CHAPTER 2

309 12 2
                                    

His Chuckles

"Kamusta ka naman anak?" salubong na tanong ni papa sa'kin nang maka uwi na ako ng bahay.

"Ayos lang naman po," sagot ko. Kumuha muna ako ng baso para lagyan ng tubig dahil nauuhaw ako, inangat ko ng konti ang paningin sa kisame bago ininom ang tubig na nasa basong hawak ko.

"Mabuti at maayos ka, alam kong hindi ka pababayaan at pagmamalupitan ng pamilyang Guerro." wika ni papa kaya agad ko siyang nilingon. Humarap ako sa kaniya at unti unting lumapit para yakapin siya.

Si papa ang lakas ko sa lahat ng bagay. Siya ang inspirasyon ko kasi gusto ko gumaling na agad siya.

"Ayos ka lang ba anak?" nag aalalang tanong ni papa sabay haplos sa aking buhok. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kaniya.

Tumango naman ako bilang tugon, ayaw ko munang magsalita.

"Ate, nandito ka na pala." bungad ng kapatid ko nang pumasok siya sa loob ng bahay.

Kumawala agad ako sa yakap ko kay papa at humarap kay Kirstine, "Saan ka galing? Bakit mo iniwan dito si papa ng mag isa? Akala ko'y nasa loob ka ng kwarto mo." napataas ang aking boses sa tanong ko.

"S-sorry po ate, nag paalam naman po ako kay papa na pupunta muna ako saglit sa tindahan para bumili ng bond paper kasi n-naubosan po ako." tinignan ko naman ang hawak niyang bond paper.

"Huwag mo ng pagalitan ang kapatid mo, nag paalam naman siya sa'kin eh." sabat ni papa sabay hawak sa braso ko.

"Sa susunod ay hindi ka aalis kapag walang mag babantay kay papa. Si mama pala, nasaan?"

"Umalis po siya kanina at pumunta sa bahay ni Aling Marry," nakonsensya agad ako sa aking nasabi. Dala lang naman iyon ng aking emosyon.

"Pasensya na Kirstine, hindi ako galit. Medyo pagod lang ako," sabi ko at lumapit sa kaniya para yakapin siya.

"Okay lang po ate, may mali rin naman po ako. Naiintidihan ko po," aniya at niyakap rin ako ng mahigpit.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng mansion. May schedule si Sir Aldrich sa isang event na invited siya together with his parents pero hindi sila sasabay pupunta roon.

Six o'clock am pa lang ng umaga kaya siguradong tulog pa ang mga amo ko. Nagtungo ako ng kusina para tignan kung may nagluluto na ba ng agahan nila at nakita ko naman 'yong isang kasambahay nila na s'yang laging nag aasikaso ng pagkain.

"Manang, tulongan na po kita." giit ko habang hinain na niya ang mga nilagang itlog sa mainit na tubig.

Lagi raw request ni Madam Retchel ang nilagang itlog dahil hindi ito nakakataba at pwedi ito sa diet. Ako na ang nag prisentang mag ayos ng loaf bread sa lagayan. May nakahain na ring tocino, fried meat at half-cook green veges.

Inaayos ko ang mga plato sa mesa nang maramdaman kong bumaba na pala sina Madam Retchel at Sir Junnie.

"Goodmorning po Ma'am, Sir." I bowed my head, "Kain na po kayo," sambit ko at nagtaka akong ngumiti sila ng malapad sa'kin.

"Ikaw ang naghanda nito?" nakangiting tanong ni Madam Retchel at agad akong umiling.

"Nako hindi po, si Manang pa rin po ang naghanda, tinulongan ko lang po siya." mahinahon kong sagot.

"Hindi mo naman kailangan na gawin 'to pero salamat at tinulongan mo si Manang," sabat ni Sir Junnie sabay kagat ng fried meat na paborito niya.

"Hindi naman po nakakapagod kaya ayos lang po, wala rin naman po akong ginagawa dahil napaaga ang dating ko." usal ko at hilaw na ngumiti.

The Lost Memory (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن