CHAPTER 27

190 7 0
                                    

We talked

Kina-umagahan ay nagkaroon ako ng lagnat kaya wala akong lakas tumayo. Hindi rin ako maka-sigaw at makapag-salita dahil masakit ang lalamunan ko na kahit pilitin ko pa ay parang ako lang ang makakarinig sa boses ko.

Alam kong ako rin ang may gawa nito dahil kinalabasan ito ng walang tigil ko sa pag iyak ka-gabi. Masakit pa rin para sa'kin at patuloy ko pa ring sisihin ang sarili ko.

Mukhang hindi ako makakapunta ngayon sa mansion kasi hindi ko kayang galawin ang ibang parte ng katawan ko.

"Ate? Gising ka na ba? Kain na raw po tayo," rinig kong pag-aaya sa'kin ni Kirstine sa labas ng pinto sa aking kwarto.

"P-pasok k-ka," sinikap kong magsalita at umaasang maririnig niya pero mukhang hindi kasi isang minuto pa bago siya magsalita ulit.

"Ayos ka lang ba ate? Lumabas ka na po, nag-hihintay na kami nina mama at papa sayo," aniya pero lumuha lang ako dahil sa sobrang init na bumabalot sa buong katawan ko.

Dahil sa hindi ako sumagot ay narinig ko na lang ang pinto na unti-unting bumubukas hanggang sa makita ko na si Kirstine.

Hindi pa niya ako nakita dahil nakatalikod pa siya at sinara niya muna ang pinto habang nagsasalita.

"Pasensya na ate kung pumasok na—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil gulat siyang makita akong sobrang putla.

"A-te, bakit ang putla putla mo?" gulat na gulat niyang tanong at bakas ang pag-aalala. Nagmamadali siyang lumapit sa'kin para haplosin ang noo at mukha ko, "Grabe ate, ang taas ng lagnat mo. Mukhang kailangan ka ng dahil sa hospital," puna nito at hindi mapakaling palipat lipat ng tingin sa akin at sa katawan ko.

Unti unti akong umiling dahil ayaw kong bumalik ulit sa hospital dahil galing na ako roon kahapon at ayaw kong gagastos pa sila sa'kin dahil pwedi naman akong magpahinga na lang at uminom ng gamot.

"H-hindi n-na, d-dito na lang a-ko, m-magpapahinga... k-kaya ko pa n-naman." pinilit ko ulit magsalita kahit sobrang hina ng boses ko pero alam ko namang naiintidihan iyon ni Kirstine.

"Pero ate, baka mapano ka? Sandali nga lang, tatawagin ko muna sina mama at papa," aniya at agad na umalis sa tabi ko.

Nagmamadali ring lumapit sa'kin si mama para hawakan ako at si papa naman ay inalalayan ni Kirstine papalapit sa'kin at mahinhin ding hinaplos ang kamay at noo ko.

Ang mga mata at mukha nila ay sobrang nag-aalala sa kalagayan ko.

"Ang taas ng lagnat mo at sobrang putla mo na anak. Hindi pweding dito ka lang sa bahay, dadalhin ka namin sa hospital ngayon din." sambit ni mama at parang naiiyak na.

"H-huwag n-na ma, d-dito na l-lang a-ako sa b-bahay, iinom ng g-gamot..." giit ko pero hindi sila sang ayon sa nais ko.

"Makinig ka sa amin kahit ngayon lang Charmaine, kalagayan mo lang ang iniisip namin ng mama mo. Dadalhin ka namin sa hospital para matingnan ka ng Doctor sa ayaw at sa gusto mo!" galit na sabat ni papa pero alam kong nag-aalala lang siya.

Wala na akong nagawa kundi sundin sila. Inalalayan ako ni mama tumayo at maglakad. Nakahanap agad si Kirstine ng masasakyan kaya sumakay na kaming lahat para magtungo sa hospital.

Nawalan ako ng malay nang makarating na kami ng hospital, hindi ko man lang nasabi sa kanila na huwag sabihin kay Aldrich na may sakit ako.

Malaya akong nagising at puting kisame ang una kong nakita na nagpapa-hiwatig na nasa hospital ako.

Naramdaman ko ang isang pamilyar na kamay at mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ko. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya at napaluha ako nang makita ko si Ben. Nakangiti siya ng malawak tulad ng ngiti 'nong una kaming nagkita.

The Lost Memory (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن