Sinunod ko naman ulit ang sinabi sa kaniya ni Aldrich at natatawang sinuot sa mga mata ko ang panyo. Ang bango nito, hindi masakit sa ilong, halatang kay Aldrich nga dahil ganitong ganito ang amoy ng pabango niya.

"I'm done kuya Eman, tara na po." sambit ko.

Ilang minuto pa bago ko maramdamang may humawak sa palad ko. Biglang tumibok ang puso ko dahil sobrang pamilyar sa'kin ang haplos ng kamay na humawak sa'kin.

"Alam kong ikaw 'to, saan ba tayo pupunta?" tanong ko pero imbis na sagot ang matatanggap ko ay isang malabot na labi ang dinampi nito sa noo ko.

Inalalayan niya akong maglakad at limang minuto rin bago kami huminto.

"Are you ready?" bulong nito sa tenga ko.

"Kanina pa ako ready," kinakabahan kong tugon.

Maingat niya namang inalis ang panyo na nakatakip sa mga mata ko at bumungad sa'kin ang isang malaking bahay. Nanlaki ang mata ko at nalilito kung bakit kami nandito?

Hindi kaya ito 'yung sinabi niyang—

"Mamamasko ba tayo?" seryoso kong tanong kahit ang totoo'y nag bibiro lamang ako.

Tumawa naman ito sabay pisil sa pisnge ko.

"No, bakit naman tayo mamamasko sa sarili nating bahay?"

"So ito nga 'yung sinasabi mong bahay na binili mo para sa atin?" tanong ko.

"Oo, para sa magiging pamilya natin." aniya.

Tiningnan ko ulit ang bahay. Malaki ito at katulad sa mansion nila ay may garden, swimming pool at play ground din pero parang ang bigat sa loob ko pumasok dito.

"Hindi bagay sa'kin tumira sa ganito kalaking bahay tapos wala man lang akong naitulong sa mga ginastos mo dito. Alam mo ba dati, sabi ko sa sarili ko na kahit simpleng bahay lang ang maipatayo ay ayos na basta may matirhan lang ako at ng magiging pamilya ko. Hindi ko naman kasi naisip dati na isang tulad mo ang makakatuloyan ko tapos wala pang kasiguradohan." sabi ko at nakita ko kung paano kumunot ang noo niya nang marinig ang huling sinabi ko.

"Anong sabi mong walang kasiguradohan?" galit na tanong niya.

Tumawa naman ako ng mahina, "Everything in this world is unsure, you don't know what will going to happen the next day and the other day. But one thing that I'm sure, as long as I'm living, you always have me." I explained.

After he heard what I've said, he instantly grabbed my waist and come closer to him.

"In my eyes, you're beautiful and wonderful. No one is better than you because you're my queen. You are more valuable to me than an amalgamation of gold, diamond and money in this world." he uttered and I mouthed as I feel his lips on mine.

"I love you, Aldrich Guerro." I whispered between our kisses.

"I love you more, my queen." he responded.

Dumiretso kami sa mansion nila pagkatapos ipakita sa'kin ni Aldrich ang magiging future house namin 'pag kinasal na kami.

Akala ko'y sila manang lang ang maabutan kong nandito pero nagulat ako nang makita ko sina mama, papa at Kirstine kasama ang pamilya ni Aldrich sa hapagkainan.

"Nandito rin po pala kayo," usal ko kina papa, "Ano bang meron?" baling na tanong ko kay Aldrich.

"Nothing, we just invited your family to have lunch. Gusto rin nina daddy at mommy maka-usap ang family mo," aniya.

"About what?"

"I don't know, hayaan mo na. Kailangan niyo ng masanay baka mapapadalas na 'to," sagot niya sa'kin at inalalayan na akong umupo. Katabi ko si Kirstine at sa kabila ko naman uupo si Aldrich.

"Ate, ang sasarap ng pagkaing inihanda nila." bulong sa'kin ng kapatid ko.

"Oo naman, kain ka lang." tugon ko.

"Iha, napag-usapan na namin ng magulang mo na mag out of town kayo ni Aldrich sa Paris. O kahit saan niyo gusto para mas marami kayong e build na memories together. Okay lang ba sayo?" sabat na tanong sa'kin ni Tita.

"Pero wala po—" naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Tito.

"You don't need to worry about the allowance Iha, sponsor ito. Kami dapat ng Tita mo ang pupunta ng Paris pero naisip naming ibigay na lang ang opportunity na 'yon sa inyong dalawa. Gusto namin kayong mag enjoy hanggat hindi pa kayo nakakasal," paliwanag ni Tito.

Hindi ko maipaliwang ang tuwang nararamdaman ko. Ang saya kapag ganito 'yung suportang ibibigay sa pamilya ng taong mahal mo.

After 2 weeks of preparation ay hinatid na kami ni manong sa airport.

Excited na akong magtungo sa Paris lalo pa't ito ang ka-una unahang lugar na mapupuntahan ko sa ibang bansa tapos si Aldrich ulit ang kasama ko.

He's wearing his navy blue polo shirt paired with dark pants and Fila rubber shoes. And me, I'm wearing my peach dress paired with my favorite white sneakers.

"Are you excited?"

"Yes, sobra." sagot ko.

Hindi ko akalaing ganito ang magiging takbo ng buhay ko sa kabila ng pagsubok na dumating sa'kin.

"Aldrich, can I hug you?" I softly asked.

Nandito na kami sa loob ng eroplano patungong Paris.

"Anytime my love..." he said and smile

"Thank you, I love you..." I whispered.

"I love you more, my love.." bulong niya rin.

I only wanted one thing and that is to help my family. Kahit kailan ay hindi ko muna inisip pasokin ang mundo ng pag-iibigan ng dalawang tao not until I meet Aldrich. I met him again—the person who change my life and make me feel that I am worth it.

I will always be grateful to have my man, Aldrich Guerro.

The Lost Memory (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin