XIX - Ang Bangin

574 38 2
                                    

Samantala sa bukid...

"Halika dun tayo. Mas mahangin don." Yaya ni Rica kay Jomar.

Ang lugar na tinutukoy nya eh yung duyan sa ilalim mismo ng punong mangga.

Tumango naman si Jomar at ngumiti.

"Hindi ka ba nabobored dito? Ang simple at ang tahimik masyado." Sabi nito habang sila ay naglalakad.

"Hindi naman. Sanay na kasi ako." Sagot nya.

"Ako hinde. Ibang-iba kasi yung life style dito compared dun sa Manila." Sabi nito.

"Masasanay ka rin." Nakangiting sambit nya.

"O, ikaw na ang mag-duyan. Sawa naman na ako dito eh. Araw-araw ko na lang 'tong sinasakyan." Sabay dugtong nya.

"Ah hinde. Ikaw na lang. Ikaw ang babae eh. Alangan namang ako ang nakaupo tapos ikaw ang nakatayo." Tanggi nito.

"Ikaw na! Sige na! Sigurado naman akong hindi mo pa nararanasang sumakay sa ganito eh." Sabi nya.

"Hahhaaa... Oo nga. Hindi pa nga. Sa swing oo--- Nung bata pa ako. Sa playground iyon ng subdivision namen." Sabi nito.

"O, ta'mo. Sige na upo ka na." Pamimilit pa rin nya.

"No. Ikaw na lang." Tanggi pa rin nito.

"Ikaw na!" Nakangiting sambit nya tapos pinanlikhan na nya ito ng mata.

Ayun, walang nagawa si Jomar kundi ang umupo na sa duyang gawa sa rattan abaka.

Hindi dahil hindi pa sya nakapagduyan sa ganon, kundi pinagbigyan nya lang talaga ang babae dahil sa kakulitan nito.

At syempre para hindi rin nakakahiya.

Kumuha naman ng bangkito si Rica.

Pagkatapos non ay ipinuwesto nya iyon sa gilid, malapit sa duyan.

"Nagpaalam ka ba sa inyo? Baka hanapin ka ah..." Sambit nya nung sya ay maupo sa upuang gawa sa kahoy.

"Yeah. Nagsabi ako kila mama at papa." Sagot nito.

"Maganda na yung malinaw. Baka tumakas ka lang eh. Mag-aalala sila sa'yo." Sabi nya.

"Haha... Hindi ah. Nagpaalam ako promise." Natatawang sagot nito.

At nagkuwentuhan na silang dalawa pagkatapos.

Marami silang napag-usapan.

Kung saan-saan dumako ang topic nila.

Maya-maya'y nagyaya na si Jomar.

"Malilim na. Tara bike tayo. Angkas kita." Sabi nya sa babae.

"Sige ba." Pagpayag naman ni Rica.

At nagbisekleta nga sila. Nakaangkas sa harapan si Rica.

"Di ko kabisado ang lugar dito. Turo mo na lang kung saan tayo ha?" Sabi ni Jomar habang nagpepedal at tinatahak ang pa-derechong daan.

"Sige. Sige." Sagot ni Rica.

..........

Samantala sa bahay...

"Carooool... Carol anaaak... May niluto akong meryenda o..." Malayo pa lang ay nagsasalita na si Violy.

Nilakasan nya talaga ang boses nya upang makuha kaagad ang atensyon ng anak at ng kalaro nitong si May.

Meron syang bitbit na dalawang juice na naka-tetra pack at isang platitong medyo may kalakihan.

Naglalaman iyon ng anim na pirasong pancake na magkakapatong-patong.

ESMERALDA Book 4Where stories live. Discover now