♥57. Mishap

161 7 0
  • Dedicated kay Jaira Jane Gracilla
                                    

{57} Mishap

AJ's POV

"Sige na AJ, dito ka na kumain".- pilit sakin ni lolo Ian. Uhh... Pag ganyan ba naman maglambing ang lolo bakit ko nga naman pagbibigyan diba? Speaking of pagbigyan... Langyang Ivan to! Sigawan ba naman si lolo Ian kanina sa labas ng kwarto nya. Eh mukhang napadaan nga lang naman sila doon eh. Nagsumbong pa nga sakin si lolo na pinagalitan daw sya ni Ivan. Syempre to the resque si tutor haha!

"Pwede ba tanda! Lubayan mo nga sya! Ang sagwang tignan!"- saway ni Ivan kay lolo Ian na nakahawak sa kamay ko. Anong masagwa dito? Psh. (¬_¬) parang lolo ko na rin naman si lolo Ian eh. Mas mukha pa nga yatang maglolo kami kesa sa kanila. Bitter!!!

Bumitaw naman si lolo... Pero humawak sya ulit. Haha!

"Kahit dalhan mo na lang ng take out yung kapatid mo, dito ka na kumain ng hapunan... Sige na?".- sabi ni lolo.

"O-okay po lolo".- sagot ko. Sobrang saya ni lolo kaya nagpaluto daw sya ng espesyal.

"Lord Ian, the dinner is ready".- sabi ni kuya Jess? Tama ba yun? Haha! Basta nagsisimula sa J.

"Sa kwarto ko na lang ako kakain".- sabi ni Ivan.

"Aww!"- tinignan nya ngbmasama si lolo. Paano kasi hinampas ni lolo ang braso nya. Haha! Buti nga!

"Sa mesa ka kakain! Walang pero-pero! Walang hindi!"- sambit ni lolo. Yan tama yan ! Go lolo Ian!

Napakunot ng noo si Ivan at marahas na nagkamit ng ulo nya. Tumungo kami sa hapag kainan pagkatapos.

"Ah... Miss AJ, dito na po kayo maupo".- inakay ako ni kuya Jess sa upuan ko.

"Hey... Dito sya mauupo?"- tanong ni Ivan kay kuya Jess.

"Oo dyan sa mauupo!"- si lolo Ian ang sumagot. Oh ano naman kung dito ako maupo ha hoodlum ka?

"Pwede naman sa kabila diba?"- sabi nya. Teka, oo nga ano? Hindi tuloy balance. Nandito kaming pareho sa janan ni lolo Ian.

"Ano... Basa sa kabilang upuan".- sagot nya. Aaah basa.

"Pwede namang punasan o pagpalitin ang upuan diba? Ang daming upuan oh!"- tinuro nya pa ang mga upuan. Oo talaga! Madami, kasi mahaba itong mesa. Sampung mesa na siguro namin to.

"Ay naku! Tumigil ka na dyan, kumain na tayo at natratrapik ang grasya!"- sabi ko naman. Ano naman kasi kung dito ko maupo? Walang kaso, kahit saan maupo pwedeng makakain no! Baliw talagang hoodlum ito! (¬_¬)

Pagkatapos naming kumain nagpaalam na ako kay lolo Ian.

"Sige po lo, alis na po ako. Salamat po sa take out".- paalam ko sa kanya.

"Gabi na AJ, hayaan mong ihatid ka ni Ivan".- sabi ni lolo. Huh? Ako? Ihahatid nyan? Sus! Imposible!

"Anong hatid! Ayoko nga! Antok na ako! Ipahatod mo na lang sya sa driver mo!"- reklamo nya.

"Okay lang po lo, magtataxi na lang ako".- sabi ko naman.

"Oh sige, mukhang ayaw yata ni Ivan eh. Mag ingat ka na lang ha? Kung sakaling gusto nila yang bag mo, ibigay mo agad at baka manganib pa ang buhay mo... Pero kung ang gusto nila ay---"

"Shut up tanda! Tinatakot mo sya!"- nagat ako sa pagbulyaw nya kay lolo Ian. Hmm... Oo nga naman, natakot talaga ako, OA kasi si lolo Ian. Mag taxi lang manganfanib agad?

"Oo na! Ihahatid ko na sya! Happy now!?"- sabi nya kay lolo Ian.

"Yey!"- at pumapalakpak pa si lolo. Luh? Ang saya ah? Haha!

You Call it Fate, I Call it KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon