CHAPTER 5

282 10 0
                                    

See you, Cebu!

I can't believe that Sir Aldrich was here. I feel like I'm dreaming while I'm awake because it was unexpected. How come that this moment will happened?

"How are you?" he asked while standing near to me.

Umayos ako ng pagkakasandal at naiilang na tumingin sa kaniya. Kami lang dalawa sa kwarto ko dahil nasa labas sina papa at Sir Junnie. Iniwan na muna nila kami.

"Sa tingin niyo po, kamusta ako?" sinadya ko talaga maging sarcastic. Bakit ba kasi 'yan lagi ang tinatanong kapag may sakit o napahamak ang isang tao? Tatanongin agad kung kamusta kahit sobrang obvious namang hindi at kasali na ako ron.

Gusto ko pang matawa sa naiisip ko ngayon lalo na't nakita ko siyang napikon sa tanong ko. Sorry Sir Aldrich, I'm just kidding.

"I think you're not fine because you have a mental disorder. You're crazy," he mumbled.

Ano raw? Baliw ako? Banatan ko nga 'to.

"Yes Sir, I'm crazy for y— I mean, no Sir, I'm not crazy. Kayo naman kasi Sir, 'di mabiro. Ayos lang ako at nagpapagaling naman po ako." hindi ko natuloy dahil seryoso siyang nakatingin sa'kin habang nakasuot ang kanang kamay niya sa kanyang bulsa.

Ayaw ko ring maniwala siya baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya at lalaki lalo ang ulo niya.

"Don't expect too much and assume that I want to see you. I'm here because I have something to tell you. You need to be fine as soon as possible," aniya at para akong sinampal sa katotohanan. Oo nga naman, bakit nga naman niya ako gustong makita? Tama, nandito siya dahil may sasabihin siya sa'kin. Nandito siya dahil boss ko siya at may importante siyang sadya sa'kin. Hindi dapat ako mag assume, hindi dapat ako mag expect. Ang daddy lang naman niya ang nagsabi sa'kin na gusto niya akong makita.

Rule #1. Don't expect too much, it hurts.

"Bakit po pala Sir Aldrich?" tanong ko at hilaw na ngumiti.

"I accepted my Dad's request. I will go Cebu for 5 days," biglang nawala ang panghihinayang ko kanina dahil sa sinabi niya. So it means na napapayag ko na siya? Nagawa ko ang favor sa'kin ni Sir Junnie? Omg, I'm so happy.

"Talaga po Sir? Mabuti naman po't pumayag na kayo. Huwag po kayong mag alala, magpapagaling ako agad dahil ako ang mag aayos ng mga gamit na kakailanganin mo." wika ko't malapad na ngumiti dahil sa tuwa kahit nakakainis ang poker face na mukha niya.

"But, I have condition. I didn't accepted that request without condition," giit niya kaya kuryos akong tumingin sa kaniya.

"Ano naman pong condition niyo?" tanong ko. Tinitigan niya pa ako bago sumagot.

"Accompany me on Cebu. I'll go Cebu with you for 5 days. Clear?" may awtoridad ang tono ng pagkakasabi niya at napalunok ako nang wala sa oras.

Sasamahan ko siya sa Cebu sa loob ng limang araw? Alam kong sinabi ko sa kaniya na pangarap kong makapunta sa Cebu pero ang layo ng lugar na 'yon tapos limang araw ako mawawalay sa pamilya ko pag sumama ako sa kaniya. Wala naman sa usapan na isasama ako dahil may iba namang mag aasikaso sa kaniya doon pero bakit niya pa ako gustong makasama? Parang may topak naman 'to si Sir Aldrich.

"T-teka Sir, parang hindi po ako papayag d'yan. P-pwedi po bang hindi na lang ako sasama?" malungkot na tanong ko.

"I'm your boss, remember?" bakas sa mukha niya na hindi na magbabago ang isip niya.

"P-pero Sir naman, limang araw po ako mawawalay sa pamilya ko. Huwag na lang po ako, may mag aasikaso naman po sayo roon e. Hindi mo na ako kakailanganin," pagsusumamo ko pero parang wala siyang paki alam.

The Lost Memory (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu