CHAPTER 12

11 6 0
                                    

Sev's POV:

I spent my days and weeks working at the restau. Nagsimula na akong ilagay sa pagse-serve, sa counter, sa pagluluto. And sa loob ng mga linggong nakalipas na iyon, masasabi kong wala na ang awkward Ms. Rome Rose Saet na una kong nakilala. Naging open na siya sa akin, nasanay na siya sa first name basis, and hindi na din siya tahimik kapag magkasama kami.

She and Ate Ruffa helped me sa pagse-serve and in other things na kailangan kong matutunan dito sa restau.

And today, nandito uli ako sa sa restau pero hindi para mag-work, kundi para magpaalam kay Mama.

Binabati ko ang mga kilala ko ng crews dito. Madami naman na akong ka-close pero madami pa ding hindi kasi natatakot akong masungitan nila.

As I went pass through sa kitchen area, hindi ko makita si Rome, si Ate Ruffa lang na naka-headband ng malaking pink ribbon na naka-station ngayon sa counter. All around siya kaya kahit san siya ilagay keri niya.

Pagpasok sa opisina, naubutan ko si Mama na may kausap sa phone habang kaharap ang ilang papers.

"Yes...okay...thank you, I'll call you later, bye," nakangiti niyang ibinaba ang tawag saka ako iminuwestrang lumapit sa kaniya.

"Ma, sorry I forgot to tell you na I need to go to SIU ngayon. I received their email yesterday na today ang schedule ko for the entrance exam," sabi ko. Umupo ako sa upuang nasa harap ng table niya.

"ganun? oh sige, wait tatawagan ko si Jun para ihatid ka," sabi niya saka kinuha ang phone at sinimulang mag-dial.

"Oh no Ma, it's okay po, baka nasa klase pa yun, saka dala ko naman si Kookie," pigil ko sa kaniya.

"are you sure?" binaba na niya ang phone niya, saka alanganing nakatingin sa akin.

"yep aha," tango ko .

"okay, you know your way there?"

"Ma, uso na po ang GPS, saka chineck ko na din po kung saan yun kagabi, hindi naman pala ganung kalayo,"

"okay then, take care okay? galingan mo," tumayo siya at lumapit sa akin saka iginaya palabas ng office.

"I will Ma," I said.

"good, update me okay?" tanong niya habang naka-abresete sa braso ko.

Some crews greeted her nung dumaan kami sa kusina at sa counter habang naglalakad palabas.

"I will, by the way po, kung sakaling dumating si Rome, pasabi na lang po na wala ako today, wala kasi akong number sa kaniya, nakalimutan kong kunin,"

"haha anubayan, ang tagal niyo ng magkasama dito hindi pa kayo nakapagpalitan ng numero. Nonetheless, wala siya ngayon, personal siyang dumaan dito kanina para magpaalam na hindi muna siya makakapasok ngayon dahil may aasikasuhin siya regarding school matters,"

"ahh okay, I'll go then," I hugged her as she ushered me inside the drivers' seat.

I honked Kookie before slipping down the drive way.

After 20 minutes or so of driving, I can see the closed gate of Selby International University or SIU.

The guard asked me kung anong business ko dun, and when I told them about my reason, they asked to see the schools' notice na kasamang sinend ng notice ko about the exam sched.

Ang higpit ah.

The other guard opened the gate after makita ang notice na meron ako.

I drove off hanggang sa malawak na parking lot.

After parking, tiningnan ko muna ang itsura ko sa rear view mirror saka kinuha ang aking peborit bag, saka lumabas ng sasakyan.

I straightened my ocean blue rounded neck fitted shirt and faded jeans bago nagsimulang maglakad.

Woah

This school is so big ah. There are so many buildings pero magkakalayo, diniretso ko lang ang covered walked na meron doon papunta sa admin building na malapit lang sa parking lot at entrance gate.

I asked them some things then after, they instructed me to go to CoE building para doon kumuha ng exam. I thanked them and started finding where CoE building was. I asked one of the cleaning staff na nadaanan ko kung saan yung building na hinahanap ko, and it turned out na nasa tabi lang pala ng canteen sa likod ng Admin.

Sinundan ko yung daan na itinuro sa akin. Buti na lang mayaman sa covered walk itong school, at least hindi ako mawawala basta sundan ko lang itong daan na ito.

After a while nasilip ko na yung building na may nakasulat na College of Engineering (CoE) sa entrance, katabi nga ito ng canteen.

Buti naman

*bzzzt *bzzzt *bzzzt

Kinuha ko yung phone kong nagpapansin sa bulsa ko.

Kuya's calling.

"Kuya?" sagot ko.

"Hoy babae! ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito sa school ah?!"

Ah?

"what?" napatigil ako sa paglalakad saka inilibot yung tingin ko.

"anong ginagawa mo dito?! ba't ka nagliliwaliw dito?! hindi pasyalan dito bata! maraming loko dito kaya umuwi ka na! teka nga, wag mong sabihing may binibisita ka kaya ka nandito?! naku Sev sinasabi ko sa'yo! malilintikan ka talaga sa akin!"

Psh

"pinagsasabi mo?" sabi ko, nagsimula na ulit akong maglakad habang tuloy pa rin ang paglibot ng tingin.

"wag ka ng magkaila pang bata ka! totoo no?! lagot ka talaga sa akin! isusumbong kita kila Mama!"

"aish! ang daming sinasabi kuya, pwe—argh!"

"ano ha? ano?! nasan na yung nagayuma mo? nasan yung lalaki ano? san?!"

"argh! pwede ba kuya! bitawan mo nga ako! orghhh~"

Aray!

Maluwag na talaga ang turnilyo ng kapatid kong 'to.

Mula sa pag-amba niya sakin mula sa likod kanina, inipit niya ang ulo ko sa kanang braso niya, at imbis na luwagan ang pagkakasakal niya sa akin, hinigpitan niya pa ito lalo.

Aish

"araaay! anuba?! aso ka na ba?!" inirapan ko lang siya na hinihimas yung kinagat kong braso niya. Nagtuloy lang ako ng lakad saka iniwan siya dun.

Aish

Ang alat

Yuck

Dancing Beats of HeartsWhere stories live. Discover now