CHAPTER 6

250 10 0
                                    

First Day

It cost 1 hour and 30 minutes flight time when we arrived here in Cebu. It's almost 9pm pero hindi pa rin dumarating ang susundo sa amin dito sa labas ng Airport. Naiinip na rin 'tong kasama ko dahil halatang inaantok na.

Pareho kaming nakatayo rito sa labas pero balot kami ng katahimikan dahil hindi ako kinaka usap ni Sir Aldrich. Ayaw ko rin siyang kausapin dahil alam kong hindi niya ako papansinin.

Tatlong beses ko nang tinawagan ang susundo sa amin at sabi nito'y malapit na siya kaya wala kaming ibang gagawin kundi ang maghintay na lang.

"Can I ask Sir if saang hotel tayo tutuloy?" naisip kong itanong ito dahil hindi niya nabanggit sa'kin.

Walang emosyon siyang lumingon sa'kin. Hindi niya ako sinagot pero binigay niya sa'kin ang phone niya at nakita ko roon ang binooked niyang hotel dito sa Cebu.

Waterfront Cebu City Hotel & Casino

Nabasa ko ring malapit lang ito sa Airport and it will cost 30 minutes to arrive there.

"Thankyou po," wika ko at agad na binalik sa kaniya ang phone niya.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya sa'kin kanina na isang king size bed lang ang tutulogan namin. Hindi ko maiwasang mangamba dahil babae ako at lalaki siya kasi kahit pa Personal Assistant niya lang ako ay hindi malabong may pweding mangyari.

Dumating na rin 'yong susundo sa amin at tinulongan kami ni kuya na ilagay ang mga gamit sa loob ng sasakyan.

Hinintay kong sumakay na si Sir Aldrich pero nakatingin lang siya sa'kin.

"Mauna na po kayong sumakay Sir Aldrich," sambit ko. Hilaw akong ngumiti habang hinihintay siyang pumasok pero ginalaw niya 'yong ulo niya at sinasabi nito na pumasok na ako.

"Kayo po dapat ang mauna Sir, ako na ang magsasara ng pinto." giit ko at hinawakan ng maigi ang pinto ng sasakyan.

"No, go inside. Ladies first," aniya. Gusto ko pang matawa dahil napaka gentleman niya naman ngayon. Nakakapanibago tuloy.

Hindi na ako nagmatigas at pumasok na ako sa loob. Inayos ko ang aking pagkakaupo, naramdaman ko ring tumabi na sa'kin si Sir Aldrich at sinara ang pinto ng sasakyan.

Ilang segundo na pero hindi pa rin pinaandar ni kuya ang sasakyan. Mukhang may hinihintay siya, sumulyap ako kay Sir Aldrich at kunot noo siyang tumingin sa harap.

"Kuya, may hinihintay pa po ba tayo?" tanong ko. Nahihiya siyang tumingin sa amin at umiling.

"Pasensya na po Ma'am, hinintay ko lang po 'yong signal na ihahatid ko na kayo." aniya at agad na pinaandar ang sasakyan.

Iaantok na ako ng sobra kaya panay ang pikit ko habang naglalakad kami papasok ng hotel. Ang mga staffs na rin ng hotel ang nagbitbit ng mga gamit namin.

May biglang humablot sa braso ko at niyakap ito sa kaniya. Mulat na mulat ako dahil sa gulat lalo na't si Sir Aldrich pala ang humablot sa'kin. Nanatili akong nakayakap sa kaniya at ginawi ang mata ko sa gilid at nakita kong may dumaan na dalawang staffs ng hotel na may bitbit na malaking cartoon. Kung hindi ako hinalbot ni Sir Aldrich ay talagang magbabanggaan kami 'nong isang staff dahil nakapikit akong naglalakad at nakatalikod naman si kuya.

"Don't close your eyes while walking, you'll make a mess." inis na wika ni Sir Aldrich pagkatapos niya akong bitawan sa braso ko.

Parang nawala tuloy ang pagkaka antok ko dahil sa nangyari. Nagpatuloy na sa paglalakad si Sir Aldrich at sumunod naman ako sa kaniya.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now