XV - Lipat-bahay

592 45 1
                                    

Years later...

Samantala sa kabilang ibayo...

"Ma dito na ba talaga tayo titira? (Pause) Ayoko dito eh... Ang creepy." Maarteng sambit ni Sheryl sa ina.

"Ssssshhh... Yung bunganga mo! Pag narinig ka ng papa mo sigurado mapapagalitan ka na naman." Sita naman ni Violy sa panganay na anak.

Kararating lang nila sa lugar na iyon.

Galing sila sa siyudad, dun talaga sila naninirahang mag-anak.

Kaso minalas ang padre de pamilya na si Fredo.

Natanggal sya sa trabaho dahil sa maling aksyong nagawa.

Nahikayat kasi syang sumali sa isang networking business.

Na-engganyo syang maglabas ng malaking pera sapagkat triple daw ang balik sa kanya sa loob lang ng isang buwan.

Pero sa kasamaang-palad ay na-scam naman sya.

Sa loob ng isang buwan---

Biglang nagbago ang buhay nya, nilang buong pamilya.

Hindi lang yon, pati ang mga na-recruit nyang mga ka-officemates nya ay nadamay din dahil sa mga scammers na lumoko sa kanya.

Ayun, dahil don ay nabaon sya sa utang. Sya kasi ang binalikan ng mga katrabaho nya.

Sa kanya binawi ng mga ito ang mga perang in-invest sa pekeng negosyo na iyon.

At hindi pa don natapos ang kamalasan nya---

Natanggal pa sya sa trabaho dahil sa dami ng reklamong ibinato sa kanya.

Ilang linggo syang nalugmok sa problema.

Palaging mainit ang ulo nya kaya pati ang pamilya nya na wala namang kaalam-alam sa pinasok nyang gulo ay nadamay na rin.

Ang asawa't mga anak nya ay palagi nyang nasisinghalan lalo na sa tuwing sya ay malalasing.

At hindi pa rin don natapos ang lahat---

Lalong nadagdagan ang problema nya nung pati ang bahay at lupa nila na naisanla nya ay nailit na rin ng banko.

Ang mga sasakyan nila---

Naibenta na ring lahat at isa na lamang ang natitira. Isang kotseng kasya lamang silang lima.

Halos mabaliw na sya sa dami ng pagsubok na dumarating sa kanya.

Sukung-suko na talaga sya.

Binalak na nga nyang magpatiwakal na lang para matapos na ang paghihirap nya.

Kaso iniisip naman nya ang kanyang pamilya.

Ang babata pa kasi ng mga anak nya.

Ang panganay nyang si Sheryl ay edad disi-syete pa lamang.

Kolehiyo na sana ito pero gawa nga ng wala na silang pera, pinahinto nya muna ito sa pag-aaral.

Si Jomar na nasa edad katorse ay high school student naman.

At ang bunsong si Caroline, walong taong gulang ay grade two naman sa pasukan.

Hindi naman nagpabaya ang butihin nyang asawa na si Violy.

Bagama't marami syang kapalpakan ngayon, hindi pa rin sya nito iniwanan.

Kahit palagi syang nakasigaw dito, nasa tabi pa rin nya ito---

Umaalalay...

Nag-aasikaso...

Nagsisilbi...

Walang sawang umuunawa...

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon