♥71. Ultimate Vacation

150 6 0
                                    

{71} Ultimate Vacation

AJ's POV

Siguro tungkol nanaman sa mga kalokohan yun! O kaya naman may binabalak yung mga yun. Eh sa di ko sila nagets kanina eh. Pinaguusapan yung guns, oh baril yun ah! Tapos kick off daw? Ah ewan ko sa kanila. Tapos si Ivan pa ang naghatid sakin. =_=

Naglakad ako tungo sa elevator...

*ting!*

Pinindot ko ang no.18. Pagkalabas ko ay napansin ko ang lalaking makakasalubong ko. All black, nakajacket at may cap. Wow! Kala mo action star.

"Ay! Sorry!"- kagyat ko ng magkabanggaan kami at nahulog ang cap nya. Tinulungan ko syang kunin ang cap pero mabilis nya itong naagaw sakin at isinuot muli. Napatingin ako sa mukha nya.

Ô___Ô S-sya?!... P-pero anong ginagawa nya rito?

"Sorry..."- bulong nya at umiwas sya ng tingin.

"Sandali!"- pigil ko sa kanya pero hindi sya huminto.

"Kuya!"- tawag ko sa kanya. Natigilan sya sa harap ng elevator at nakayuko. Nilingon nya ako. Tatawagin ko pa sana sya pero  pumasok na sya elevator.

Naglakad ako ng marahan tungo sa unit namin. Bago ko pa buksan ang pinto gamit ang lock card ko. Napansin ko ang basket ng prutas sa paanan ko. Yumuko ako at kinuha ito. Alam kong kanya to galing. P-pero paano nya nalamang dito kami tumutuloy?

Pumasok ako sa loob at nang isinara ko ang pinto naisip kong 'sa bagay nga naman, malalaman nya talaga kasi mayaman sya, at walang imposible sa mayayaman'.

Dumiretso ako sa kusina para ilagay ang basket ng prutas doon. Pagkatapos ay tumungo ako sa kwarto namin, bago ako natulog tinext ko muna si mama ng 'Good night, miss you'.

At syempre! Nagtanggal ako ng shirt at pants! Ang saya kaya! Presko!  Basta wala lang mangmamanyak! +__+×

•×•×•

"Kyaaaah!"- tili ni Yanna at Alex

"Wooohoho!"- tinutugtog ni Royce ang baso gamit ang kutsara.

"Ayos!"- ginulo ni Ty ang mga ulo ni Yanna at Alex.

"Nice!"- ngiting saad ni Leigh.

Ang sasaya nila mga dude! Eh paano ba namang hindi sasaya yan, nakuha po kasi nila ang first place ng pa-raffle! Hahaha! Yea'boi! Amanpulo here we come na itooo! \(^-^)/

"Three days vacation at relaxation yan! Yey!!!"- sigaw ni Yanna. Wow! Relax daw oh! Nice! Mukhang salbado ang bakasyon namin. ^_^ at sakto pa! Sa 7,8,9 nitong linggong to ang free vacation. Haha!

Hey! Secret lang natin to ha?... Kasi... 18th birthday ni Alex sa Sept. 8. Wew! Mukhang paunang regalo na itong libreng bakasyon na to sa kanya ah. Sa ngayon wala pa kaming napaguusapang plano para sa birthday nya, pero gagawa kami, praaaamis yan!

"Sino pa isasama mo Alex?!"- excited na tanong ni Royce.

"Si Seth isama natin! Ang Apollyon 5 isama natiiin!"- at kinilig pa ang loka. 

"Oo nga! Sayang naman ang ibang ticket tsong!"- dagdag pa ni Royce.

"Pero di sapat ang natitirang apat na ticket para sa kanilang lima".- singit ni Leigh. Oo nga... Pero sakto lang yun kasi...

"Di naman ako sasama kaya sakto lang".- sabat ko. Tumingin silang lahat sakin.

"Hoy! Anong hindi sasama?"- sabi ni Leigh. Ngumiti ako sa kanya.

"AJ naman! Anong trip mo na naman ha?"- saad ni Alex at nagtaas pa ng kilay.

"Anong di ka sasama! Di pwede! Dapat kasama ka!"- dagdag ni Yanna at namewang pa!

You Call it Fate, I Call it KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon