XXI - Ang Pagsapi Kay Sheryl

550 40 1
                                    

Samantala sa Baryo Kislap...

"Nay may nase-sense akong kakaiba." Sambit ni Esmeralda.

Kasalukuyan silang nasa kusina non. Katatapos lang nilang kumain at nag-iimis na sila ngayon ng mga pinagkainan nila.

"Anu yon anak?" Tanong naman ni Merla.

"May isa hong kaluluwa ang naghihiganti ngayon. Punung-puno ng poot at hinanakit ang puso nya. At isang buong pamilya po ang nasa bingit ngayon ng kamatayan kapag hindi sya naagapan at napigilan." Sabi nya.

"Diyos ko! Nakakatakot naman yan 'nak." Sambit ni Merla.

"Opo nay, nakakatakot talaga. At hawak na po ngayon ni Aling Rica May ang mga kaluluwa nila Aling Violy, Jomar at Carol." Sabi nya.

Iyon kasi yung mga nakita nya sa vision nya.

Malinaw iyon at alam na alam nya ang buong pangyayari.

Bagama't hindi naman kakilala ni Merla ang mga taong binanggit ni Esme ay napaantada pa rin sya.

Hindi lang kasi isang tao ang involve kundi marami---

Isang buong pamilya pa ayon nga sa kanyang anak.

At hindi lang sa disgrasya o aksidente mapapahamak ang mga iyon kundi may involve na isang kaluluwa.

Nakakakaba naman talaga...

Nakakatakot...

"Eh anong gagawin mo anak?" Nag-aalalang tanong nya.

"Kailangan ko po silang matulungan nay." Sagot nito.

"Paano mo yon gagawin? Alam mo ba kung saan sila matatagpuan?" Muling tanong nya.

"Hindi po. Pero nararamdaman kong may isang tao akong makikilala na konektado sa kanila. Ang taong iyon ang magdadala sa akin sa pamilyang iyon." Sagot nito.

..........

Kinabukasan...

Nagkatotoo nga ang sinabi ni Esmeralda.

Nasa palengke sya non nung magkabungguan sila ni Jasmine.

"Aaaay! Sorry po ate. Hindi ko po sinasadya." Sabi nya sabay pulot sa nahulog nitong dala-dalahin.

"Sorry din. Ako ata ang may kasalanan eh. Kase hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko." Sabi naman ni Jasmine.

"Ako nga po pala si Esmeralda." Pagpapakilala nya dito matapos nyang iabot ang plastic nito.

"Ako naman si Jasmine." Sabi nito.

At nung magkamay silang dalawa, biglang lumakas at luminaw ang pangitain nya.

"Halika ate bilis! May sasabihin po ako sa'yo." Nagmamadaling sambit nya sabay hila sa babae papunta sa may gilid.

"Huh?! Ano yon?!" Kunot-noong tanong nito.

"Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko rin po alam kung paano ko sa'yo 'to ipapaliwanag ng maayos. Pero maniwala ka sa akin ate--- Nasa panganib ngayon ang buhay ng pamilya ni Mang Fredo, ang tiyuhin ng nobyo mong si Isagani." Sabi nya.

"Huh?!" Kunot-noong sambit nito.

"Sayang ang oras ate. Tara na bilis!" Sabi nya.

Matapos nyang pumara ng tricycle ay inaya na nya itong sumakay.

Wala namang nagawa si Jasmine kundi ang magpatianod.

Hindi sya naniniwala sa mga sinabi nito. Pero ewan nya kung bakit naging sunud-sunuran sya dito.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now