XXX - Ang Paglaya Ni Carol

558 39 0
                                    

Samantala sa kabilang baryo...

"Tiyang ba't ganon?! Bakit hindi pa rin sya nagigising hanggang ngayon?! Buhay naman sya, humihinga. Eh bakit hindi pa rin sya nagkakamalay-tao?" Nag-aalalang tanong ni Bing sa kanyang tiyahing si Glo.

Si Jomar ang tinutukoy nito.

Ang binatilyong animo mahimbing lang na natutulog.

Pero ang totoo---

Nasa bahay-kubo pa rin ang kaluluwa nya.

Malungkot pa rin sya at umiiyak pa rin hanggang ngayon.

Gustuhin man kasi nyang umalis doon at puntahan ang kanilang bahay, ang kanyang pamilya ay hindi naman nya magawa.

Bagama't wala na si Rica sa paligid nya ay naroon pa rin kasi ang tanikalang hindi nya nakikita---

Ang pwersang bumihag at nakapagparalisa ng buong katauhan nya.

"Siguro naapektuhan ang ulo nya, kaya ganon. Wag ka ng mag-alala, mamaya tutungo ako sa kabilang baryo. Maghahanap ako doon ng makakatulong sa atin. Ipagtatanong ko na rin don kung kakilala nila ang binatilyong iyan." Sabi ni Glo.

Napabuntong-hininga na lang si Bing.

At ayun, malungkot syang tumingin sa lalaking payapang nakahimlay ngayon sa katre.

..........

Samantala sa bahay nila Fredo...

Kasalukuyang nasa sala na ang lahat.

Naipaliwanag na ni Esmeralda kung bakit ganon ang itsura at ang naging behavior nung tatlo---

Nila Violy, Jomar at ni Carol, na hanggang ngayon ay mga nakatulala pa rin.

Para pa ring may mga sariling mundo yung tatlo.

Yung tipong wala silang naririnig at wala ring nakikita.

Basta tagus-tagusan lang ang tingin ng mga ito.

At ayun, hindi na naman makapaniwala si Fredo at ang iba pa sa mga sinabi nya.

Pero dahil may napatunayan na sya, wala naman na syang naramdamang pagdududa mula sa mga ito.

"Halina kayo! Puntahan na natin si Carol. Kanina pa sya iyak ng iyak. Kawawa naman." Sabi nya habang nakatingin kay Sheryl.

Then after non ay nagpatiuna na syang maglakad.

Dere-derecho ang kanyang mga hakbang na animo alam na alam talaga nya ang kanyang patutunguhan.

Nakasunod naman yung lima sa kanyang likuran.

Pero paglagpas sa pinto ay umiba na ng direksyon si Chanda.

Imbis sumunod sa kanila ay ang gate ang tinungo nito.

Ayoko na! Ayoko na dito! Uuwi na ako. Mabubu-ang na ako sa bahay na 'to...

Takut na takot na bulong nya sa isip nya habang sya ay naglalakad palabas.

"Ngiiiiiiiih..." Sambit pa nya na animo kinilig na ewan.

Fresh na fresh pa rin kasi sa isip nya ang mga kababalaghang nangyari kani-kanina lang---

Yung pagsugod sa kanya ni Sheryl na muntik pa nyang ikapahamak.

Kung hindi ito naawat kaagad ni Esme ay baka may mga saksak na sya ngayon at nag-aagaw buhay na.

Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito kanina. Panigurado, hindi talaga sya nito tatantanan at iiwanang humihinga.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now