XXXVII - Ang Pagpapaamin

523 46 0
                                    

At ganun nga ang ginawa nila.

Nung bumalik si Fredo sa lamesa ay pasimple nyang tinawag si Rolly.

"Pare halika saglit. May ipapakita lang ako sa'yo sa kotse." Alibi nya.

"Huh?! Wala akong alam sa kotse p're. Baket, may sira ba?! Si ano--- Si--- (Pause) Si Andy na lang. Yan! Maalam sa pagkalikot ng kotse yan." Sabi nito.

Gusto nyang mainis sa isinagot nito sa kanya.

At lalo syang nanlumo nung talikuran pa sya nito na animo wala talaga itong pake sa sinabi nya.

Wala syang nagawa kundi ang bumalik na lang sa kanyang kinauupuan.

Then nagkitinginang mag-asawa.

Pasimple silang nagsenyasan.

"Tawagin mo ulet..." Bulong pa ni Violy na nakatayo sa likuran nya.

"Ayaw nga eh. Wait iisip muna ko ng ibang alibi..." Pabulong na sagot din nya.

At ayun, nag-isip nga sya ng paraan kung paano nya mailalayo si Rolly sa karamihan.

Gumana at nakisama naman ang utak nya.

At sa sasabihin nya ngayon, 100% sure sya na makukuha nya ang atensyon nito.

Muli syang tumayo at lumapit sa pwesto ni Rolly.

Nung makabwelo ay muli nya itong binulungan.

"P're--- May makukuhaan ba tayo dyan? Namiss kong gumamit eh..." Sabi nya sa mismong tenga nito.

Hindi ito sumagot. Pero kunot-noo itong napalingon at napatingin sa kanya.

At hindi lang basta ito nakatingin kundi tumitig pa talaga ito.

Malamang nagulat ito or hindi ito naniniwala sa sinabi nya.

Well hindi naman kasi talaga sya addict. Idinahilan nya lang talaga iyon.

At noong college days nila, isa ito sa mga nambabara sa kanya at palagi syang sinasabihang kj.

Noong unang beses naman syang pinilit na tumikim ng droga, todo-todo talaga ang tanggi nya.

So hindi nga talaga ito maniniwala sa kanya.

"Sige na. Kahit halagang tres lang. Namiss ko lang talaga..." Muling pagsisinungaling at pagpupumilit nya.

At ayun, nabuhayan sya ng loob nung bigla itong tumayo.

"Tara..." Sabi nito sa kanya at iginiya na sya nito palabas ng garden.

Agad naman nyang sinenyasan ang asawang si Violy na nakatayo lang at kanina pa nakaabang, hindi kalayuan sa lamesang pinag-iinuman nila.

Pinasunod nya ito sa kanila.

..........

Pagdating nila sa labas...

"P're saglit lang..." Awat nya agad kay Rolly nung akma itong tutungo sa kotse nitong nakapark din sa labasan.

Siguro ay doon nito kukunin ang batong hinihirit nya kuno.

"Sorry pero hindi talaga ako iiskor pare. Gusto ka lang talaga naming makausap ng masinsinan." Pag-amin nya dito.

Saglit namang natigilan si Rolly.

"Huh?!" Sambit nya.

At ayun, kumorte na naman ng pasalubong ang dalawang kilay nya habang nakatingin sya sa mag-asawa.

"T-tungkol saan naman?" Kunot ang noong tanong nya.

"Tungkol sa--- (Pause) Sa pagkamatay ni Oscar." Sagot ni Fredo.

ESMERALDA Book 4Där berättelser lever. Upptäck nu