IV - Ang Salot

700 46 0
                                    

Twenty years before...

"Naku! Andyan na naman yung salot ng bayang ito." Pasaring ng isang ale.

"Inang, sino po yung tinutukoy ni Aling Bidang na salot?" Tanong ni Merla sa ina.

Kasalukuyan silang naglalakad non. Pauwi na sila at napadaan lang sila sa isang tindahan.

At dun sa tindahang iyon nag-uumpukan sila Bidang kasama ang iba pa nitong mga kaibigan. At ang salot na tinutukoy nila ay walang iba kundi si Greta.

"Sssssht... Wag kang maingay at baka ika'y marinig. Sige ka, kukulamin ka non." Pabulong na sagot ni Guada sabay hila sa kamay ng anak.

At dahil likas sa kanya ang pagiging mausisa, lumingon pa sya at tiningnan ang ibang tao sa paligid.

Gusto nya kasi talagang malaman kung sino ba yung salot na sinasabi ni Bidang.

At yun nga, nakita nya ang isang matandang babae na halos kaedaran ata ng inang nya.

Yuko ang ulo nitong nababalutan ng belong itim. Itim din ang blusa nito at ang paldang mahaba.

Binabagtas din nito ang direksyong tinatahak din nilang mag-ina.

"Wag ka ng lumingon at baka ika'y matandaan pa. Naku kang bata ka oo." Sita sa kanya ng ina. At muli nga sya nitong iginiya sa paglalakad.

Pero hindi sya nakinig. Muli pa rin syang lumingon at inobserbahan ang babaeng binansagang salot ng kanilang bayan.

Napansin nyang tahimik naman ito. Muka pa ngang ilag at takot sa mga kapwa tao.

Yan ba ang salot? Mukang hindi naman. Kase kung talagang sya nga, taas ang noong maglalakad pa sya. At kame ang matatakot sa kanya.

Bulong nya sa kanyang sarili.

Maya-maya'y nakita na nya itong umiba ng daan. Lumiko na ito at pinasok ang kasukalan.

Nung hindi na nya ito matanaw ay saka lang sya humarap at nag-pokus sa paglalakad.

"Wala na po sya inang kaya maaari nyo ng sagutin ang mga tanong ko." Sabi nya sa ina.

"Naku't umarangkada ka na namang bata ka. Napaka-mausisa mo talaga." Sabi agad ni Guada.

"Sige na inang. Gusto ko po talagang malaman eh. Para makapa-iingat din po ako." Pamimilit nya.

"O sya sya. Para manahimik ka na. Si Greta Mia, yung anak ni Ka Marcial---" Biting sambit nito dahil siningitan nya ito kaagad.

"Sino naman po si Ka Marcial inang?" Tanong nya.

"Albularyo yon. Pero wala na yun ngayon. Matagal na iyong patay." Sagot nito.

"Ahhh..." Sambit nya. At muling nagpatuloy ang kanyang ina.

"Si Greta ang sinasabi nilang salot dito sa atin. Mangkukulam daw iyon. Yun ang sabi-sabi nila. At sya daw ang nagpapakalat dito sa atin ng mga sakit. Kagaya ni Pilar, bigla na lang tinubuan ng kung anu-ano sa balat. Si Salome naman na animo napaglaruan ng masamang espiritu. Hindi nawawalan ng lagnat at daig pa ang sinasapian kung magwala." Pagkukuwento nito.

At marami pa itong binanggit na pangalan. At lahat ng sakit ng mga taong iyon ay si Greta daw ang may kagagawan, ayon daw iyon sa mga naririnig nitong bali-balita sa lugar nila.

Hindi naman sya kumibo. Pero mataman nyang pinag-isipan ang mga sinabi ng ina.

At sa loob-loob nya, diskumpiyado sya sa mga kumakalat na masamang balita tungkol kay Greta.

Para sa kanya, walang basehan ang bintang dito. Hindi iyon makatarungan.

"Hindi lang yon anak, pati ang kamalasan sa mga pananim at ang pagkatuyot ng mga lupa ay si Greta din daw ang may gawa." Sabi nito.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now