♥27. Wrong Number

293 12 0
                                    

{27} Wrong Number

AJ's POV

"Ma, ingat po kayo doon ha? Wag nyong pagudin masyado ang sarili nyo, wag kayong magpapagutom atsaka..."
"Atsaka ma, pag may naramdaman po kayo, uminom agad kayo ng gamot, lagi ka pong mag fb at skype ha?".- dagdag ni Ching. Hayan nagbibilin na kami sa kanya. Ilang minuto nalang kasi oras na ng flight nya puntang Japan. (↑_↑) aalis na si mama.
"Oo na po. Hali nga kayo dito, payakap at pakiss sa mga prinsesa ko".- saka kami yumakap kay mama ng napakahigpit. Nanggigilid na ang mga luha ko, pero kailangang pigilan, ayokong magalala pa si mama samin bago sya umalis. Sinabihan ko din si Ching na wag syang iiyak pagalis ni mama.
Kumalas kami sa yakap at nginitian si mama. Ngiti lang ang tanging maipapabaon namin sa kanya. Dalawang buwan nya rin kaming hindi makikita at mayayakap.
"Basta ang mga bilin ko rin sainyo ha? Magiingat kayo, pag may problema tumawag kayo sakin. Kung kailangan nyo ng tulong tawagan nyo ang tita flor nyo, ibinilin ko na kayo sa kanya".- si tita flor kaibigan ni mama at kalapit bahay namin. "Opo ma".- sagot ko.
"Ikaw ng bahala sa kapatid mo ha? Ingatan nyo sarili nyo. Tatawag-tawag ako at mag i-skype para icheck kayo".- saad niya.
Nagulat kami ng tawagin na ang sunod na flight. Flight to Japan na. >_< yumakap muli sa amin si mama at binigyan kami ng tigisang halik sa noo. Naglakad sya at bago makapasok ay muling lumingon saamin.
"Babye mga anak. Wag nyong kakalimutan ang mga bilin ko. I love you princesses".- saka sya nagwave at nag flying kiss samin.
"Bye ma!"- and we wave back. She smiled then she left.
*sniff* "Ate, miss ko na agad si mama...*sniff*"- then she burst to cry. Hala ka dyan? Tsk.tsk.
"Ano ka ba? Mabilis lang yun si mama. Mamamalayan na lang natin dalawang buwan na".-pagko-comfort ko sa kanya. Inakbayan ko sya at saka kami lumabas ng airport. Haaay... Sana maging okay lang si mama. Sana maging ayos lang kami ni Ching na wala sya. At sana mabilis lang ang 2 months.

It's already 4pm. Umuwi muna kami sa bahay at nagluto ako. Wow, this is the first time that I'm gonna act like a mother. Ako na muna ngayon ang magaasikaso ng lahat-lahat dito sa bahay. Nakakamiss na nga agad si mama eh.

Kumain kami ng dinner at saka ako umalis para pumunta sa Koizora. Pumunta ako para kausapin si ma'am Belle, para sabihin na magreresign na ako. Ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit, naintindihan nya naman kahit na sabi nya ay sayang naman, kesyo daw magaling akong kumanta at mahatak ako sa customer.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila sa Koizora, bigla akong nakaramdam ng gutom at parang nagcrave ako sa cheesedog. Kaya dumaan muna ako sa 7/11 para kumain ng cheesedog. Mmm... Yumyum! ^___^

Pumili ako ng cheesedog na gusto ko at saka nilagay sa plastic wrapper nito. Kumuha din ako inumin kong gulp, coke pwede na. Pumila ako sa counter, madami ang nasa pila. Ang malupit pa, lahat sila nakasuit. *_* .. Yung totoo? Saan ang kasalan? Haha!
Sinulyapan ko ang una sa pila, isang matandang lalaki.

"Sir dalhin ko na po yan".- O.O? Nagulat ako sa isang mamang nakasuit ng alalayan nya ang matanda sa pagdala ng plastic. Plastic ha? Ang gaan lang nun eh.
"Tayo na po sir".- huh?!!! ⊙▂⊙ mas namangha pa ako ng pagitnaan ng mga makasuit na mama ang matanda at pinagbuksan ito ng pinto imbis na yung guard. Can someone explain, whats happening here?! *-*
"Miss, halika na po".- nabalik ako sa wisyo mula sa pagkakatulala ko ng tawagin ako ng cashier. Well, nagulat talaga ako eh. Akala ko mga nakapila din  sila... Mga bodyguards pala? Artista ba sya? Bakit di ko yata kilala.
"Sukli mo miss".- at inabot nya sakin ang sukli ko ng may napansin akong wallet sa ibabaw ng counter.
"Uhh miss? Kanino po ito?"- pinakita ko sa kanya ang wallet.
"Naku miss, baka dun yan sa matanda".- sabi nya. Hindi na ako nagisip pa ng kung ano at nagmadali akong lumabas para tignan kung hindi pa nakakalis ang matanda. Pero malamang nakaalis na iyon, feeling ko nakakotse eh.
Lumingon-lingon ako sa paligid at ayon! Yes! Buti at hindi pa sila umaalis, masa kotse sila.
"Sandali lang!"- Tumakbo ako palapit sa kanila. Iwinagayway ko ang wallet na hawak ko.
"Hanggang dyan ka lang miss".- biglang may humarang na mamang nakasuit sakin.
"Uhm.. Kuya kasi po---"
"Hindi ka pwedeng lumapit kay Lord Ian kung wala kang appointment".- ha? Ano daw? Pag magsasauli ng wallet kailangan may appointment?!
"Eh, kuya isasauli ko lang naman kasi itong---"
"Sige na miss umalis ka na".- ano ba to si kuya? Hindi ako pinapatapos.
"Anong problema Jess?"- tanong ni lolo kay kuyang nasa harap ko.
"Wala po sir, pinapaalis ko na po sya".
"Sandali lang. Bakit muna natin tanungin kung anong kailangan nya".- bumaba sya sa kotse at lumapit saamin.
"Sir, hindi na po dapat kayo lumabas".- sabi ni kuya. (←_←) kaasar talaga to?
"Tumabi ka muna Jess"- tumabi naman si kuyang humarang sakin.
"Ano bang kailangan mo ha miss?"- tanong ni lolo sakin.
"Uhm.. Ano po kasi. Ito po..."- pinakita ko ang wallet. "Sainyo po ba ito? Naiwan po kasi sa counter kanina".- sagot ko.
"Ah! Kaya pala wala akong nakakapkap sa bulsa ko, naiwan ko pala ang wallet ko. Haha! Salamat hija ha? Napakabuti mo!"- at inabot ko naman ang wallet nya. "Wala po iyon".
"Pagpasenstahan mo na itong mga bodyguards ko ha?"- sabi pa nya.
"Okay lang po. Ah sige po mauna na ako..."- ngumiti ako. Tatalikod na sana ako...
"Sandali lang hija".- tumingin ako sa kanya. "Bakit po?"
"Ano bang pangalan mo?"
"AJ po".- sagot ko.
"Heto"- may inabot sya saking calling card. Hm? Para saan to?
"Kung kailangan mo ng tulong, o kung anu man. Tumawag ka lang".
"S-sige po salamat".- kinuha ko ang calling card at tinitigan ko. "Sige, salamat ulit sayo AJ".- saka sya nagwave at pumasok sa magara nyang kotse. Hanggang sa umalis sila, nakatayo parin ako dito.

•×•×•

"Oh my God girl, ang hot ni Shaun sa picture na to oh".-  sabi ni Alex habang nasa sofa at naglaloptop. It's sunday at galing lang kami ng simbahan ni Ching, pumunta si Alex dito sa bahay para mambulabog... Ay este para gumawa daw ng report nya, tss... nasaan kaya dyan ang paggawa ng report? Nagfe-facebook lang naman sya eh.
"Akala ko ba gagawa ka ng report? Puros ka lang facebook eh".- sabi ko sa kanya habang nagwawalis ako. "Madali lang naman ito, and besides I have a whole day to finish this. Wala pa ako sa mood kaya fb na muna haha".- she answered. I shook my head with anticipation.
"Patingin nga".- sabi ko at tumabi ako sa kanya. Tinignan namin ang mga picture ni Shaun. At Oo nga, hot nga. Photoshoot nya siguro ang mga ito nung summer, naka summer outfit kasi sya.
"Oh diba? Ansabe ng fit na sando oh, haha!"- hmm... Tumango naman ako. Napaisip ako kung awkward pa ba sila Yanna at Shaun. Mag-ex kasi sila, at model pa silang pareho ng isang clothing line.
"Ewan ko sayo... "- tumayo ako. "Anong gusto mong ulam sa lunch?"- tanong ko sa kanya.
"Chop suey is enough"- at ngumiti sya. Mahilig yan sa gulay, unlike kay Yanna.
At ayon nga sa gusto nya, chop suey nga ang niluto ko. Hindi naman aarte si Ching nito kasi kumakain naman sya ng gulay. Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang mesa. Tinawag ko si Alex... Si Ching, heto tatawagin ko pa lang. Umakyat ako sa kwarto ko at binuksan ang pinto.
*gasp* O.O
"Hi ate?"- 。^____^。
"A-anong ginagawa mo?"- nagulat naman ako sa itsura nitong kapatid ko.
"Haha! Wala lang, naprapractice lang akong mag make up".- napailing na lang ako. "Maghilamos ka na at kakain na tayo".
"Okaaay!!!"- masigla nyang sabi. Haaay... Kaya pala di lumalabas at nagiingay eh, busy maglagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha.
"Okay lang ba talaga kayo dito ni Ching?"- tanong ni Alex sakin habang kumakain.
"Oo naman, bakit mo natanong?"- tanong ko. "Eh kasi, dalawa lang kayo dito at puro pa babae, di kaya delikado?"
"Hindi yan. Okay lang kami. Wala pa namang nangyayari dito. Atsaka, may mga mababait naman kaming kapitbahay".- sabi ko sa kanya. Pinakita kong kampante ako kaya kumalma na din sya.
"Basta ha? Pag may kailangan kayo, tawag ka lang o kaya punta ka lang sa bahay ang lapit lang oh".- saad nya. "Haha oo na".- at nginitianko sya.

Tinapos namin ang pagkain. Ako ang naghugas ng mga kinainan at naglipit ng lahat. Pagkatapos ay sinilong ko na ang mga sinapay at tinupi. Woahw! Ganito pala ang maging single mother. Haha! Pero hindi pa ako mother. Sinasabi ko lang kasi si mama, ganito pala ang ginagawa nya araw-araw tapos nagtratrabaho pa.

Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay nagrelax naman muna ako. Nagsnack kami habang nanonood ng Tv at si Alex naman ay ginagawa na ang report nya. Medyo natagalan din sya sa paggawa kaya 6pm na sya natapos.

"Bye Ching, bye AJ!"- nagwave sya bago lumabas sa gate namin.
"Bye! Bukas na lang!"- sagot ko, medyo na pasigaw pa nga ako.

Papasok na sana ako sa bahay ng biglang magvibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sinong tumatawag pero unregistered number kaya sinagot ko ito para malaman ko kung sino.

"Hello?". Walang sumagot... "Hello?"- at sa pangalawang pagkakataon hindi parin sya sumasagot.
"Hello?... Kung ayaw mong sumagot edi wag. Nagsayang ka lang ng load mo".- saka ko binaba ang phone. Psh. Marami talaga ngayong mga mapangtrip na tao.

Nagdinner kami ni Ching at umakyat na sa kwarto. Hinintay namin si mama na mag online para makapag skype. Actually kanina pa kami naghihintay sa tawag ni mama kung okay ba syang nakarating. Sabi nya naman ngayon okay lang daw. Miss nya na daw kami agad, umaalis pa lang daw ang eroplano kahapon parang gusto na nyang bumaba at yumakap samin. Kubg sya miss ma miss na kami? Paano na lang kami? Sobrang miss na namin sya. Nagtanong si mama kung anong ginawa namin sa maghapon, nagkwento naman kami at ganun din sya. Isang oras din kaming nagusap at pagkatapos ay nag good night na kami sa isa't isa. Oras ma para matulog. Pero bumaba muna ako para icheck kung nakalick lahat ng bintana at pinto saka umakyat muli para matulog.

"Ate? Sa taas ba ako?"- tanong ni Ching habang hawak nya ang mga unan nya. Double deck kasi ang kama ko. Dito sya sakin matutulog malamang kasi wala syang katabi sa kwarto sa baba. "Sa taas ka na, matulog ka agad, may pasok bukas".- saad ko sa kanya. "Okay!"- at excited syang umakyat sa taas.
"Good night ate!"- I smiled at her. "Good night"

*bzzt... bzzt*

Bago ako humiga, binasa ko muna ang text, kumunot ang noo ko. Iyong unregistered number ulit. Binuksan ko ang message.

Fr: 09076575***
|Good night, See you tomorrow. |

Sino ba sya? Baka naman wrong no.? Nireplyan ko sya para tanungin kung sino at kung bakit nya ako tinawagan pero wala syang reply. Hindi ko na lang pinansin at natulog na lang. Hmp. Baka nga wrong no. lang.

(A/N: sabaw ba? Sareeh guyths. Bawi na lang sa next chapter. Okay?:))

You Call it Fate, I Call it KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon