VI - Magic

642 44 0
                                    

At ang unang pagkikita at pagtatagpo nilang iyon ay nasundan pa.

Tinotoo kasi ni Merla ang sinabing babalik ito kinabukasan pagkatapos ng klase nito.

At naging araw-araw na iyon.

Hanggang Biyernes, kung kelan ang huling pasok nito sa eskwelahan.

At dahil madalas na silang nagkikita, napalapit ng husto ang loob nila sa isa't isa.

Wala naman silang ginagawa sa tuwing sila'y nagkikita kundi ang magkuwentuhan lang ng kung anu-ano habang sila ay kumakain.

At dahil alam ni Greta ang mga paborito ng bata, iyon palagi ang inihahain nya.

Kaya ayun, nawili tuloy ng husto si Merla sa kakapunta sa babaeng binansagang salot ng bayan nila.

Pero para sa kanya, hindi iyon totoo. Sya mismo ang pagpapatunay niyon.

At para sa kanya---

Isa itong the best na kaibigan slash nanay.

Nasubukan na rin nga nyang samahan ito sa pagpapakain ng mga hayup na pagala-gala sa kanilang baryo.

At dahil uso na ngaang tsismis, nakarating agad iyon sa kanyang inang.

Kaya pag-uwi nya ng bahay---

"Anak naman... Hindi ka ba natatakot sa babaeng yon? Kalat na kalat na dito sa baryo natin ang mga ginagawa nya. Bakit nagsasasama ka pa doon?" Malungkot at nadidismayang sambit ni Guada habang sya ay pinapagalitan.

"Hindi pu iyon totoo inang. Lahat ng ibinibintang sa kanya, wala pong katotohanan." Seryosong sagot nya.

Maya-maya lang ay tumulo na ang luha nya.

Nasasaktan kasi sya sa paratang na iyon kay Greta Mia.

At nasasaktan din sya dahil parang ayaw maniwala ng kanyang inang sa mga sinabi nya, na mabuti itong tao.

"Maniwala po kayo sa akin. Ako po--- Ako po ang patunay na mabait sya. Sa tagal po naming naging magkaibigan, wala po akong nakitang masama sa kanya. Wala po inang. Walaaaa... Huhuhu..." Sagot ni Merla habang sige ang pag-iyak nya.

Samantala...

Hindi naman malaman ni Guada ang gagawin sa anak o kung ano ba ang susunod nyang sasabihin dito.

Dahil sa puso nya, naniniwala naman sya dito---

Na mabait nga si Greta Mia.

Katunayan ilang beses na rin nya itong nakasalubong sa daan. At wala itong masamang ginawa sa kanya.

Bagkus palagi pa sya nitong nginingitian.

At sa dami ng ngiting ibinigay nito sa kanya, dalawang beses pa lang nya itong nagantihan---

Alanganin pa yon.

Parang napilitan lang sya na di nya mawari.

Pero sa puso nya---

Gusto nya rin itong maging kaibigan.

Dangan nga lamang at wala syang oras para gawin iyon.

Abala kasi sya sa araw-araw na pagtatrabaho.

Pagkatapos ay may inaasikaso pa syang asawa't mga anak.

"Sige na pumasok ka na sa loob at ng makapagbihis ka na. Alam kong kumain ka na kaya hindi na kita sasabihang tumungo ng kusina." Mahinahong sabi nya sa anak.

Oo. Alam nyang sa tuwing umuuwi ito galing sa eskwelahan ay nakakain na ito.

At dun ito palaging nanananghalian sa bahay ni Greta.

ESMERALDA Book 4Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin