, kaibigan ni kuya, ang takbuhan niya kapag may kalokohan siyang gagawin lalo na kapag tatakas siya sa gabi. Pano ko nalaman? ramdam ko lang.

"Sev! musta na?" nag-fist bump kami saka niya inabot sa akin yung susi ng big bike ko.

"humihinga pa naman," natatawa kong sabi saka sumakay sa nakaparadang big bike sa likod ng sasakyan.

"oy! oy! Sev!! what do you think you're doing?! bumaba ka dyan!" saway sa akin ni Kuya Sam when he finally arrived at the exit. Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa akin, I put on my helmet and started the engine immediately. Sinecure ko yung suot kong one shouldered bag pack saka sila iniwan doon. Narinig ko pa nga yung pag-sigaw ni Kuya Sam at yung tawa ni Kuya Jun hanggang tuluyan akong nakalayo.

Byeeee~

Dancing Beats of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon