♥91. Give up

181 6 0
                                    

{91} Give up

AJ's POV

"AJ nga! Basta ha? Pag may naramdaman kang sakit o kahit konting kirot sabihin mo agad ha?"

"Oo! Tapos tatawag kami ng doktor!"- hayan! Ang kukulit nanaman po ng dalawa kong kaibigan. Tsk! Tsk! Kanina pa sila tanong ng tanong mula ng magkamalay ako kung may nararamdaman daw ba akong sakit o kirot, halos minu-minuto yata eh! Hihi. Yay! Pero sweet! ^_^

"Oo na nga. Tss... Dapat pala di na muna ako nagising! Ang ingay nyo, hahah---aww!"- sabi ko at biglang sumakit ang parte kung saan ako nabaril, sa taas ng kaliwang dibdib ko.

"Oooh! Anong masakit? Saan?"- nagpanic si Alex.

"Tatawag na ba ako ng doktor ha? Ha?!"- nagpabalik-balik naman si Yanna hindi alam kung saan pupunta. Haha! Naku! Natawa na lang ako sa loob-loob ko,baka pag humalakhak ako dito sumakit pa lalo ang sugat ko at bumukas.

"Relax nga lang kayo! Sumakit lang kasi natawa ako. Kayo kasi eh!"- sabat ko naman. Hehe, totoo naman eh.

"Ano ba yan?! Kala ko naman kung ano na!!!"- umirap pa si Alex.

"Yeah right!"- ganun din si Yanna sabay cross-arms.

"Nasaan sila Leigh?"- tanong ko sa kanila. Actually, kanina nandito na sila ng magkamalay ako tapos nakatulog ako saglit at pag gising ko wala na sila.

"Bumili lang ng breakfast natin!"- masiglang sagot ni Yanna. Mmm... Oo nga, 9:00 na, isang araw din pala akong natulog.

"Eh ang mga boyfriend nyo nasaan?"- tanong ko sa dalawa.

"The F! Wala no! Wala kaming relasyon ni Seth!"- depensa ni Yanna. Grabe! Gusto kong matawa dun ah!

"Huli! Di naman sinabi ni AJ na si Seth ah! Pag boyfriend mo? si Seth agad? Gaga! Edi wow!"- dagdag pa ni Alex. Nagpout naman si Yanna. Haha! XD. "Hahahaha!"- syempre si Alex yan, ako? Wala! Heto pigil na pigil!

"Anyway, Lex? si Rhys nasaan?"- tanong ko sa kanya.

"Syempre nandun din sa boyfriend mong si papa Ivan!"- sagot nya. Ô_Ô s-si Ivan?...

"Hoy! Hindi ah! Anong boyfriend ka dyan!?"

"Asus!"- at nagkatinginan pa silang dalawa.

*gasp!* Oo nga pala! Si Ivan! Gusto ko syang makita! Gusto kong malaman kung okay lang sya.

"Oh? Saan ka pupunta?"- tanong nila sa akin. Pero imbis na sagutin ay nagtanong pa ako. "Saan ang kwarto ni Ivan?"

"Huh? Bakit?... Teka! Kaya mo na ba?"- tanong ni Yanna.

"Of course! Para puntahan ang love of her life! Haha!"- asar naman ni Alex. Di ko nalang pinansin at nagpatuloy akong tumungo sa pinto habang hawak ko pa ang dextrose ko.

"Hey AJ! Wag mong pilitin kung di mo pa kaya!"- pigil sakin ni Alex. "Okay lang Lex, kaya ko na".- sagot ko saka pinihit ang door knob.

⊙▂⊙ ° ° °

"Ah--Ivan?!/Aya?!"- nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto. Bumungad sakin ang mukha ni Ivan. Nagkasabay pa kami ng sambit sa mga pangalan namin. Sya nga kaya ito? Di ba ako namanalik-mata? Kinusot ko pa mata ko at dumilat-pikit pa.

"Uhh... K-kumusta ka na?"- tanong nya sakin saka sya tumingin sa braso kong may saklay.

"Uhm... O-okay na ako".- sagot ko saka ako napayuko. Naku, baka isipin nya magpapaawa ako no! Hindi!

⊙▂⊙!? Ikinagulat ko ang biglang pagyakap nya sakin.

"Sorry!"- bulong nya sakin habang nakayakap parin. Naramdaman kong lalo pang humigpit ang yakap nya.

You Call it Fate, I Call it KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon