CHAPTER 28

207 7 0
                                    

We meet again

Sinamahan ko si manang buong oras sa mansion hanggang sa dumating na sina Aldrich, Mia at kuya Eman. Ang mga mukha nila ay hindi maipinta lalo na kay Mia, namamaga ang mga mata nito na parang kakatapos lang umiyak.

Napatayo ako sa aking kina-uupuan nang magtama ang paningin namin ni Aldrich at nagulat ito nang makita niya ako. Nagmamadali siyang lumapit sa'kin habang ang mukha niya'y nababalot ng pag-aalala.

"How are you?" he asked softly, "I'm sorry, hindi kita nabantayan at hinintay gumaling. May pinuntahan lang kami—"

"Alam ko, sinabi sa'kin ni manang na pumunta kayo ng Palawan." pagpuputol ko sa sasabihin niya, "Ayos na ako at kahapon lang ako naka labas ng hospital. Gusto ko lang malaman kung bakit kayo pumunta roon? At kung bakit ganiyan ang mga itsura ninyo? May nangyari ba?" kuryos kong tanong at unti-unti siyang napayuko.

"Aldrich," bulong ko sa pangalan niya, "Ano bang nangyari?" mahinahon kong tanong.

Matagal pa bago niya ako sagotin, pinilit kong kumalma kasi kinakabahan na ako dahil sa mga itsura nila pero hindi ko mapigilang mag-alala hanggang sa marinig ko ang sagot niya.

"Pinuntahan namin si Ben," aniya.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin na ikina-durog ng puso ko.

"He's dead..." puna nito.

"A-anong s-sabi mo? Nagbibiro ka ba? Bakit naman siya n-namatay e sabi niya babalik siya, 'di ba?" hindi makapaniwala kong tanong.

Hindi ko gustong paniwalaan dahil baka prank lang 'to at isusupresa lang ako ni Ben sa pag-uwi niya pero nawalan ako ng pag-asa nang marinig ko ang mga salitang masakit tanggapin.

"Sabi ng mama niya ay pumalaot daw si Ben mag-isa kahit gabi na kasi gusto raw nitong mag aliw sa gitna ng dagat. Hindi ito umuwi, akala nila ay pumunta ito sa kaibigan kaya hindi na nila hinanap hanggang sa ibinalita na lang sa kanila kina-umagahan na natagpuan ang bangkay ni Ben na nalunod sa dagat at wala ng buhay." paliwanag na singit ni Mia.

Nanginginig ako at napaluhod sa kinatatayuan ko. Nag-uumpisa na ring nagsisilabasan ang mga luha ko.

Ka-agad naman akong inalalayan ni Aldrich at Mia pero bumitaw ako sa pagkakahawak nila. Wala ako sa sariling naglakad palabas ng mansion para pumunta sa hardin at humagulgol ng iyak.

Ang sakit. Ang sakit mawalan ng tinuturing mong kaibigan kahit sa loob lang ng maikling panahon.

Kaya ba napanaginipan ko siya ka-gabi dahil pamamaalam niya na iyon sa akin?

Sa ganoong paraan siya magpapa-alam? Ang sakit. Hindi ko man lang siya nayakap. Hindi man lang ako nakahingi ng kapatawaran.

Alam kong masaya siya ngayon tulad ng sinabi niya sa panaginip ko kasi makakasama niya na ang magulang niya pero bakit ang hirap tanggapin?

Sana man lang nabigyan ako ng pagkakataon makabawi sa kaniya kasi puro sakit lang ang naidulot ko sa buhay niya.

"Patawad Ben, patawarin mo ako. Kung nasaan ka man ngayon, sana naririnig mo ako. Sana mapatawad mo ako. Ipagdadasal kita Ben at gusto kong magpasalamat sayo. Lahat ng sinabi mo sa'kin kahapon sa panaginip ko ay hindi ko malilimot. Sana masaya ka na kasi kasama mo na ang mga magulang mo at si God. Bantayan mo ako lagi ah, mamimiss kita. Napakabuti mong kaibigan Ben at hindi kita makakalimotan." sabi ko habang nakatanaw sa langit.

Naramdaman kong may yumakap sa'kin sa likuran ko at alam kong si Ben ito.

"Pupunta tayo bukas sa kanila, sinabi ko na sa magulang niya na dadalaw tayo at magbibigay tayo ng tulong. Tahan na," bulong ni Aldrich sa'kin at humarap naman ako sa kaniya para yakapin siya at nagpatuloy sa pag-iyak habang hinahaplos niya ang likod ko.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now