♥63. Dinner Party

136 6 0
                                    

{63} Dinner Party

AJ's POV

"Hmmm! Amoy pa lang masarap na!"- sabi ni Seth ng amuyin nya ang mga niluto ko. Nagluto ako ng kaldereta, chop suey, adobong manok at gumawa din ako ng macaroni salad. Oh ha? Say nyo? Parang pasko lang eh hihi.

"Grabeh AJ! Naluto mo yan lahat?!"- nginitian ko sya. "Kung maaga ko lang nalaman na magaling kang magluto inuwi na kita saamin, kahit doon ka na forevermore haha!"- sabi nya pa. Natuwa naman ako sa sinabi nya!

"Excuse me! Kahit mas maganda ako sa ate kong masungit hindi ako papayag nai-take home mo sya! Ano sya? Homework?!"- sabi ni Ching kay Seth. Luh? Sweet naman ni bunso. Tss. Ganyan nya lang ako i-describe, parang nanlalait pero sweet yan.

"Edi isasama na rin kita!".- sabi ni Seth kay Ching. Haha! Ang cute ng dalawang magbangayan.

"Duh! Ayoko nga!"- at inirapan nya si Seth.

"Alam mo ang cute mo!"- saad ni Seth sa kanya.

"I know right!"

"Ireto kaya kita sa mga utol ko? gusto mo? Kaedad mo lang sila"- sabi ni Seth kay ching habang pumapasimple ng tikim sa macaroni salad ko. 

"Uy Seth, tigilan mo nga si bunso. Di pa pwedeng mag boyfriend yan".- sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng pitsel ng tubig sa ref.

"Naku sayang! Gwapo pa naman mga utol ko! Haha! Tag-isa sana kayo ni Kikay. Diba friends kayo?"- napailing naman ako habang nakangiti. Iba talaga ang trip nitong si Seth eh.

Kumuha ako ng macaroni salad at inilagay ko sa platito para makain ko habang nanonood ng tv. Iniwan ko silang nagbabangayan sa dining at tumungo ako sa salas. Tamang hintay muna kami sa mga bwisita namin hihi.

Nakita kong  nanonood si Ivan kaya nakijoin na rin ako.

ò____Ó? anong movie pinapanood nya?! Anabelle?! O_O? Diba nakakatakot yan?! >___<

"Uy bakit naman yan ang pinapanood mo? Creepy!"- sabi ko sa kanya. Nasa iisang couch kami, pero medyo may distansya syempre. Hindi sya umiimik, seryoso syang nanonood kaya naman nakinood na rin ako kahit creepy. Kinuha ko lang yung throw pillow at niyakap ko. Halah... Ano yun?! Nasaan na?! (≥.≤)

"Boo!!!"

"Ay!"- s#it! Langyang to! Ginulat ako.

"Hahaha! Takot!"- at itinapal nya sa mukha ko yung throw pillow na hinugot nya mula sa likod nya.

"Hayp! Ka! Nakakagulat kaya yun!"- sabi ko sa kanya! Ibinato ko sa kanya yung unan. Ampotek na to!

"Pfffft! Ahahahha! Hohoh!"- lakas naman makatawa neto! Nakakairita, kaya naman pinaghahampas ko sya lalo ng unan.

"Potek ka talaga! Bwisit ka!"- sunod sunod ang hampas ko sa kanya. Napapaangat na nga ako sa couch, napapaluhod na ako.

"Hahahaha! K-kung nakita mo-ho lang yu-hong hitsura moh haha! Hahaha! The best!"- hawak tyan nya akong pinagtatawanan. Napapahiga na sya sa couch at ako... Ako...

*blag!*

⊙▂⊙ ° ° °

Nahulog kami sa couch. Napahiga sya at ako... >▂< nakaibabaw sa kanya. Huhu! Nagkatinginan kami at agad akong bumangon, sumunod sya. Nagpagpag ako ng damit ko. Grabeh! Bumilis ang tibok ng puso ko dun ah?

"Ano yung lumagabog?"- tumakbo palabas sa dining area sila Seth at ching.

"Ah... Wala!"- nagkatinginan kami saka nag-iwas ng tingin. Paano kasi nagkasabay kaming sumagot ng 'wala!' (←//.//← )" "( →\\.\\→)

*buzzz*

Siguro sila na yan! Kaya naman para makatakas sa awkwardness na to, ako na ang nagbukas.

"Hi AJ!!!"- sabay yakap nilang dalawa sakin. Uhh... Namiss ko tong dalawang to kahit nung isang araw lang dumalaw pa sila sa akin sa hospital. (T³T)

"OMG girl! Ang ganda naman nitong condong to!"-sabi ni Yanna. "Hindi nga pala pwede sila Leigh kasi may practice game daw sila sa SEOU".- napa 'ah' na lang ako sabay tango.

"Muntik pa nga kaming makalampas dito eh!"- sabi ni Alex.

"Hi ate Yanna! Ate Alex!"- at yumakap si ching sa dalawa.

"Uhh sweetie-sweet of you ching!"- sabi ni Yanna sa kanya.

"Hi Yam! Hi Alex!"- bati din ni Seth sa dalawa. "Hi!"- sabay nilang tugon kay Seth. Nilingon ko naman si Ivan at nakabalik na pala sya pinapanood nya.

"So ito pala yung condo mo Ivan? Very nice uh!"- sabi ni Alex sa kanya at naupo silang dalawa katabi ni Ivan.

"Kyaaaa!"- sabay silang napatayo mula sa couch! Haha! Nagulat siguro sa Anabelle! Ito naman kasing si Ivan di ko malaman ang trip eh. Nakita kong ngumisi sya. Naku! Nakakainis talaga to! Naalala ko pa tuloy yung... Ugh! >▂<

*buzzz*

"Oh yeah! This is it! The party is here!"- sabay bukas ni Seth ng pinto at TADAAA! silang tatlo na nga! Napangiti ako ng makita ko si Kirk.

"Yiiie!"- at pinagkakalabit at siko ako sa tagiliran nitong dalawa.

"Woah! The party is in the house man!"- at pinag-aapiran silang tatlo ni Seth.

"Hi kuya Kirk! Si Kay po?"- salubong ni Ching dito.

"Oh... Sorry, hindi ko sya nainvite eh. We just on our way kaya di na ako umuwi".- paliwanag nya kay bunso, nagpout naman si bunso.

"So dito muna kayo AJ?"- tanong ni Rhys sakin.

"Oo".- sagot ko. Tumingin ako kay Kirk ang ngumiti. Anebeyern AJ! Bakit ba lavi ka na lang napapangiti?! Baka makahalata na yan eh!>///<

"Tara na kain na tayo!"- sambit ni Ivan kaya lahat kami napatingin sa kanya habang nag-uunat at nag lakad patungo sa dining area.

"Oh ano pa? Dinner na! Let's fiesta!"- sabi ni Seth. Nakakatawa talaga tong si Seth.

"Timang ka talaga! Haha"- sabi ni Yanna sa kanya.

"Mmm... Sarap naman AJ!"- sabi ni Seth.

"Oo nga AJ! Hindi ko alam na masarap ka palang magluto".- puri pa ni Rhys. Natutuwa naman ako at nagustuhan nila. ^_^

"Naman! Si AJ pa! Diba Alex?"- sabi ni Yanna, at nakita ko pang siniko nya si Alex. "Ah... Oo he-he"-.ehem, alam na! Awkward yan oh!

"Uy Ivan! Pahingi naman nyan!"- inaabot ni Seth ang kaldereta lay Ivan.

"Ayoko nga! Sakin lang to!"- sabi ni Ivan.

"Bro namaaan! Wag madamot!"- haha! Halatang gusto nyang makatikim nun.

"Ako lang dapat ku.akain nito eh! Sagabal ka alam mo yun! Kaya magtiis ka!"- at sumubo sya. Napa-pout na lang si Seth.

"Here oh Sethsey!"- at ibinigay ni Yanna yung sa kanya.

"Yes! Thanks Yam!"- ^_^ masayang tugon nya rito at aktong kumiss pa sya sa ere. Huh? Ano kaya yun?

Pagkatapos namimg kumain ay nagmovie marathon naman sila. Si ching pinatulog ko na,  Ako naman  at si Kirk nandito sa veranda, ewan ko dito bigla na lang akong hinigit.

"You okay now?"- tanong nya.

"Oo naman".- sagot ko. Ginulo nya ang buhok ko. "I know you're strong".- Sabi nya at ngumiti sya. Uhh! Nakakaadik ang ngito nya pramis! ^///^ halos napapadalas na kasi eh!

"Hey guys! Laro tayo!"- napalingon kami sa loob at si Seth may hawak na dalawang bote. Yung isa walang laman at yung isa meron.

"Bawal KJ dito ha!? Lahat kasali!"- sabi ni Seth kaya naman hinigit kami papasok ni Yanna. Ano nanaman kayang trip nitong dalawang to? o_O?

"Anong laro ba yan?"- tanong ni Stan.

"Spin the bottle with a twist ito!"- sagot ni Seth.

(A/N: Happy New year! Huh? New year's resolution? Haha! Wala! Alam ko naman kasing hindi ko rin matutupad, pero try ko! Malay natin diba? Haha!)

You Call it Fate, I Call it KarmaWhere stories live. Discover now