CHAPTER 12

215 8 0
                                    

Confused

Mabilis akong naglakad pabalik sa hotel pero panay din ang pagsunod sa'kin nang lalaking 'to.

"Ang bilis niyo naman pong maglakad ma'am," pabiro niyang sambit. Hinarap ko siya at nagkibit balikat. Hindi ko alam kung anong klaseng staff to si kuya, kung bakit sobrang friendly niya naman yata sa mga guest nila rito.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" nagtataka kong tanong. Walang emosyon ko siyang tinignan at hindi ako nagpakita ng masama o naiinis na ekspresyon.

"Gusto ko lang masiguradong okay ka," saad niya. I glared at him, iniisip ko kung paano niya nasasabi 'to sa'kin? Tinignan ko ng mabuti ang kabuuan ng mukha niya. May itsura siya at mapapansin mo agad na masiyahin siyang tao. Mas nakaka agaw pansin din sa kaniya ang kaniyang pagka moreno.

"Inoobserbahan mo ang mukha ko 'no?" puna niyang tanong dahil hindi ako nakaimik nang pinagmasdan ko ang mukha niya.

"Huwag mo na nga po akong sundan, gusto ko munang mapag isa ngayon. Wala na rin po kayong kailangan sa'kin kuya," wika ko at naglakad muli pero hindi niya pa rin ako tinantanan.

"Bago muna kita tantanan ay pwedi ba kitang maka usap? Kahit sandali lang," paki usap niya. Mas lalo tuloy akong nagugulohan sa inaakto niya sa'kin. Huminga ako ng maluwag at pinagbigyan siya sa kaniyang nais.

"I only give you 5 minutes," sabi ko. Wala naman siguro siyang sasabihin sa'kin na hahaba pa sa five minutes dahil wala rin akong gana makipag usap ngayon sa kahit sino. Pinagbigyan ko lang 'to dahil ang kulit.

Napalunok muna siya bago sinimulan ang sasabihin niya sa'kin.

"Una ay gusto kitang puriin na ang bait mo at hindi ka lang mabait, maganda ka rin." hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Kakausapin niya raw ako pero papuri ang sinasabi niya.

Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong sasabihin. Ayaw ko rin magpasalamat dahil baka binobola lang ako nito.

"Pangalawa, gusto kong malaman mo na gusto kitang makilala. Gusto kong malaman kung anong pangalan mo at kung saan ka sa Manila? I want to know every details about you ma'am, pwedi po ba?" hindi ko napigilang tignan siya ng masama dahil sa pinagsasabi niya. Hindi pa nga ako naka move on sa ginawa ni Sir Aldrich, dumagdag pa 'to.

"At bakit mo naman po gustong malaman?" kuryos kong tanong. Imbis na sagotin niya ako ay tinawanan niya lang ako. Parang may topak naman 'to.

"Anong pong nakakatawa?" pigil inis kong tanong.

"Huwag niyo po sanang masamain ang aking pagtawa ma'am pero gusto ko pong malaman niyo na kinikilig lang po ako." aniya. Ano raw? Kinikilig siya?

"H-ha? Nababaliw ka na ba? Sorry pero kung naghahanap ka ng katuwaan mo, pweding huwag ako?" paki usap ko dahil wala akong gana makipagkatuwaan sa kaniya. Hindi mawala ang tingin niya sa'kin, mapupungay pa rin ang mga mata nito habang tinitignan ako.

"Maybe—you can't believe this ma'am pero maniniwala po ba kayo kung sasabihin kong na love at first sight ako sa inyo? Una po kitang nakita 'nong natutulog po kayo habang naglalakad, mababangga po sana kayo ng kasamahan ko 'non pero mabuti na lang at sinagip ka n'ong lalaking kasama mo na nag utos sa'kin na sundoin kayo kanina. Akala ko po n'ong una ay boyfriend niyo siya pero narinig kita one time na tinawag mo siyang Sir. Nang malaman kong boss mo pala siya ay nabuhayan ako ng pag asa. Pero mukhang gusto ka rin niya," hindi ako makaimik dahil nagulat ako sa mga pinagsasabi niya sa'kin.

Parang gusto nang sumabog ng utak ko. I am confused. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi nila. Sir Aldrich and this guy are implausible.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now