CHAPTER 11

231 8 0
                                    

Last Day

Huling araw na namin ngayon dito sa Cebu kaya inayos ko na ang mga gamit ko sa loob ng maleta. Si Sir Aldrich naman ay tapos na siyang mag ayos kagabi dahil tinulongan siya ni Chesca mag impake ng mga gamit niya at hindi na ako nakisali kasi na una na akong natulog.

Madaling araw rin silang umalis kanina ni Chesca dahil uuwi sila ng maaga ngayon. Sa tingin ko nga ay mukhang uuwi na sila maya maya kasi 10am na at nang umalis sila kanina ay mga around 4am. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang sinabi ni Sir Aldrich kanina bago sila umalis.

Hindi na rin ako tinatawagan ni Sir Junnie kasi kay Chesca na niya kinakamusta si Sir Aldrich. Pakiramdam ko nga ay sobrang malapit ang loob ni Sir Junnie kay Chesca.

Mas lalo ko nang tinatanggap na hindi ko dapat isugal ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Napatayo ako sa pagkaka upo sa kama nang may biglang kumatok sa pinto.

Buong akala ko ay sina Sir Aldrich at Chesca ang dumating ngunit isang lalaki na nakasuot ng uniform at uniform ito nang nagtatrabaho dito sa hotel.

Malapad siyang ngumiti sa'kin samantalang ako'y naiilang at nagtatakang tumingin sa kaniya. Wala siyang dalang kahit ano kaya wala akong ideya kung ano ang sadya niya rito, baka naligaw o nagkamali lang siya nang pinuntahang room.

"Goodmorning po, kayo po ba si Miss Charmaine?" nakangiti niyang tanong at diretso akong tumango.

"Opo, ako nga po. Bakit po?"

"Sumama ka po sa amin ma'am, may nagpapasundo po sa inyo." aniya.

"H-ha? Sino naman?" kuryos kong tanong.

"Binilin niya po sa'kin na hindi ko po sasabihin sa inyo kung sino siya. Huwag po kayong mag alala dahil sigurado po akong kilala niyo siya," sagot niya sa'kin at nanatili pa rin ang malapad na ngiti nito.

Sino naman kaya ang nagpapasundo sa'kin? Ang unang pumasok sa isip ko ay si Sir Aldrich o kaya si Chesca kasi silang dalawa lang naman ang nakakakilala sa'kin dito. Pero kung nasa kanilang dalawa, bakit kailangan pa akong ipasundo? Hindi pa naman ako tapos sa pagliligpit ng mga gamit ko.

"Sandali lang po kuya ah," usal ko at bumalik sa mga gamit kong nakakalat. Naghanap ako ng jacket dahil naka spaghetti strap lang ako at medyo malamig pa naman dahil parang uulan.

Pagkatapos kong suotin ang jacket ko ay agad akong lumabas.

"Tara na po kuya," tipid akong ngumiti samantalang siya ay sobrang lapad ang ngiti sa'kin. Para siyang endorser ng toothpaste dahil ang puti at ang ganda ng mga ngipin niyo.

Habang naglalakad kami ay lagi akong naka una sa kaniya.

"Saan po ba tayo pupunta?" saad kong tanong dahil nakakalahati na kami ng dinaanan.

"Malapit na po tayo ma'am, maglakad lang po kayo ng maglakad." agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Maglakad lang ako ng magkalad? E hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.

"Kuya, pwedi po bang sabay na tayo maglakad? Baka magkamali ako ng dadaanan e," sambit kong tanong pero agad siyang umiling.

"Hindi po pwedi ma'am e, sabi po kasi sa'kin no'ng nagpapasundo sa inyo na hindi dapat ako tatabi sayo at hindi ko rin kayo pweding hawakan. Pero huwag po kayong mag alala dahil itatama ko naman po kayo 'pag nagkamali kayo ng dinaanan," medyo natawa pa siya ng sabihin ang mga iyon.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at mukhang alam ko na kung sino ang nagpasundo sa'kin.

Nakarating kami sa isang vacant place. Wala akong nakikitang ibang tao kundi kami lang ni kuya.

The Lost Memory (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz