II - Pagsalin Ng Mahika

752 53 3
                                    

Kinabukasan...

"Kamusta ka nay?" Tanong ni Estong sa asawa.

"Ayos naman na ako tay. Alam mo ba, ang bait ng anak ko. Hindi nya kasi ako pinuyat. Hehehe..." Sagot ni Merla sabay tawa.

Totoo yon. Hindi nga namuyat ang bata. Tuwing umiingit ito ay nakahanda na kasi ang suso nya para ito ay padedein. At ayun, konting supsop lang ay makakatulog na ulit ito.

At dalawang beses nya lang itong pinalitan ng lampin kaninang madaling araw. Ngayong umaga na yung pangatlo.

"Anak mo lang?" Tanong naman ni Estong.

"Haha... Syempre pag mabaet, anak ko. Pag nagmaldita at nagpasaway, eh anak mu na yun no!" Pagbibiro nya.

"Ay ganun pala yon. Hahaha... O sya sya, tara ng mag-almusal. Nagluto ako ng sopas eh." Nakangiting aya ni Estong.

Matapos nyang lapitan ang anak ay kinarga na nya ito.

"Kaya mo na bang tumungo ng kusina? O dadalhan na lang kita dito ng pagkain mo?" Tanong nya.

"Kaya ko naman na." Sagot naman ni Merla. At nakatayo na nga sya.

May iniinda pa rin naman syang sakit sa kanyang kaangkinan pero hindi naman na iyon ganun kalala.

Para na nga syang dalawang linggo ng nakapanganak eh. At dahil iyon sa tulong ni Greta.

Ang mabait na mangkukulam ang dahilan kung bakit sya nagkaron ng karagdagang lakas. Pati ang sugat nya ay ito ang gumamot.

"Aba anak! Pinaglihi ka ba sa mantika? Panay ang tulog mo ah. Hindi pa tayo nakakapag-usap mula nung lumabas ka. Aba'y gising gising din naman dyan ano. Gusto ko rin namang makitang nakamulat ka!" Sabi ni Estong sabay halik sa pisngi ng bata.

Pero bagama't pinanggigilan na nya iyon ay hindi pa rin iyon nagising. Tulog na tulog pa rin talaga iyon.

Paglabas nila ng kwarto ay dumerecho na sya sa kunang kahoy na nakapwesto sa sala.

Sya mismo ang gumawa niyon. Apat na buwan pa lang ang tiyan ni Merla nung simulan nya iyong gawin. Pinaganda nya iyon at binarnisan pa.

Medyo malaki rin ang sukat niyon. Makakapagpraktis talaga sa paglalakad ang anak kapag medyo nakakahakbang na ito.

At kahit umabot pa ito ng dalawang taon ay kakasya pa rin ang higaang iyon dito.

"Dito ka muna anak ha. Pagtapos ni nanay mag-almusal ilalabas ka nya sa beranda para mapaarawan ka." Sabi nya.

Matapos nyang ilapag ang bata ay tumungo naman sya sa kusina.

Pagdating nya doon ay may nakahanda ng dalawang mangkok na sopas sa lamesa.

"Tara tay kain na tayo." Nakangiting aya ni Merla.

At sabay nga silang nag-almusal.

..........

Samantala sa sala...

Ang natutulog na bata ay bigla na lamang nagising.

Pero hindi ito umiyak. Basta nagmulat lang ito ng mga mata.

"Pasensya ka na sa abala. Hindi ko intensyong gambalain ang iyong pamamahinga. Sumadya ako dito sapagkat ito lamang ang tamang oras upang ika'y aking puntahan."

Usal ni Greta na kasalukuyang nakatayo ngayon sa tabi ng kuna.

Abala kasi si Alberto ngayon sa pagkakalat ng lagim sa kung saan-saan. Sinamantala nyang wala ito kaya pinuntahan na nya ang sugo.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now