♥39.1 Exam

232 7 0
                                    

{39.1} Exam

AJ's POV

Kakatapos lang ng unang exam namin ngayong prelims. Pumunta ako sa tabi ng main library at naupo sa sementong upuan. Nagrereview ako ngayon para sa next subject.

Kanina nga pala bago ako mag umpisang sumagot bigla kong naalala yung nangyari nung linggo. Nabasa ko kasi yong salitang 'Date' kaya naman naisip ko yong mga iyon.

*Flashback*

"Anong ginagawa natin dito?"- tanong ko sa kanya. Nandito kami sa exit ng mall na tungo sa parking area. Walang gaanong taong dumadaan dito.

"Bakit mo sya kasama?"- tanong sakin ni Leigh. Nakayuko sya at sa tingin ko'y seryoso. "Totoo ba yong sabi ni Yanna?"- tumingin sya sakin. Mukhang hindi na ako makakapagsinungaling. Marahan akong tumango.

"Bakit ka sumasama sa kanya? Gangster yun diba? Hindi ka dapat nagtitiwala sa hindi mo pa gaanong kilala".- saad nya.

"Hindi ba pwedeng lumabas kami ng nililigawan ko?".- Ô_Ô bakit sya sumunod? At anong sabi nya!? Bakit nya sinabi yun kay Leigh. >___<

"Anong sabi mo?"- tumingin si Leigh sa likuran nya kung saan naroon si Ivan.

"Tama ka ng narinig. Nililigawan ko sya..."- tumingin sya sakin. "Diba Aya?"- ô___ô nastiff ako bigla, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Uh..uhm..."

"Totoo ba?"- tanong nya. Tumango ako at tinignan ko sya sa mata.

"Sige! Mauna na ko sainyo..."- paalam ni Ivan sa amin. Tinignan ko sya, nilagay nya ang lamay sa bulsa at ikinaway ang isa. "Bahala ka na kung sasabihin mo ang totoo sa kanya".- sabi nya sala sya umalis.

"Ano kasi Leigh..."- yumuko ako. "T-tinutulungan nya akong p-patigilin at palayuin si Josef".- I'm stuttering.

"Ano?"- he retorted. "Anong pumasok sa isip mo?... Alam kong hindi ka ganyan AJ, pero bakit?"

"Nagkataon lang na kailangan nya ding paghigan-- ah, kailangan nya ring paalisin si Josef sa school dahil sa personal nyang rason".-sagot ko.

"Pero hindi mo kailangang makipagtulungan sa kanya. May sarili kang paraan AJ. Hindi mo dapat sya sinamahan sa lung anu man ang nasa isip ng Ivan na yan..."- namulsa sya at umiwas sandali ng tingin. "Baka may mangyaring masama sayo. Paano kung mapahamak o masaktan ka?"- dagdag nya pa. Napahilamos sya sa mukha nya. Hinawakan nya ako sa balikat ko. "I don't want you to be hurt... Stop this AJ".- sabi nya sakin at tinignan ako sa mga mata.

"Sorry... H-hindi ko yata magagawa. May pinangakuan ako... At may pinagusapan na kami ni Ivan"- mahina kong sagot. Totoo naman eh... Pinangakuan ko si Yvonne na ako ang tatapos nito.

"Wala na nga akong magagawa. Basta, kung anu man... Nandito lang ako".- sabi nya sakin.

*End of Flashback*

"AJ".

Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa pangalan ko. Nakangiting umupo si Marianne sa tabi ko at inilapag ang mga libro nya sa mesa.

"Kumusta exam nyo kanina?"- tanong nya sakin.

"Okay lang. Kayo?"- sagot ko.

"Ayos lang. Madali lang naman eh".- madali lang talaga yun sa kanya. Matalino tong si Marianne eh. Mas matalino pa nga yata to sa akin. Simula ng maging seatmate kami sa dalawang subject eh mas naging close kami lalo at pareho kaming mahilig magbasa ng mga manga at comics. Hehe.

"Nice... Anong sunod mong exam?"- I asked her. Binubuksan nya ang libro nya. "Mmm... Bmath".- sagot nya habang sumasagot sa libro nya.

Nagpatuloy naman ako sa pagbasa ng akin. Economics ang inaaral ko ngayon.

You Call it Fate, I Call it KarmaWhere stories live. Discover now