CHAPTER 26

186 8 0
                                    

It's my fault

"Why are you crying? I'm so worried about you Charmaine. Mabuti na lang at maayos ka naman daw sabi ng Doctor, hinintay ka na lang namin magising." bakas ang pag aalala sa mukha nito, lumingon ako sa lalaking nakatayo malapit sa pintoan, kasama niya pa rin pala si kuya Eman.

"Anong oras na? Bakit gan'yan pa rin ang mga suot ninyo? Hindi pa ba kayo umuwi ng mansion? Alam ba ng pamilya ko na nandito ako sa hospital?" sunod sunod kong tanong habang ang mga luha ko ay nanatili pa ring umaagos sa gilid ng mga mata ko.

"Sshh, calm down okay? It's 5pm and yes, hindi pa rin kami umuwi ni kuya Eman mula ka-gabi nang maisugod ka namin dito. Hindi namin pina-alam sa kanila dahil baka mag alala sila kaya sinabi ko na lang na may pinuntahan pa tayo." tugon nito sabay halik sa noo ko, "Stop crying, everything will be okay." he added.

"Naalala ko na ang mga nawalang alaala sa'kin noon Aldrich, naalala ko na ang nakaraan ko kasama ka," wika ko at ang nag aalala niyang mukha ay napalitan ng tuwa.

Naalala ko na rin ang pagsabog ng isang sasakyan at ang mga taong namatay sa loob ng dahil sa katangahan ko.

"Tama ba ang narinig ko? Bumalik na ang alaala mo?" natutuwa niyang tanong at pa-lihim naman akong tumango.

Hindi ko muna sinabi sa kaniya ang tungkol sa aksidente dahil hindi ko pa handang sabihin at i-kuwento sa kaniya.

"Pwedi na ba akong umuwi? Kapag pwedi na, ihatid mo ako agad sa amin dahil gusto ko ng makita sina mama at papa, pati na rin ang kapatid ko. Miss ko na sila," paki-usap ko at tumango naman ito.

Nang makalabas na kami ng hospital ay diretso akong hinatid nina kuya Eman at Aldrich sa bahay tulad ng paki-usap ko kanina pero pina-uwi ko rin sila agad dahil kailangan na nilang magpahinga, mukhang wala silang sapat na tulog sa pag babantay sa akin sa hospital.

"Charmaine, anak? Mabuti naman at naka uwi ka na, namiss ka namin ng mama at kapatid mo." natutuwang sambit ni papa nang makita niya ako. Naka-upo siya sa sala habang nanonood ng TV, lumapit ako para mag-mano at umupo rin sa tabi niya.

"Magandang gabi pa, namiss ko rin po kayo. Si mama po at Kirstine? Nasaan?" tanong ko at nilibot ang paningin sa loob ng bahay.

"Umalis muna sila para bumili ng uulamin, tamang tama kasi nandito kana, namiss ka naming kasabay sa hapagkainan." sagot ni papa at napangiti naman ako.

"Kamusta ang naging lakad niyo ni Aldrich? Nag enjoy ka ba?" dagdag na tanong ni papa.

"Opo, sobra po akong nag enjoy. Nga po pala pa, may ibabalita ako sa inyo pero mamaya ko na lang sasabihin kapag kompleto na tayong apat nina mama at Kirstine." sambit ko at sabay naming hinintay ni papa ang pag uwi nilang dalawa.

Hindi kami naghintay ng matagal dahil maya maya ay dumating na rin sina mama at Kirstine at sinalubongan ko naman sila ng yakap.

"Sabi ko nga ba't nandito ka na ate, tamang tama kasi marami ang binili namin ni mama." wika ni Kirstine habang nakakapit sa bewang ko. Lumingon ako kay mama at bakas ang ngiti sa mukha nito.

"O siya Kirstine, pag pahingahin mo muna ang ate mo. Tulongan mo ako dito para makakain na tayo," saad ni mama. Inalis ni Kirstine ang kamay niya sa bewang ko at ka-agad na nagtungo sa kusina.

Sumunod ako para tumulong din pero hindi ako pinayagan ni mama kasi magpahinga raw muna ako at kaya na nila. Hindi na ako nag matigas at sinamahan na lang si papa manood ng TV.

Pero habang nakaharap ako sa TV ay nakatulala lamang ako. Ang bigat pa rin ng loob ko at ano mang oras ay parang gusto ko ng umiyak.

"Pwedi mo 'yang ilabas kung gusto mo, handa akong makinig anak. May problema ba?" bigla akong naluha nang marinig ko ang tanong ni papa. Nagmamadali naman itong yakapin ako.

The Lost Memory (Completed)Where stories live. Discover now