♥60. Tosilog

163 8 0
  • Dedicated kay Shem Carable
                                    

{60} Tosilog

AJ's POV

*Yawn* \(≥O≤)/

Maaga akong gumising ngayon, kahit na medyo puyat ako kasi di ako nakatulog ng maayos. Oo komportable naman... Sobra! Kaso hindi lang talaga siguro ako sanay sa malaki at napakalambot na kama. Ni hindi ko na nga lang pina-aircon kasi di ako sanay sa malamig. Hihi. Anyway, gumising ako ng maaga para naman makapagluto ako ng agahan para sa mga McFord, wala lang naisip ko lang bumawi kahit sa ganung paraan man lang, nakakahiya kasi eh. (=з=)

Tumungo muna ako sa bathroom at naghilamos at nag toothbrush. Grabe ang mga gamit nila dito (*u*) as in! Ang gara, at ang lawak ng CR. Buong unang palapag na ito ng bahay namin eh. At pagkatapos kong gawin ang ritwal at kung anu-anong seremonya ko sa katawan pinuntahan ko sa kabilang kwarto ang kapatid ko para gisingin. Hindi na ako kumatok syempre.

"Uy Ching!"- niyuyug-yog ko sya hihi.

"Mmm"- ungol nya.

"Uy bumangon ka na nga dyan!"- sabi ko sa kanya. Hala? Naglalaway pa yata to eh.

"Huy! Puyat ka ba? Dati-rati nauuna ka pang gumising sakin ah?".- niyuyogyog ko parin sya.

"Ate!?"- bulyaw nya na parang naiinis saka sya naupo sa kama. "Pwede ba? Patulugin mo pa ako... Antok pa ako eeeh. Hindi ako agad nakatulog kagabi".- sabi nya ng medyo nakapikit pa nyang mga mata. Haha! Pareho pala kami eh.

"Ewan ko sayo! Sige na nga! Matulog ka na ulit! Ako na lang magluluto".- sabi ko ng tumayo ako. Humiga sya ulit at saka ako lumabas ng kwarto. Hay! Mabuti nga at sabado ngayon, kaya ayos lang na matulog pa si ching.

"Good morning miss AJ".- napalingon ako sa maid na bumati sakin. Nginitian ko sya habang dumadaan sa harapan ko. Ang aga naman nilang gumising? Ang sisipag ah.

"Ah ate!"- tawag ko sa kanya ng makalampas sya sakin.

"Bakit po? May kailangan po ba kayo?"- stanong nya.

"Ah wala po, tanong ko lang po sana kung saan ang kusina?"- sabi ko.

"Ah sa baba po miss AJ, papunta nga po ako doon ngayon eh. Bakit po? Nagugutom po ba kayo?"- ngek? Ano ba to si ate puro tanong eh.

"Ay, hindi! Pwede po ba akong sumama?"- sabi ko sa kanya. Nagkamot pa sya sa ulo nya at pumayag din naman. "Oh sige po".

Bumaba kami at tumungo sa kitchen, at alam nyo bang inabot pa kami ng 7mins papunta lang sa kitchen? Wow no!

"Nandito na po tayo".- sabi ni ate Ely, syempre alam ko na pangalan nya, sa pitong minutong paglalakad ba naman grabe naman kung hindi kami nagkausap, haha!

"Ang lawak!"- bulong ko.

"Opo maam!"- sabi nung isa pang maid. "Ang laki po no? Ganyan din po yung reaksyon namin nung una kaming makatuntong sa mansion ni Lord Ian.

"Hoy kayo dyan, Ely at Mia magluto na kayo ng agahan!"- narinig kong sabi nung isang maid. Sa tingin ko sya ang mayor doma dito. Iba kasi ang suot nya kumpara sa ibang mga maid.

"Ano ba kayong dalawa?! Bakit nyo hinyaang mapinta dito ang bisita? Di ba kabilin-bilinan ko na ang bisita ay hibdi maaaring---"

"Pasensya na po manang Feli, ilalabas ko na po di miss AJ".- sabi ni ate Ely.

"Uhm... Ako po si AJ".- at inihaya ko ang kamay ko ksy manang Feli. Ngumiti ako sa kanya. Napsnsin kong mukhang nagulat sya, tinignan nya ang kamay ko at ibinalik muli ang tingin sakin.

"Kilala ko na po kayo miss AJ".- sabi nya sakin pero di nya ako kinamayan. Kaya naman inabot ko ang kamay nya saka ko ito idinaop sa palad ko.

"Miss AJ, hindi po maaaring manatili kayo rito at baka mapagalitan kaming lahat ni Lord Ian".- sabi nya."Hindi po! Ako na po ang bahala kay lolo Ian".- sabi ko sa kanila.

You Call it Fate, I Call it KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon