XXXVI - The Murderer

535 45 2
                                    

"Ano daw yon?" Tanong ni Fredo.

"Sabi nya--- Kakilala mo raw yung pumatay kay Oscar..." Panimula naman ni Violy.

Sinadya nitong hinaan ang boses habang binibigkas ang unang mensahe ni Esmeralda sapagkat komplikado ang nilalaman niyon.

"Huh?! S-sino daw?!" Tanong agad nya.

"Hindi nya sinabi kung sino eh. Pero may mga description syang ibinigay..." Sagot nito.

Hindi sya tumugon. Pero mataman na syang nag-isip kung sino ang tinutukoy ni Esme.

"Eto basahin ko--- Kasing tangkad mo daw..." Sabi nito.

Agad syang napalingon sa pwesto ng kanyang mga kaibigan nung marinig nya iyon.

Ewan. Para kasing may pakiramdam sya na isa sa mga iyon ang salarin.

At ayun, inalisa nya kung sino kila Lito, Andy, Mario at Rolly ang kasing-taas nya.

At sila Lito, Andy at Rolly ang tumutugma sa deskripsyong iyon.

Halos magkaka-height kasi silang apat.

"Nakasalamin daw..." Pagpapatuloy ng kanyang asawa.

Tinambol ng kaba ang dibdib nya nung makita ang mga tropang nakasuot ngayon ng eyeglasses.

Actually halos lahat sila ay nakasalamin na. May mga edad na rin kasi sila kaya kailangan na talaga nila iyon.

"Katamtaman lang daw ang pangangatawan..." Sabi nito.

At ayun, tumutok ang paningin nya kila Mario at Rolly.

Sa lahat kase, ang dalawang ito lang ang nag-match sa identity nung suspect---

Kasing-tangkad nya...

Nakasalamin...

At katamtaman lang ang built ng katawan...

Si Lito ay ligtas na.

Hindi lang dahil may katabaan ito, kundi napakabait talaga nitong tao.

Oo nagpasaway ito nung sila ay nasa kolehiyo.

Pero after non ay nagseryoso naman na itong kagaya nya. Lalo na nung magka-asawa't magkaanak.

Si Andy ay ligtas na rin dahil payat ang pangangatawan nito. Siguro'y nasa lahi.

Mula kasi noon, nung college days nila hanggang ngayon ay ganun pa rin ang katawan nito.

Hindi talaga ito tumaba o nagkalaman man lang kahit konte.

So isa kila Mario at Rolly ang salarin.

Ayaw nyang magbintang pero parang nahuhulaan na nya kung sino. Lalo't kakaiba pa ang ikinikilos nung isa.

Nakakaduda talaga.

"Ang buhok nya--- Medyo napapanot na..." Muling pagsasalita ni Violy.

At maging sya ay napatingin na rin sa mga lalaking kabatch ng asawa.

Samantala...

Naguluhan naman si Fredo sapagkat wala kila Mario at Rolly ang deskripsyong iyon.

Huh?! Sino kaya?!

Bulong tuloy nya sa isip nya.

Bigla syang nalito. But at the same time ay na-relieved din sya dahil wala pala sa mga tropa nya ang salarin.

Kahit kase matagal na silang hindi nagkikita-kita...

Paputol-putol din ang kanilang komunikasyon...

ESMERALDA Book 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon