♥53. Dispute

168 6 0
                                    

{53} Dispute

AJ's POV

"Nandito ka parin?"- sabi nya sabay tanggal nya ng cardigan nya. Malamang! >_>

"Akala ko umuwi ka na?"- lumapit sya sakin.

"Magtuturo ka parin kahit konting oras na lang ang natitira sayo?"- dada parin sya ng dada.

"Oo, kaya bilisan mo na dyan at umupo ka na dito!"- sabi ko sa kanya nagcross arms ako.

"At sino ka para utusan ako? Nandito ka sa bahay k---"

"Bahay ng lolo mo!"- pinutol ko ang sasabihin nya. Naku! Inis lang talaga ako sa kanya! Kung dumating sya sa oras edi tapos na sana kami at pauwi na ako. Kawawa sa bahay ang kapatid ko! >___<

"Ganun na rin yun dahil apo nya ako!"- dagdag nya pa. Aba? Gusto mo ng diskusyon ha?

"Oo ikaw ang apo! Pero ang lolo mo ang amo ko, kaya sya ang susundin ko! Ang sabi nya, kapag oras ng tutorial natin, ako ang boss, estudyante kita kaya ako ang masusunod!"- napatayo ako sa couch at namewang. "Kaya pag sinabi kong wag kang malelate, bawal kang malate! At pag sinabi kong maupo ka dito, uupo ka!"- galit kong saad sa kanya.

"Tss... Kung alam mo lang".- hmm? Ano daw? ~___~?

"May sinasabi ka?"- tanong ko sa kanya. "Wala!"- sagot nya saka naupo sa kabilang couch, nagdekwatro at pinatong ang mga braso sa headrest.

"Oh ano na?!"- irita kong tanong sa kanya.

"What?!"- iritable din nyang tanong. Ay! Shunga!

"Mag aaral ka ng walang ballpen at notebook?! Ang husay mo namang estudyante ano?!"- sarkastiko kong saad. Tinignan nya lang ako na para bang sinasabi nyang 'anong problema mong babae ka?' Huh! Wala akong paki kung ano pang sabihin nya, basta gusto ko ng matapos to para makauwi na ako.

"Oh heto!"- binigyan ko sya ng papel at ballpen. Nakahanda na ang questionnaire ko kaya wala na syang kawala pa.

"Aanhin ko to?"- he asked. Alamang sasagutan mo! Bmath yan!"- sagot ko.

"What?! Bmath!?"- sobrang inis ang tino nya na para bang hate na hate nya ang math. Tumango lang ako at ngumiti. Tumingin ako sa orasan at exactly 7:00 na, meron na lang akong 30mins.

"You have 15mins to answer and afterwards we'll check your work".

"Ayoko nga! Vasta ayoko!"- ibinabalik nya ang papel sakin. "Hindi ka susunod? Baka gusto mong tawagan ko lolo mo?"- pananakot ko sa kanya. Marahas syang nagkamot ng ulo nya at mukhang napilitan syang sagutan ang pinapagawa ko. Naupo muna ako at kumain ng cookies with juice. Gutom na ako eh. T-T

Ilang minuto lang ay nagunat sya. "Tapos na!"- walang gana nyang saad. Kinuha ko ang papel at tinignan ko ito. And hell!? What's this!? ò_Ó!?

"Ano to?!"- mariing tanong ko sa kanya. Gawin ba namang simple math operation? Samantalang may formula para dito.

"Papel!"- sagot nya. P*ta! Pinapainit nya lalo ang uli ko

"Ang ibig kong sabihin, itong sagot mo?! Bakit ganito?!"

"Sa hindi ko alam yan eh!"- sagot nya. Sobrang nagtitimpi pa talaga ako sa lagay ko ngayon. Naku talaga! AJ... Relax lang. Kailangan mong magtimpi, kailangan mo to para sa scholarship mo AJ. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Halika nga!"- aya ko sa kanya. Naupo ako sa tabi nya at pinaliwanag ko sa kanya ang mali nya, este lahat pala mali!

"Itong problem no.1 ang formula nyan ganito... F= P(1+rt) dito naman..."- tumingin ako sa kanya at nagce-cellphone na sya.

You Call it Fate, I Call it KarmaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang